Chapter 2: The Friends

6 0 0
                                    

Lovely's POV

Friend? Kaibigan? Sila yung taong andyan lagi sayo para samahan ja sa oras na kailangan mo sila. Sila yung taong hindi ka iiwan kung tunay sila, sila yung taong ipagtatanggol ka sa mga umaaway sayo. Lahat tayo pinangarap natin na magkaroon ng kaibigan na "PERPEKTO" pero baka nakakalimutan natin na walang taong perpekto. So here let me tell you my story about my friend which I trusted the most.

(FLASHBACK)
Lovely's POV

"BOO! BOO! LOSER!" sabi nila habang binabato nila ako ng kung ano ano.

Ako? Ito kahit na umiiyak na hindi pa rin sila tumitigil. Ang dami nilang sinasabi. Nagugulat na lang ako nagtangka ako magpaliwanag kaso wala e sarado na isip nila naniwala agad sila sa istorya.

Hinintay ko lang sila matapos. At noong natapos na sila linapitan ko si Laila.

"Laila? Ano bang nangyari?" sabi ko na may halong lungkot ang tono.

Pero nagulat ako nung hindi niya ako pinansin and worst tinarayan niya ako.

Bigla bigla na lang akong hinika, edi dinala ako sa clinic ng mga classmate ko. Umiiyak pa rin ako kasi sobrang sama ng loob. Hays.

Bigla na lang may pumasok sa clinic ang mga truefriend ko pala.

"Okay ka na ba?" Sabi ni Cila sa akin. Tango lang sinagot ko.

Umalis din sila agad kasi nga bibili sila ng props para sa sayaw. Yes po! Props. Ng dahil LANG po sa props nagalit po sila sa akin. Nasabihan ako ng bidabida. Ang sakit lang po kasi sa part ko na mapagbintangan ng bagay na hindi naman talaga ako. Masama loob ko pero anong magagawa ko nangyari na eh.

Nung umuwi na ako sa bahay dalawa lang ang ginawa ko umiyak ng umiyak at tulala.

"Ma, sama ako sa san juan" sabi ko with fake smile.

"Sure ka  ba? Hindi ka makakapasok niyan sa school niyo bukas? Tapos sa sunday pa balik ko?" sabi ni mama.

"Yepyep, wala naman kasi kami halos gagawin" sabi ko. Maga mata ko at alam ko nahahalata yun ni mama.

Sobrang affected ako dun. Kasi yung tinuring kong pamilya e basura lang pala tingin sa akin. Na sa liit ng pagkakamali ko lumaki kasi ang dami na pa lang galit sa akin hindi ko man lang halata. Iyak lang ako ng iyak.

Nung makapunta kami ng san juan diretso higa ako, iyak lang ng iyak. Tapos chinat ko yung isa kong kaibigan kasi nga nagaaway na kami nagpaparinigan sa fb. Lalo lang akong nadepressed. I can't understand. Super. :'(

Nung gabing din yun hanggang kinabukasan naguusap rather nagaaway kami ng kaibigan ko lalo lang lumala.

Nasabi ko lang sa sarili ko na "Hindi ko pa sila kayang harapin, kailangan kong magpalamig"

Nung kina-monday-an nalate kami nung true friend ko super late. Kinakabahan ako nun habang papasok. Think positive lang.

Tapos ayun nakita ko sila, pero hindi kinikibo. Masama pa rin loob ko. Ngumingiti ako pero deep inside gusto ko na magbreak down hindi ko kinakaya yung atmosphere sa classroom.

Nung Science time namin kausap ko yung dalawa kong classmate and nagulat ako sa sinabi nila na

"Hika hikaan or Kunwari" lang. Super nagalit ako nun kasi why of all people sila pa nagsabi nun? Matatanggap ko pa na sabihan nila akong maarte, bidabida etc. Pero yung buhay ko na? Hays. Tapos yung isa ko ding teacher kung ano ano sinasabi sa akin. Yung mga kaibigan ko akala nila hindi ako masyadong affected pero deep inside sobra para ako sinaksak paharap ng sampung beses.

Pero ang nagawa ko na lang that time e

Hinayaan at tinanggap ko na lang.

END OF FLASHBACK.

That moment I realize yung true friends ko ang magsstay nawalan ako ng tiwala sa lahat. I learned my lesson in a hard way. Thats the time na I realize na yung mga tao na hindi nagjudge sa akin that time is my true friend.

A/N: Hi guys. Sana may napulot kayong lesson dito sa chapter na to. Binase ko to sa totoong buhay. Maniwala man kayo o hindi umiiyak ako habang tinatype ko tong chapter na to. I thought na nakamove on na kasi ako pero neh, natrauma pa rin ako. But enjoy this chapter. tkcr!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reality (Real Life Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon