Click!

12 2 17
                                    

"My Camera exactly knows how to capture the ones that captured my heart. That's why I take a photo of you."

--♪--

HE.

"Good luck guys! Kaya nating makapasok ng Regional Journalism Contest! Give your best shot and prove that St. Paul is the Best! Fighting!"

"Fighting!" Pagkasagot namin ay agad agad kaming naglabasan ng bus. Hinawakan ko ang strap ng DSLR ko habang nakatingin sa mga kaklase kong halatang kinakabahan at kanya-kanyang encourage sa isa't isa.

"Pre, Kinakabahan ka ba?" Napatingin naman ako sa umakbay sa akin. Si Aaron lang pala. Ang dakilang FC ng Section 4-A.

Inalis ko muna ang pagkaka-akbay niya sa akin at saka bored siya na tiningnan. Bakit ba ako kinakausap nito? Hindi naman kami close. Tch.

"Hindi. Why would I?" Sagot ko . Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at pumasok na ako sa Helen High kung saan gaganapin ang District Journalism Competition. Hinanap ko na ang side kung saan uupo ang mga Photo Journalist since hiwa-hiwalay ang bawat Categories.

Noong nakita ko na ang spot, umupo na ako at as expected ay ako palang ang nandoon. Sobrang aga kasi naming pumunta dito na halos kami-kami palang ang tao rito. Pero maganda na rin yun. Kesa naman late 'di ba?

Inobserbahan ko muna ang buong school habang naghihintay pagsisimula. Maya-maya pa ay marami-rami nang nagdadatingang iba't-ibang schools na makakalaban namin. Pero wala paring pumupunta dito kaya hanggang ngayon ay ako palang ang tao dito. Ang boring na tuloy.

Habang nagmumuni-muni, nagulat ako nung may nangalabit sa akin. Noong hinarap ko ito, Nakita ko ang isang babae. Isa lang ang pwedeng makapag-describe sa kanya, Nerd. Babaeng nakalugay ang hanggang bewang na buhok, may makapal na eyeglasses at may hawak na libro. Meron ring nakasabit na DSLR sa kanya so therefore I conclude ay Photo Journalist din siya tulad ko.

"Ah Kuya, Dito po ba yung Spot ng Photo Journalism?" Napakunot ang noo ko sa tanong nung babae. Unconsciously, napatingin ako sa malaking banner na nagsusumigaw ng PHOTO JOURNALISM sa side namin at saka siya tiningnan. Mukhang nagets niya yung Action ko kaya medyo nahiya siya siguro sa katangahan niya. Nagsorry at nagthank you naman siya sa akin at dali-daling humanap ng pwesto.

Well, hindi ko naman intention na maging rude sa kanya pero ang tanga niya kasi.Ang laki laki kasi ng banner tapos di niya nabasa o  baka naman hindi niya lang nabasa yung banner kasi malabo yung mata niya? I think masyado akong judgemental this days. Ay ewan.

Kinalimutan ko nalang iyon at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga pagoobserba sa iba't-ibang school na nagdadatingan. Unti-unti na ring napupuno ang meeting hall pati na rin yung spot namin. Tiningnan ko ang mga bagong dating na may kanya-kanyang pinaggagawa.

May nagdadaldalan, nagtetest ng camera nila at iba pa. Napatingin naman ako kay Ms. Nerd at nakitang nakatingin siya sakin. Umiwas agad siya at kinalikot ang camera niya. Napahawak naman ako sa strap ng camera ko. Para kasing.. Para kasing bigla akong kinabahan na ewan. Nagkarerahan agad yung tibok ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Sanay naman ako sa Competition na ganto? Bakit ako nagkakaganito?

---∞---

Tapos na ang Program at simula na ng Contest. Sinabi na sa amin ang theme at iyon ay "Treasure."
Isang picture lang ang kailangan naming kunin at lagyan ng caption.

Kasalukuyang naglalakad ako sa school grounds at naghahanap ng magandang mapicture-an na about sa Treasure. Kanya-kanya na rin ang iba sa paglilibot para maghanap rin. Napadpad naman ako sa malawak na soccer field ng school na 'to. Ganto ba kayaman 'tong school na 'to at meroon na agad silang soccer field?

It Started with a Click!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon