Plagiarism is a crime.
--------
PAULINE'S POV
"Bes!! Sino yun?" turo ko sa naka-number 9 na jersey. Nilingon ako sandali ni gaile, pagkatapos ay hinanap ang lalaking tinuturo ko sa court. Napasimangot naman ako ng makitang galing pala sa kalabang school ang gwapong lalaking yun.
Nandito kami ngayon sa gym ng school namin. May labanan kasi ng basketball ngayon, ang isang grupo ay ang school namin and ang isa naman ay galing sa ASTRICH ACADEMY. Swerte kami kasi dito naganap ang laban nila kasi for sure, mahihirapan kaming makapunta sa school nila. Masyado kasing mahigpit doon at bilang lang ang makakapasok kung nagkataon.
Interschool sports war. Yan ang tawag nila sa labanan ng mga iba't-ibang international school dito sa manila. Natapos na ang laro ng football at volleyball, kaya ito nalang ang huling laban na dapat maipanalo namin para makuha ang title na 'Overall champion of international school in manila'. Ang ASTRICH ACADEMY at ang school namin ang nakapasok sa finals kaya kami nalang ang hinihintay para ma-declare na kung sino ang mananalo.
"Nasaan bes? Di ko makita." Nagpalinga-linga pa si gaile at parang hirap na hirap na hinanap ang tinuturo ko.
"Ayun oh! Yung kakaupo lang sa bench para makapagpahinga!" pilit ko pa ring itinituro sa kanya ang lalaking naka-number 9 na jersey.
"Ah, yung fraukelson yung surname? Yung kanina pa three points ng three points?" paninigurado pa nito at makahuligang ngumiti sa akin.
"Oo, ata?" alanganin ko pang sagot at tinaasan siya ng kilay.
"KYAAAAAAAAAH! GO ASTRICH!!!" sabay kaming napalingon sa likod namin na may dala ng banner at nakakairitang pompoms.
Nagkatinginan kami sandali ni gaile at pagakatapos ay sabay na umirap. Bumalik kami sa pagkakaupo at nanoonod ulit.
"Popcorn?" tanong sa akin ng katabi ko sa kaliwa na si anna, kaklase ko at the same time, close friend na rin.
Umiling ako at binaling nalang ang atensyon sa panonood. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko naman talaga gustong manood dito, nagkataon lang na nakasalubong namin ni gaile si anna kanina sa quadrangle at pinilit kaming isama dito.
"Anong meron dun sa fraukelson bes? Type mo? Ikaw ha! Hahaha." mapang-asar na sabi nito nang maalala ang tinuro ko sa kanya kanina.
Hindi ko din alam kung bakit anong meron sa fraukelson na yun at nakuha niya ang atensyon ko. Siguro lang kasi, panay ang sigaw ng mga babae dito ng jersey number at apelido niya.
"Hindi ah. Asa naman. Hahaha." sagot ko na nakapagpairap sa kanya. Talaga namang hindi. For me, hindi siya gwapo. Super gwapo kasi siya.
Napailing ako nang magsalita ang isang bahagi ng isip ko. Pero ang totoo, gwapo talaga siya. In fact, super gwapo pa nga. Para sa akin lang talaga, hindi siya attractive. May dating kasi na para siang mayabang na ewan. Eh basta ewan, di ko siya type.
"Ano ka ba, bes? That's okay. In fact, mas maganda pa nga yan eh. Nakakapansin ka na ng ibang boys ngayon simula ng super ever hurt break-up nyo ni matthew." this is what i hate. Ang maalala ang past ko. 3 months had passed, but still masakit pa din para sa akin ang pag-alis niya.
Matthew Hermans is my boyfriend. Well, ex-boyfriend na pala. I consider him as my ex even though wala pa kaming official break-up. Tama naman ako diba?
Ang masakit pa dun is, umalis siya nang walang paalam. No explanation. No words. Just bye. Ang saya nun diba? Sasabihin nya lang sayo na 'Im leaving pau. Goodbye." and boom, aalis nalang siya bigla. Ni hindi ka pa nga nakakapag-react, aalis na siya agad. That's the best bullshit scene happen to my life.
And most painful, too.
"Pwede ba gaile? Stop reminding me of him, okay?" irita kong sabi habang hangang-hanga sa biglaang pag-three points muli ni number 9 sa malayong part ng court. Dumagundong ang buong gym. Napatakip kami ni gaile sa tenga.
78-86 na ang score. Lamang ang kabilang school. At 3 minutes remaining nalang bago matapos ang laban na ito. Napatahimik ang buong fans club ng campus namin. Ang kaninang nakikipag-asaran pa sa kabilang school, ay ngayo'y di na makaimik.
Magsasalita pa sana si gaile nang biglang dumagundong muli ng mas malakas ang gym. Nakabawi kasi ng three points ang captain ng Serpelle International School, ang school namin. Ngiting-ngiti si JUDE SAMANIEGO nang makapasok ang tres niya. Nakisali na rin ako sa hiyawan at tumalon talon pa.
Jude Samaniego is my cousin. Kasama ko siya sa bahay. Ang mommy and daddy niya ang nagpapaaral sa akin ever since my parents died. Namatay sila ng sabay nang dahil sa isang car accident. Bata pa ako nang mangyari iyon at hindi na malinaw sa isip ko ang buong detalye. Basta alam ko lang, nakabungguan nila ang isang ten-wheeler truck and then boom, wala na sila. Naiwan na akong mag-isa.
Good thing, mabait ang tita andi at tito joe. Pinatira nila ako sa bahay nila at dun pinalaki kasama ang dalawang anak na si jude at younger sister na si abby.
Naging dikit ang laban at nakahabol uli ang school namin. Nagtulong tulong ang buong team. Pero hindi nila kinaya nang sunod sunod na nagpaulan muli si number 9 ng tres. Ang galing ding mag-assist ng kakampi niyang si number 23 kaya nakalamang uli sila.
Naghabol uli ng score ang school namin and they succeed. 92-92 ang score. 6 seconds nalang ang natitirang oras, nasa kabilang school ang bola at hawak ni number 23.
Mabilis naman niyang pinasa kay number 9. Pumwesto sa three point line at bumwelo.
3 seconds nalang.
Umiikot ang bola sa ere.
3..
2..
1..
Tahimik ang lahat. Inaabangan kung papasok o hindi ang bola.
"WOOOOOOOOOH!!!!"
"I LOVE YOUUUUUUU ADRIAN!!!!
"NUMBER 9!!! MARRY MEEEEEEE!!"
"WOOOOOH! ASTRICH!"
"ASTRICH!! ASTRICH!! ASTRICH!!"
Bumagsak ang balikat ng pinsan ko nang makitang pumasok ang bola. Talo kami.
Natahimik ang buong Serpelle fans at napayuko. We lost in our own court. This is insane.
Isa-isang umalis ang Serpelle students. Pero ang iba, ay okay lang at masaya pa din. Atleast they tried their best.
"Bes. Tara na, sa labas na natin hintayin pinsan mo." sabi ni gaile at nagsimula ng ayusin ang kanyang uniform na nagusot sa pagkakaupo.
Hinanap ng mata ko si jude sa loob ng court. Pero unfortunately, hindi siya ang nakasalubong ng mata ko. Its him. The guy with the jersey number 9.
Omg. Nakatingin din siya sa akin. Is it a dream? Kung oo, can anyone can pinch me para magising na ako sa kalokohang ito?
Okay fine, i must admit it. Type ko nga talaga ang gunggong na ito.
----
BINABASA MO ANG
NO WAY OUT
RomantizmAng pag-ibig ay pag-ibig. Once na nahulog ka, wala ka ng magagawa. Once na ma-attach ka, aasa ka ng may pag-asa kayo. Once na tumibok yang puso mo, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Remember, on love, there's no way out.