CHAPPIE 1:

6 2 0
                                    

SHEYYE'S P.O.V

"Sheyye,anak! Kuha ka nalang ng baon mo sa tindahan. Baka kulang ang binigay kong pera sayo!"sigaw ni mama mula sa likod ng bahay. Naglalaba kasi siya ng damit ng kapitbahay tapos binabayaran siya. Sideline ni mama yan.

"Opo, mama!" Sagot ko din.

Pumasok ako sa maliit naming tindahan at kumuha ng chuckie sa ref.
Kumuha din ako ng nova sa net na lalagyan ng mga malalaking chichirya.
Di ko din pinahuli ang fudgee bar na favorite ko.
At lumabas na.

Isinarado ko na rin ang tindahan dahil walang nagbabantay. Busy si mudrabels.
At pinuntahan ko sa likod ng bahay si mama.

"Ma, alis na po ako.mmmuuuaaah!!" Paalam ko at hinalikan ang feslak niya.

"Sige anak. Mag iingat ka ha."bilin niya.

"Opo." Sabi ko at umalis na din.

At naglakad na ako papuntang school ko.
Nilalakad lang. Malapit lang eh. Isang kalye lang.

Si mama at ako na lang ang natitira sa bahay. Si ate Sher,ay nasa manila at nagtatrabaho bilang ewan-ko-kung-ano.

Si ate Gold naman nasa Puerto Prinsesa dahil nag aaral ng nursing doon. Sinusuportahan siya ng ate ni mama dahil wala siyang anak ng asawa niya.

pero uuwi daw sila this year at pag uusapan pa kung staying for good na sila dito.

Sobrang close ko kasi sila ate eh. Kambal sila. Sina ate Goldilock na girly at ate Sherlock na boyish.

Ang papa ko naman ay nasa Heaven na mula ng 6 years old ako. Ang kwintas na lang na suot ko ang tanging alaala niya sa kin.

Dahil sa pagkukwento ko sa inyo, di ko namalayan ang oras, nasa ULKINES INTERNATIONAL SCHOOL na ko. Nagtataka kayo kung bakit dito?
.
.
.
.
.
Kasi lumagpas po ako. Assuming ko naman kung sasabihin kong nag aaral ako diyan.INTERNATIONAL YAN EH. Dun tayo sa isa.
Naglakad ako pabalik sa alma mater ko.
Ang pinagmamalaki kong Alonzo National High School!!!
Public lang siya pero pinag aagawan ng mayayamang estudyante.
Bukod sa eskuelahan ito ng mga matatalino,
Meron ding naggugwapuhang mga lalaki mula sa ULKINES INTERNATIONAL SCHOOL.Yun ay ang S.S.S. o SIX SEXY SAINTS. Nagtataka kayo kung bakit dito sila pumasok?
Ewan ko.
Di ko alam.

Pero sa tingin ko ay nandito sila para maghasik ng lagim.
ang S.S.S kasi ay hindi tulad ng mga Santo, mababait, may kanya kanya silang kulo sa loob looban ng katawan nila.

1.Si GRACO CORPUZ, ang dakilang MASUNGIT.

2.Si ISAAC NEWBERG, ang TRASH TALKER.

3.Si SEAN MOLLY, ang BULLY.

4.Si JOSH LEE, ang BASAGULERO.

5.Si JOHN LEE, ang PRANKSTER. (Prank+Monster).

At last but never the least,
6.Si YUAN OLIVER ULKINES, ang ugali niya ay ang kumbinasyon ng limang ibat ibang ugali ng mga kaibigan niya.
Isipin nyo,

MASUNGIT. check _/

TRASH TALKER, check _/

BULLY, check _/

BASAGULERO, check _/

PRANKSTER, check _/

O diba? All in one siya. Astig!! Sarcasm teh!! SARCASM!. My GOD!!

"Sheyye! Yoohoo!! Poop to Sheyye, Sheyye to poop!"

Nagulat ako at nagising ang sleeping beauty kong diwa dahil kay Melanie na sa tingin ko ay kanina pa ko tinatawag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BE MY BADBOY, BE MY MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon