3

22 2 0
                                    


Vash POV

nagmamaneho ngayon si Jhon Mark papuntang club at baka sabihin niyo na hindi kami kasama ha. LOL just kidding... Then, si Ricardo naman ginagalaw ang cellphone niya na nakangiti na parang baliw . Kaya naman kinuha ko phone niya at tiningnan kung ano ang problema niya -_- #pakealameroalert

"akin na nga yan, ano ba?" pagrereklamo niya.

"patingin nga lang, sandali lang to" sabi ko sa kanya.


Habang ginagalaw ko ang phone niya, at tiningnan ko ang Inbox niya

base sa nabasa ko eto yun oh.


"pwede ba kitang ma-meet sa personal?"

"ammm, pag-iisipan ko muna ha, pwede ba?"

"um, sige, text me kung naka-decision ka na"


Napa-smirk na lang ako, napa-isip ako saglit, sino ba ang babaeng to?


Ricardo POV

Nakakainis, bwesit! Pinaghahampas ko yung ulo ko sa back rest ng kotse ...

"na-ka-ka-inis" sabi ko habang hinahampas ko yung ulo ko sa back rest ng kotse.

"tol, sino to?" tanong niya sakin habang nakasimangot ako

"di ko alam kung sino yan noh" sabi ko

"weeee?" sabi niya

"ewan ko sayo" sabi ko sa kanya at hinampas sa kanya ang bola ko na hawak

then siya tawa lang ng tawa -_-

"akin na nga yan" at kinuha ko na ang phone ko.


Krizza POV

Nagtataka na ako dito kay Aiza kanina pa to ngumingiti eh, habang hawak niya ang phone niya.

"hoy, sino yang ka-text mo?" tanong ko sa kanya

"ha? bakit naman unnie?" tanong niya pabalik, dapat sagutin niya ako eh, di yung nagtatanong siya pabalik -_-

"sino nga yan" tanong ko ulit

"di ko nga alam eh" sabi niya, hanudaw? di niya kilala pero nakikipag-usap siya?

"alam mo ba na pwede kang mamatay diyan ha?" sabi ko sa kanya tapos yung mukha niya, nagtataka

"panu mo naman nasabi yan ate?" tanong niya

"baka masama yang tao, tapos makikipag-eye ball ka sa kanya? tapos magiging kayo? lolokohin ka naman? gusto lang kitang paalalahanan na mag-ingat ka sa mga kinakausap mo sa phone, baka masama yang tao" pahayag ko sa kanya

"unnie, lahat ng sinsabi mo, di yan magkatotoo, maingat kaya to" sabi niya

"siguraduhin mo lang ha" sabi ko naman sa kanya

"opo" sabi niya na naman habang hawak ang phone at naka-headset na


Pumunta na muna ako sa kwarto ko at humiga /sigh/

"sana nga talaga walang mangyaring masama sayo, gaya ng nangyari sa parents natin" sabi ko sa sarili ko at niyakap ang unan ko...


Someone's POV

Nakarating na sila Vash sa club, habang naka-upo sila bigla nilang napag-usapan ang tatlong babae.

"tol, naalala niyo yung kumanta sila?" tanong ni Vash sa kanila

"sino?" tanong pabalik ni Ricardo

"ulyanin" sabi ni Vash sa kanya

"sino nga?" tanong ni Ricardo

"sila Aiza, Krizza at Joy po" sabi niya

"ahhhh, oo bakit?" tanong niya

"ang ganda lang kase ng boses nila eh, ang buong akala ko talaga, wala silang talento eh" sabi ni Vash

"ahhh, ganun ba" tanging nasabi na lang ni Ricardo

Tumayo si Vash at nakikisayaw.






Once A Stranger Now A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon