CHAPTER ONE - ZOE THE FLIRT

1.5K 23 10
                                    

CHAPTER ONE

“Hoy Zooooeeee!” Ayy palaka! Takte! Nagitla ako sa boses lamang-lupang tumawag sa napakaganda kong pangalan.

Lumingon ako sa likod. Ayy badtrip! Nakalingon-lingon pa! Sana pala hindi na! May mukhang tilapia kasing tumambad sa harapan ko! Nakakasira ng araw. Sumusugod siya sa direksyon ko.

“Ikaw babae ka! Malandi ka talaga eh no?” Talsik laway pa ang bruha! Kadiri.

“Problema mo?” Tumayo ako! Eh hanggang baba ko lang pala tong babaeng to eh! Lakas ng loob ah!

“F*ck you ka! Layuan mo si Bernard! Ang landi-landi mo talaga! Nilahat mo na ang lalaki dito sa University natin! Bitch!” Binangga ko siya ng dibdib ko. Nakakirita eh! Actually hindi lang naman siya ang unang babaeng sumugod sakin at nagbantang layuan ang mga jowa nila kundi kakalbuhin daw nila ko, papamurder, ipapaexpel dito sa school, ipapa-gang rape at kung anu-ano pang ipapa!

Bakit? Kasalanan ko bang habulin ako ng lalaki?

Kasalanan ko bang mahumaling sakin ang mga taken?

Kasalanan ko bang maglaway sakin ang mga lalaking kinababaliwan nila?

“Excuse me babaeng talsik laway at amoy bulok na daing ang hininga, wag na wag mo kong masubuk-subukan. Sayong-sayo na yang Bernard mo! Natabihan ko lang sa picture pumuputok na diyan ang butchi mo!?” FYI, Si Bernard eh kadance troupe ko! Yun lang! Ngakataon lang na nagpapicture kami as a group at katabi ko siya. Ang babaw diba?

“Wala akong tiwala sayo! Malandi ka eh! Lahat ng lalaking lapitan mo, naakit sayo! Nuknukan ka kasi ng landi. Ilang relasyon na sinira mo, ilang babae na ang gustong pumatay sayo, ilang couples na ang winasak mo! Kaya lahat kaming may mga babae, di papayag na madikit ka sa mga boyfriends namin!”  

 

 

“Bakit tingin mo may tiwala ako sayo? Hello teh!? Close ba tayo?! Saka kasalanan ko bang maganda ako? Kasalanan ko ba kung yang mga boyfriends niyo ay di loyal sa inyo kaya napapatingin sakin? Wala naman akong ginagawang masama ah! Napadaan lang ako sa harap nila, naglalaway na sila.  Itry nyo kaya silang ikadena sa mga leeg niyo para naman mapanatag yang loob niyo! Bwiset! Lumayas ka sa harap ko bago kita ingudngod sa lupa!Pampasira ka ng araw eh!”

Tinulak ko siya palayo! “Di pa tayo tapos Zoe! Hindi pa!”

 

“Okay! See you soon!” Kung maldita siya, mas maldita ata ako! Bwisit na yun! May pagsugod pa! Wala naman palang iuubra! Hello? Demonyita ata to no?

Kinuha ko yung notebook and ballpen ko sa bag.

CALL ME FLIRT >:) [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon