"May pagasa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba ay lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila ay napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na"
----------
Hawak ko ang cellphone ko ngayon at ka text si kyle. Siya ang aking pinaka mamahal na boyfriend. 11 months na kami at next month na sana ang anniversarry namin pero parang may mali sa relationship namin. Long distance relationship kasi meron kami. Nag aaral ako sa ibang lugay at minsan lang umuwi sa amin kaya sa text lang talaga ang communication namin.
Dahil nga cellphone lang ang tanging nag dudugtong sa amin gusto ko lagi niya akong tenitext yung, kahit malayo ay parang nandito lang siya sa tabi ko dahil alam ko ang ginagawa niya. Pero iba talaga kami ehh. Minsan lang siya nag tetext at tumatawag kaya lagi kaming nag aaway. Hanggang sa isang araw ay tuluyan na talaga akong sumuku. Nakipag hiwalay ako sa kanya kahit masakit. Di ko siya tinext after ng break up namin. Ginugul ko nalang ang oras ko sa pagbabasa ng wattpad para mawala ang sakit na nararamdaman ko.
6 months na kaming hiwalay ng mabalitaan kong may bago na siyang girlfriend. Nung una nagulat ako. Kalaunan natanggap ko rin na may girlfriend na talaga siya, nag stalk pa nga ako sa girlfriend niya ehh gamit ang facebook. Haha ^^V
Kaya tanggap ko na na di na talaga magiging kami. Nagkaroon din ako ng mga manliligaw pero ni isa ay wala akong nagustuhan. Ewan ko kung anong meron kay kyle na talagang mahal na mahal ko siya hanggang ngayon. Wala na rin akong balita sa kanya. Nag palit ako ng number at di narin ako nag abalang mag hingi ng number niya.
Hanggang sa maka graduate ako at magka trabaho. Loveless parin ako. Haha. Tatandang dalaga na ata ako nito ehh.
Isang araw papunta ako sa hospital, dun kasi ako nag tatrabaho bilang isang medical technologist.
Dahil nag mamadali ako may nabunggo akong lalaki. Dahil sa lakas ng impak ng pagkakabunggo ay tumilapun ako sa sahig.
"Aray !" Yun nalang ang nasabi ko dahil ang sakit talaga ng balakang ko.
Nilahad ng lalaki ang kamay niya para alalayan ako sa pag tayo. Kinuha ko naman ang kamay niya nang di tinitignan ang mukha nito.
"Sa susunod kasi mag ingat ka. Nasa hospital po tayo" sabi habang naka yuko parin.
"Lyle" sabi niya ng mahinahun
Nagulat ako kung bakit alam niya ang pangalan ko. Dahil narin sa curiosidad ay inangat ko ang aking ulo at tiningnan ang lalaking nasa harapan ko.
"Kyle" yung lang nasabi ko.
Bagkas ang kaba sa mukha nito.
"Anong ginagawa mo dito kyle ?" Tanong ko uli
"Manganganak na kasi ang asawa ko" sabi niya
Ouch~ parang may tumusok sa puso ko. Ang sakit. Kinasal na pala siya at magiging tatay na. Ang pangarap namin nuon na bumuo ng sarili naming pamilya ay tinupad niya sa iba. Nasasaktan talaga ako ngayon. Gusto kung umalis sa harap niya at ipakita na di ako apektado. Ang tagal narin naman kasi buhat ng maghiwalay kami.
"A-hh sige. Mauna na ako. Congratulations nga pala" di ko na hinintay ang sagot niya at umalis agad sa pwestong yun.
Ang sakit talaga. Hanggang ngayon kasi ay umaasa pa ako na magkakabalikan pa kami. Pero malayo nang mangyari yun ngayon. Dapat na akong mag move on. This time gagawin ko na talaga. Susuko na ako.
"Ikaw at ako ay alaala nalang kung susuko kana"
Ginugul ko uli ang sarili ko sa pag tratrabaho. Instructor ako sa umaga at duty naman sa hospital pag gabi. Sabado at linggo nalang ang tanging pahinga ko.
Dahil nga pagod na pagod ako sa buong linggo at napag desisyunan ko na mag chillin sa mall. Lakad ng lakad lang ako nang may naka bangga na naman ako.
Lagi nalang talaga ako nababanga. Napasin niyo ? Hehe
This time di na ako tumilapun instead ay naka subsub ako ngayon sa dibdib niya. Inferness ang banggo niya.
"Miss, okay ka lang?" Sabi niya
Agad naman akong nabuhayan at lumayo sa kanya. Tiningnan ko siya. At tanging, OMG lang ang nasabi ko. Shemay ang gwapo niya.
"I'm lance" nilahad niya ang kamay niya para makipag kamay.
Tinangap ko naman to
"lyle" sabi ko
"What a beautiful name *wink* may I invite. you for lunch ?" Ang landi naman ng lalaki to.
Tinggap ko ang inbitasyon niya at nag lunch kami sa isang restaurant. Ang gaan ng feelings ko sa kanya, yung parang matagal ko na siyang kilala.
Tawa lang kami ng tawa habang kumakain. Palabiro kasi siya ehh.
Yung lunch date naming yun at nasundan pa ng dinner date plus whole day date hanggang sa lagi na talaga kaming magkasama.
Sinusundo din niya ako lagi sa school at hinahatid sa hospita. Until nag tapat siya at nangligaw. Kinalaunan ay sinagot ko naman.
__________
Noon naniniwala ako sa "first and last" in terms of relatioship. "Akala" nabubuhay rin ako nang puro akala. Pero lahat yun ay nagbago simula nang dumating si lance sa buhay ko. Ma swerte ako at pumunta ako nang mall nang araw na yun. Ngayon ay kasal na kami ni lance. Natupad rin ang hiling ko na magka pamilya di man sa taong plinano ko ngunit sa tao namang mas karapatdapat.
END :)