Chapter 1

10 0 0
                                    

CYAH-

Kanina pa sana ako matutulog, kaya lang hindi talaga ako makatulog. Paano ba naman ako makakatulog nito? On the play ang kanta ng EXO mula sa laptop ko, at nakabukas pa ang ilaw ng kwarto...hindi po ako may pakana niyan, kungdi ang magaling kong bestfriend na adik sa EXO. Andito na naman siya sa bahay at dito matutulog, haaay...at dahil dito siya matutulog, it means na walang tulog at puro EXO nalang ang bukambibig niya.

Pinilit kong matulog, tinakpan ko ang tenga ko ng unan ko. Makakatulog na sana ako nang bigla ba naman akong paluin sa binti nitong Merliah na 'to at nagtitili-tili. Napabangon ako.

"Merliah naman, eh! Natutulog yung tao, eh. Huwag ka namang mandamay diyan, maawa ka naman sa eyebags ko. *kusot mata*" Ako na naiinis na.

At itong babae naman na ito na may lipestick pa, may eye shadow pa, may blush on pa, in short naka-make up pa kahit na gabi na...nagtitili ang tangek at hinihila ang pajama ko. Kakainis naman, parang kagabi lang naman namin nakita ang All of Me ni Chanyeol at Boyfriend ni D.O ah...hindi pa nagsawa kagabi sa live stream?

"Cyah!!! Papunta daw ang EXO sa Pilipinas!!!!!!!" At kaylangan pang ipagsigaw?? "OO NA! Narinig ko, hindi ako bingi kaya huwag kang sumigaw. Babaeng to." Ako na binatukan ang katabi kong ito para naman matauhan. "Aray naman. Masakit yun, ah. Di ako binabatukan ni Kai oppa." At aba may pa-pout pout pang nalalaman nagmumukha lang siyang pato. "Huwag ka ngang ngumuso dyan, di bagay sayo." Ako. "Ayan ka na naman...high blood ka na naman." At lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Huwag mo nga akong yakapin." Ako. "Magseselos si Sehun." Ako. "Ayiiee...lumabas na ang fan girl side niya." At kiniliti ako nito sa tagiliran. "Kelan daw sila dadarating?" at lumapit ako sa laptop. "Bukas na sila darating. Aagahan ko pa bukas! Hahaha..." Si Merliah. At sabay na kaming nagtilian at nagyakapan na parang mga baliw. "Ajja ajja hwaiting!" Sabay pa naming sabi sa isa't-isa.

At pagkatapos nun, natulog na kami ni Merliah. Sa kabilang kwarto siya natulog. Pumunta na muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Nauhaw ata ako sa kakatili kanina. Hindi talaga ako makapaniwala na darating sila bukas sa Pilipinas. At nang maubos ko ang isang basong tubig, dumiretso ako sa kwarto at binuksan ulit ang laptop at binasa ulit ang article na darating daw ang EXO sa Pilipinas.

"EXO, will be having their confirmed vacation in Philppines." Basa ko sa heading. At binasa ko na nang tahimik ang article. Ahh...hindi naman sinabi kung saan sila magsta-stay. Siguro sa Boracay, or sa Baguio. Bakit naman hindi nila sinabi kung saan? Tapos medyo matagal din ang kanilang vacation, November 29 pa lang naman ngayon eh... Tapos three weeks from now birthday ko na, tapos niyan mag-pa-Pasko...then New Year. Bale...higit a month ang vacation nila. Dito ba sila gagawa ng bago nilang music video at magnyu-New year? Pwede ba akong maging extra kung may mv silang gagawin? *byuntae mode*

Hay naku...ano bang iniisip ko na ito, makatulog na nga lang. Tinurn off ko na ang aking laptop, pinatay ang ilaw, at nahiga na.

Pinikit ko na ang aking mata at nagdasal. Sana Lord, lagi mong gabayan ang EXO...kahit hindi po posible na maging OT12 ulit sila, pine-pray ko parin po na sana magbalik ulit sila. Sana po safe sila ngayon at safe parin sila sa kanilang pagdating dito sa Pilipinas. Lord, ipinagdarasal ko po na sana bigyan niyo po ako ng chance na makita ko po sila. Kahit po na hindi po sa malapitan, kahit na po na sa malayuan lang okay na po, basta po personal ko lang po na makita sila, especially po ang ultimate bias ko po na si Sehun. Amen. At pagkatapos ng aking silent prayer...ready na akong matulog.

*call me baby...*(cp ringing tone)

Putspa! Sino ba namang alien ang tumatawag nang hating gabi? Kinapa ko ang cp ko. Sinagot ko ito kahit na nakapikit pa aking mga mata.

Ako: Hello (impatient) Natutulog na ako, eh. Ano na naman yan Merliah??

$%: Yannie, tito mo 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tender LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon