SUMMER FLING 2.0

3.6K 55 14
                                    

I wanted to be more than his summer love.

Totoo pala ang sinasabi nila, summer romances are bittersweet. May expiration date ito.

Nag-expire na yung sa akin. Pero bakit ganito? Ang feeling ko sa kanya, di pa rin naeexpire.

Naalala ko ang sinabi ni Diego sa akin noong sa eroplano kami, “Alam mo cuz, may point sa life na ang babae at lalake, will be just friends. Pero one point or another, mafa-fall din sila sa isa’t isa. Maaring temporary lang, maari din sa maling oras, maaring sa huli na o maaring panghabambuhay talaga. Let it be, cuz. Let destiny do its work.”

Ano ba ang magagawa ko. It’s been months already pero kahit anong gawin ko’y hindi siya mawala-wala sa isipan ko… Sa puso ko.

“Cuz… Nakikinig ka ba?” untag ni Diego sa akin.

I looked at him. “Ano nga ba yon?”

 

“Psh. Si Tyler na naman yang laman ng isip mo.”

 

“Di kaya!”

 

“I can read it in your eyes, dahlin’.”

 

“Mind at eye reader ka na pala ngayon…”

“Eh kasi naman po… Ikaw, Chloe, pag si Tyler ang iniisip mo, you have this dreamy and regretful look in your face.” Di ako naka-imik. “Haaay nako. Kung nakikinig ka lang sana sa’kin kanina…”

 

“Ano ba yon?” matamlay kong tanong sa kanya.

“Tyler John Debulgado is a heartthrob. A public figure. The son of Senator Lorenzo Debulgado and Attorney Jean Debulgado. Bigatin pala ang boylet mo.”

SUMMER FLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon