Finally… After ilang years na paghihirap sa school. I really deserve a treat. I graduated as an accountancy student. After I graduated I took the licensure board exam, and thank God, I passed. Siguro naman, I deserve this break after ilang years sa pagsusunog ng kilay sa pagharap ng mga lesheng numero na yon sa school.
Summer na, kaya… Off to the beach! Kasama ko ang mga super cousin kong si Diego. Isang week kami dito sa Siargao.
“Cuz… Super ganda talaga ng Siargao ano? For sure, bumabaha ng papable dito! Let’s go men hunting na ateeee!”
Opo. Kabaro ko si Diego.
Naglalakad kami ngayon papuntang cabin namin. Ako ang nagdadala halos ng mga bagahe namin dahil ayaw daw niya masira ang poise niya dahil lang sa mga heavy luggage. -_- Buti na lang at may bellboy ang resort at tinulungan ako.
“Ano ka ba? Puro lalake ang inaatupag mo, we’re here to enjoy the sun… the sand… the beach…”
“Ewan ko sa’yo. KJ mo talaga Chloe Ortega! You deserve a break nga diba? You need a man na, te! You badly need to be laid. Nagiging manang ka na. And you know what? Nakakadiri na, nagkaka-allergy na ako sa pagiging old maid mo!”
“Kasalanan ko ba na di ako na involve sa mga men this past few years? Kelangan ko nga magconcentrate sa studies diba?”
Itinirik ni Diego ang mga mata niya. “Te. Nakagraduate ka na… Tapos ka na mag-aral. This time, kelangan mo naman pagbigyan mo ang sarili mo. Go and have fun. Have sex with some random guy.”
“Shut the fck up, Deeg. Ikaw pala tong nakakadiri.”
Tumahimik naman ito at parang nagmamaktol. Sa wakas nakarating na kami sa cabin. Agad na nag-ayos si Diego. “Cuz... Put on your sexiest swim wear na. It’s time to flaunt our curves.”
Napatawa na lang ako kay Diego. Kahit kailan ay napakawild nito. Ilang lalake na rin ang naging jowa nito, linoko lang siya ng paulit-ulit pero di pa rin nadadala. Exact opposite ang personalities namin pero ewan ko ba bakit magkasundong-magkasundo kami ng pinsan kong ito.
Nagbihis na ako. Nang lumabas ako mula sa kwarto ay…
“Uwaaaaaaaaa. Anetch iyan atey? Nakakalurkeeee ka talaga!” sabi nito na parang mahihihmatay.
“Bakit? Ano ba ang masama sa suot ko?”
“One piece na napakaconservative pa ng cut? Major no no yan, cousin!!! Where’s the flimsy two piece ba na binili natin?” at nagsimula na siyang maghalughog sa maleta ko.
“Ayaw ko non, Deeg. Malaswa. Eto na lang… Please…”
“Malaswa ka diyan. Here… Wear this.” Sabay tapon sa mukha ko ang bikini. Kulay blue ito. “Chloe, cousin dear, be free na. Tapos na ang kalbaryo mo sa pag-aaral. You have to enjoy life! This summer… YOU HAVE TO BREAK ALL YOUR RULES.”
BINABASA MO ANG
SUMMER FLING
General FictionThe only rule in the game this summer: DON'T GET ATTACHED.. EMOTIONALLY. Pero ano pa ang magagawa ni Chloe? She broke the rule. She fell for the guy she flirted during summer. (MATURE CONTENT)