Ikaw ay aking hinahangaan,
Mula sa malayo,gusto kitang hagkan.
Di pa kita malapitan,
Sa sobrang dami ng tao na ika'y hinahangaan.
Isang bituwing napakarikit,
Pag nakita'y ibo'y umaawit.
Pag-asa ko'y sana'y sumapit,
Dahil puso ko'y nananabik.
Pagkakataon ay hinintay,
Upang idolo'y masilayan.
Pangarap ko na makasabay,
Sa silangan tayo'y maglalakbay.
Ika'y walang sawang ngumingiti.
Kahit may problema'y hindi nagpapa-api.
Kalusugan mo'y aking hiling.
Sa Maykapal na siyang tumitingin.
Pagtalikod ng camera,
Luha ay di nakikita.
Sobrang pagod at panghihina
Ay kaya parin niya.
Buhay ng isang idolo,
Mahirap dahil sa sobrang gulo.
Idagdag mo pa ang pagod.
Gagawin ang lahat para maka-kayod.
Suporta habang buhay.
Ito lamang ang maiaalay.
Sa walang kapagurang ibinibigay.
Upang kami'y mapangiti ng husay.
Magpahinga ka muna pag hindi mo na kaya.
Gawin mo ang nararapat dahil ikaw ay malaya.
Kalusugan mo'y iyong bigyang pansin.
Doon ka muna at ika'y magpahangin.
Wag mo kaming alalahanin.
Nandito lang kami sa iyong tabi upang sabihing
"MAHAL KA NAMIN!"
----***----
Haay. Sana maitranslate ito sakanila. :( Sana alagaan nila mga sarili nila. I love you guys!