Chapter 2-Love War 💕

2.7K 105 6
                                    

Mahigit dalawang oras na kaming nagbababyahe kaya feeling ko masusuka na ako. Tumingin ako sa labas para pagmasdan ang kapaligiran ng mahagip ng isang farm ang atensyon ko.

"Sunshine Farm" basa ko sa karatula.

"OMG! OMG! HUWAAAAAHH!! Andy baba muna tayo. Dali naaaaa!" parang batang sabi ni Trixie. Sa aming magbabarkada s'ya ang childish sa amin pero s'ya ang pinakamatanda saaming mga babae at ako naman ang bunso saaming lahat. Baliktad no?

"Babe umayos ka nga para kang tinutusok sa pwet. Ang kulit mo" asar sa kanya ni Elijah.

Pinanliitan ng mata ni Trixie ang boyfriend n'ya saka nag-pout.

"Andyyyyyy!!! Just stop the car!" sigaw nito. Kaya napatigil naman si Andy sa pagdadrive.

Talagang dito pa s'ya sa gitna ng kalsada huminto. Great!

*beeeeeeeppppppp!*

Malakas na busina ang nagpagulat saamin kaya naman napatayo ako ng wala sa oras. Bwisit yun ah!

Ibinaba ni Andy ang bintana sa passenger seat at sa hula ko nakita yon ng driver ng bumusina saamin kaya tumapat ito doon.

"Pre nakaharang kayo sa daan! Hindi ka naman siguro tanga para hindi mapansin yon no" sabi kay Andi nung driver ng bumusina.

Nagtawanan naman ang tatlong lalaking kasama n'ya.

"Pasensya na pre. Gigilid nalang kami" mahinahong sagot ni Andy.

Tumawa lang yung lalaki nang biglang nagsalita yung isa sa mga kasama n'ya.

"Sean di naman pala papalag yan eh" Tumawa ulit sila.

Sean pala yung pangalan nung Driver.

"Duwag ata yan mga par" epal pa nung isa.

Aba ang mga loko sumusobra na.

"Hi Miss" sabi ni Sean kay Zoey. Inirapan lamang sya nito.

"Pre mawalang galang lang ah pwede bang umalis na kayo?" singit ni Drake pagkababa nya palang ng bintana sa tabi nya.

" Uy mga par ang daming chiks oh"

"Oo nga no!"

Kainis lang ah. First time lang ba nilang makakita ng mga dyosa? Ang ignorante nila! Buti pa yung isang Guy na kasama nila tahimik lang, tulog ata.

"Hoy! Girlfriend yata namin tong mga sinasabihan n'yo ng chiks!" singit ni Kenneth.

"Mga pre umalis nalang kayo. Ayaw namin ng gulo" sabi ni Elijah.

Nagtawanan nanaman ang mga baluga. May sayad ata ang mga ito. May itsura pa naman sila lalo na yung lalaking natutulog.

"Duwag pala sila lahat eh" natatawang sabi nung lalaking nasa likod ng driver seat.

"Pre di naman sa duwag ayaw lang namin ng gulo" paglilinaw ni Drake.

"Sabihin n'yo mga duwag lang kayo!" sabi nung lalaking katabi nung lalaking nasa likod ni Sean.

"Talagang sinusubukan n'yo kami?!" sigaw ni Andy. Agad naman s'yang pinigilan ni Zoey kaya napatigil ito.

"Tara! Sapakan tayo dito sa gitna ng kalsada" yaya ni Sean. Palabas na sana sila sa kotse ng biglang may bumusina na naman.

"Hoy! Mga Hijo wag kayong gumawa ng eksena dito talaga bang gusto nyonv magkatraffic? Aba wag dito don kayo sa EDSA!" dinig naming reklamo nung matandang driver sa likod ng kotse namin.

When Playgirl Meets the PlayboyWhere stories live. Discover now