Ang Dami Mong Alam! (One Shot)

4.1K 166 44
                                    

"Miss Geronimo?"

Napabalikwas ako ng konti ng marinig ang pangalan ko. Minsanan lang ako tawagin sa klase. Known kasi ako sa pagiging matalino (not that I'm bragging) kaya kahit iwagayway ko ng 5678765 times ang kamay ko, kadalasan hindi ako napapansin.

"Po?" tanong ko, unti-unting tumatayo mula sa upuan ko.

Naramdaman kong nakatingin sakin ang mga kaklase ko kaya medyo namula ako. Lalo na nung lumingon ako sa likod ko at nakitang nakatingin sakin si Kenneth.

Si Kenneth Villafuerte? Yan ang lalaking napakasarap pektusan. Hindi lang pektusan. Sipain, balugbugin, sampalin, hambalusin, sabunutan, lahat lahat na. Bakit? Dakilang bully at pambara king 'yan eh.

"Ms. Geronimo, you'll be in charge of decorating the class's bulletin board for this quarter. Do you understand?" tanong ng teacher ko.

Tumango-tango na lang ako at umupo na. Akala ko naman kung ano. Buti naman at pagdedecorate lang. Mahilig naman akong maggupit-gupit ng kung anu-ano eh. Piece of cake.

Kinuha ko ang isang notebook na ginagawa kong sulatan ng reminders ko sa sarili. Sinulat ko doon ang mga salitang, "Bulletion Board Design - ASAP" tapos ay isinara iyun, may ngiti sa mga labi. May pagkakaabalahan na ako ngayong gabi.

"Tss. Ang dami mong alam."

Napalingon na naman ako sa likod, kung saan nakaharap ko si Kenneth na nakangisi. Bwiset, nakakainit ng dugo. Humarap na lang ulit ako, pulang-pula ang mukha. Paki ba nya! Eh sadyang makakalimutin ako e. Kailangang gawan ng paraan.

"Paki mo ba?" bulong ko, pero halatang asar ang boses ko.

Narinig ko syang tumawa. "Bakit ka affected? Gusto mo sigurong ma-impress ako, no? Tsk, tsk."

Napakagat na lang ako sa labi ko, nagtitimpi. Palagi na lang syang ganito mula noong nilipat sya ni Ma'am sa likod ko. Para daw mahawa sa katahimikan ko, pero kabaligtaran ang nangyayari eh. Ako yung naaapektuhan. Ako yung nagiging pasaway.

"Asa ka," bulong ko, nililigpit ang gamit ko. Napasilip kasi ako sa relo ko at ilang minuto na lang, lunch break na. 

"Talaga," bulong nya, mahinang-mahina, pero narinig ko pa rin.

Namula na naman ako. Amp. Bakit ba kasi ako laging affected sa kanya? Atsaka, ano ba ang pinapaabot nya sa pagsasabi ng talaga?

Hinampas ko ang sarili ko sa noo. Amp. Malamang wala lang sa kanya 'yun. Bakit ba pinapalaki ko ang wala? Napadukdok na lang ako sa upuan ko. Ayos lang naman, nagsesermon lang naman kasi si Ma'am.

Narinig ko ang malakas na tunog ng school bell. Sa paligid ko, nagtayuan na ang mga kasamahan ko. Freedom, ika nga. Kahit hindi na pansinin ang sinasabi ni Ma'am. Tapos na naman ang period nya e.

Ang Dami Mong Alam! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon