Isa po itong mahabang one shot. Pinaghirapan ko po. Mag-eenjoy po kayo. Libre ang magcomment. At higit sa lahat, sana magustuhan nyo. Dedicated to.
Mae's POV
"We can be best friends guys. Madali akong kausap. I can be your teacher inside the class and a friend somewhere outside the school. Me, I do what's right. Ang tama ay tama. Take that from me. Did I make myself clear?"
"Yes ma'am." Sagot naming lahat.
"Ok nice. Mabuti nang malinaw." Then she smiled on us as she went out the room. Tignan lang natin kung anong itatagal ng friendly side nya. I don't easily trust neither judge people. Mahirap na.
"Ah Abby, punta naman tayo sa kabilang section since recess na. Gusto kong makita si Miles at iba pang classmates natin."
"Ok." -Abby.
Nakarating na rin kami sa kabikang section. Nagpaiwan si Abby sa kalapit na room, may kakausapin rin daw saglit.
May nakita akong isang lalaki. "Ah, excuse me, andyan ba si Miles Fernando?" Tanong ko dito.
"Wait tignan ko lang... wala eh, kakaalis lang daw. May pinuntahan." Sagot nya habang nilalaro laro pa yung PSP nya.
"Ah pwede makisuyo? Pakisabi hinahanap ko sya. Hindi sya sumasagot sa mga tawag ko eh. My name's Mae by the way. Thanks at pakisabi." Paalis na sana ako.
"Sasabihin ko sa isang kondisyon. Can I have your number?" Tanong nya.
"Nope. Hindi kasi ako nagbibigay ng number sa mga hindi ko kakilala eh. Sige bye na."
"Wait! I'm Renser. So, can I have your number now?" Makikipag shake hands pa ata sya.
"Nice meeting you pero hindi pa rin. Bye." Alam ko gwapo sya, pero hindi pa rin talaga ako nagbibigay ng number sa mga hindi ko kakilala. Tumakbo na ako.
"Nice meeting you Mae! Take care!" Sigaw nya. Napangigi na lang ako. Kukunin daw number ko. Straight forward ah.
--
From: +63906*******
"Good morning! Ingat lagi! :)"
-RenserRenser? San nya nakuha number ko? Baka kay Miles. Talagang yung babaeng yun oh. In-ignore ko lang. I don't talk to strangers.
School...
Recess na namin at sumabay na sa'kin si Abby. May requirement pa pala sya na tatapusin nya ngayon. Gutom na gutom pa ako. Nakabili na kami at papunta na kami sa classroom nang may nakasalubong ako kaya natapon lahat ng binili ko. Napaupo pa ako bwisit! Ang sakit ng pwet ko.
"Sorry miss kasi-- Mae?" Tanong nya. Wait.
"Renser?" Iniabot nya yung kamay nya sakin.
"What the? Sayang yung pagkain ko! Huhu. Gutom na gutom pa naman ako." Sambit ko na lang.
"Ah sorry. Sandali. Babayaran ko na lang."
"Ayoko. Gusto ko ibilhan mo ako. Tinatamad na ako maglakad. Abby samahan mo ako."
"Sorry I can't. Diba may requirement pa ako?" Haay.
"Samahan na lang kitang bumili, tapos ako rin magbabayad. Oh ano ok na ba yun sayo?"
Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa nga ba? Kung hindi lang ako gutom nako. No choice.
"Bakit ka ba kasi tumatakbo?" Tanong ko. "Wala, eh kasi hinahanap ako nung kaibigan ko. Kinain ko kasi yung pagkain nya eh. Haha. Kaya tinaguan ko." Aba masaya.
"Ah. Mga isip bata kayo." Biro ko. "Hindi ah. Gwapings kami kamo." Sambit nya sabay kindat pa sa'kin. "Haha, assuming!" 'Yun na lang nasabi ko.
"Haha. Tumigil ka totoo yun. Bili na lang tayo." Aya nya kaya ayun, binili na namin, hindi naman gaanong madami. Magkakalayo- layo lang kasi medyo.
BINABASA MO ANG
Nothing to hold but the memories (One Shot)
Teen FictionAt first, I thought... I just thought that... the two of us... will last forver. But I realized lately, we're not. Yeah, hell yeah, he left me... all alone. But, I did'nt know... he has a...