PAULINE'S POV
"Bakit ka nandito?" salubong ko kay gaile na prenteng nakaupo sa couch namin dito sa living room.
"Hi din bes!" sarkastikong sagot niya. Nilapitan niya ako at inakbayan. Ngingiti-ngiti at lumingon lingon na parang hinahanap.
I took a deep breathe. May hinahanap to. Sigurado ako, hindi ako pinunta niyan dito.
"Wala siya dito, gaile. Haharot ka na naman." Pabiro kong sabi sa kanya at tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. Dumiretso ako sa kusina para maipagtimpla siya ng juice at siya naman ay nakabuntot lang sa akin.
"Bakit ba laging wrong timing punta ko dito?" Nagmamaktol na sabi nito na parang bata.
Natawa naman ako sa inasal niya. Ang cute cute talaga nito kapag nag-iinarte. "Baka iniiwasan ka talaga ni jude. Kaya pag pumupunta ka dito, lagi siyang wala."
You read it right. Si jude nga talaga ang pinunta niya dito. One year niya ng crush si jude. Simula ng pumunta siya nung last birthday party ko dito, at first time na nakiya si jude, naging ultimate crush niya na yun pinsan ko na yun.
Hindi ko naman siya masisisi, gwapo naman talaga ang pinsan ko. May lahi kasi. Half-british ang daddy niya na si tito joe. Pero pure pinay naman si tita andi na kapatid ng papa ko.
Bukod naman sa gwapo yung pinsan ko, magaling pang magbasketball yun, varsity kasi. Mabait din yun. Not to mention lang ang pagiging playboy niya. Iba iba kasi ang girlfriend nun every other week. Pero sabi ni gaile, okay lang daw yun. Alam naman daw niyang di magseseryoso si jude sa relationship. Well, i agree.
Para sa akin, gusto kong magkatuluyan ang pinsan ko at bestfriend ko. Pero malabo yatang mangyari yun kasi mukhang sasaktan lang naman ni jude si gaile. And i will not let that happen.
"Watch your words pauline. Baka magulat ka nalang one time, hinahabol na pala ako niyang pinsan mo." kumpiyansa niyang sabi. Ininom niya ang juice na tinimpla ko para sa kanya.
Binuhat ko naman ang brownies na kinuha ko sa ref at dinala sa receiving area para dun kami makapagkwentuhan ni gaile. "I hope so." Mapangasar na sabi ko sa kanya at nagtuloy nalang sa pagklakad papuntang receiving area.
"Change topic tayo bes, how are you na nga pala?" nagtaka ako sa tanong nya. Kamusta ako? Bakit naman kaya niya natanong yun?
"Im fine." I shrug at tinikman ang brownies na nasa harap namin.
"I mean, naiisip mo pa rin ba siya?" I eyed her. Ayoko talagang topic ang past ko, nakakainis lang kasi ang tanga tanga ko.
I used to run over him that time. The time that he says goodbye. Syempre nang panahong yun, im confuse. Hindi ko alam kung bakit biglang ganun nalang ang nangyari. Basta ang alam ko nagising nalang ako one day na ang cold cold na niya sa akin. And feeling ko, sobra layo na namin sa isa't-isa.
I pretended that we're okay. I pretended na hindi ako nasasaktan every other day na hindi siya sweet sa akin. I feel so empty that time. He's my life. He's my air. He's the only man in my life except my family and god. And hindi ko kaya na sobrang layo niya sa akin.
Yes, hinahatid niya ako lagi pauwi pagkatapos ng buong araw. Pero everytime that i will start topic about us, he remains silent. He doesn't speak and acted that he dont see my existence. Gabi gabi, umiiyak ako at iniisip kung ano bang nagawa kong mali sa kanya. Kung ano ba yung pagkukulang na hindi ko naibigay sa kanya. I dont share my feelings to everyone even to my bestfriend kasi natatakot akong baka kaawaan niya ako. And i dont want it to happen.
BINABASA MO ANG
NO WAY OUT
RomanceAng pag-ibig ay pag-ibig. Once na nahulog ka, wala ka ng magagawa. Once na ma-attach ka, aasa ka ng may pag-asa kayo. Once na tumibok yang puso mo, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Remember, on love, there's no way out.