Ipis! (One Shot)
All Rights Reserved © 2013
_____________________________________________________________________________________
“Ayan na si Leo!”
“Oh My Gosh! Dali picturan natin!”
“Oy! Penge pulbo dali!”
“Kumalat ba yung eyeliner ko ha?”
Mula dito sa kinatatatayuan ko, Rinig ko ang mga pinagsasasabi nila. Tsk, Nandiyan na naman ang mga malalanding babae sa hallway, Badtrip naman talaga yung mga kaibigan ko, Iniwan akong magisa kanina nung papasok na kami sa gate, Yan tuloy, Magisa akong dadaan sa bwisit na hallway na to. Ito pa naman ang pinakaayaw ko kapag dumadaan ako dito, Ang mga babaeng haliparot.
“Hi Leo!” May babaeng biglang humarang sa dinaraanan ko. Tsk, Ang pangit na nga itong hallway, Dumagdag pa tong babaeng to.
“Leo, Pwede ba kitang picturan?” Tsk. May isa pa, Talaga bang haharang sila daraanan ko.
“Pwede ba, Padaanin niyo na lang ako. Mahuhuli na ako sa klase ko.” Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Ayaw kong masira ang araw ko sa mga babaeng ito.
“Leo naman! Isa lang naman eh! Papicture muna.” Hirit pa nung isang babae. Sasagot na sana ako ng biglang may sumigaw.
“IPISSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!”
At dahil sa sigaw na yun. Nagkagulo ang mga babae. Nagsitakbuhan sila. Natulak pa nga nila ako. Yung iba naman chansing lang, Hinupuan pa nila ako. Sh!t, Bwisit lang talaga, Ang lalandi ng mga babaeng ito, Ganito na ba talaga ang mga babae ngayon? Dinaig pa nila ang mga lalaki. Ang lakas ng loob nilang hipuan ako at sirain ang mood ko pero may sumigaw lang ng ipis nagtakbuhan na sila agad. Di hamak na mas malaki sila sa mga ipis. Mga babae nga naman.
Nang maubos ang mga babae sa hallway. Inayos ko na ang uniform ko. Nagkagusot gusot kasi. Tsk, Ito ang nangyari sa ginawa nilang panghihipo sa akin.
“IPISSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!”
Napatingin naman ako sa sumigaw. Siya na naman.
“Huwag mong sabihing haharangan mo rin ako?” Tanong ko sa kanya. Tinignan ko na rin siya ng mabuti, Ganun pa rin siya. Nakauniform siya ng katulad ng uniform dito sa school na to, Mahaba yung buhok niya, Yung bangs niya lagpas ng mata niya kaya hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya. Pero may itsura naman siya. Tsk, Sumigaw na naman siya ng Ipis? Bakit ba lagi na lang siya sumisigaw ng ipis eh wala naman?
“IPISSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!” Sigaw niya ulit. Tumingin tingin naman ako sa paligid. Tsk, Wala namang ipis. Nagpapapansin ba siya?
“Aqua, Wala namang ipis dito.” Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang tumakbo. Takte, Problema ba nun? Tsk. Ang weird naman niya. Ang weird ng babaeng yun.
Naglakad na lang ulit ako papunta sa Classroom. Sumisipol-sipol pa ako dahil walang mga babaeng haharang sa dinaraanan ko.Pagdating ko sa Classroom umupo agad ako sa upuan ko at binulabog na naman ako ng mga kabarkada ko.
“Leo! Anong nangyari kanina? Bakit nagsitakbuhan yung mga babae?” Tanong ni Khysse. Napangiti naman ako sa tanong niya. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.
“Wala naman! Sadyang nasilaw lang naman ang mga halimaw na mga babae na yun kaya’t nagsitakbuhan sila.” Cool kong sagot sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ipis! (One Shot)
Teen FictionPaano pag may taong sumigaw ng 'IPIS'. Tapos ikaw yung tinuturo?