1. His Birthday

13.4K 189 11
                                    

ARA

"Huh? Bakit po ako kasama?" Tanong ko kay Coach.

"You need to be an assistant coach there. Besides, you have to be an observer kung ano pa ang kailangan mabago sa teammates mo. Habang di ka pa masyadong naglalaro, magtulong tayo sa management." Coach firmly said while nakatulala pa din ako sa kanya.

Wow, Bacolod in 2 days. Nakakagulat naman.

I won't be here on his birthday.

"Nagkakaintindihan na ba tayo Spikers? Ara?" Tanong ulit ni Coach.

Hindi ako nakasagot sa last na sinabi niya. Briefing kasi ng Spikers ngayon para sa Unigames. Nakisali lang ako sa meeting since wala naman akong ginagawa.

"Yes coach!" Sabay sabay naming sagot.

"Baby, dito ka muna kay daddy ah? Mommy needs to go somewhere eh."

"Saan ba kasi ang punta mo, Victonara?"

"Sa Bacolod, Thomas Christopher."

Inaayos ko na kasi ang maleta na gagamitin ko para sa Unigames. Si Thomas naman ay nandun sa may doorway at nakasandal sa door frame habang pinapanood akong mag ayos ng gamit.

I closed my bag at agad na binuhat si Mara Isabel na 3 years old na as of now.

"Baby girl, you have to behave here ha?" I told Mara while swaying lightly para lang ma-relax siya.

Bigla naman akong nakaramdam ng backhug na hanggang kay Mara ay nakabalot ang arms niya.

"Do you really have to go, babe?" Pinatong niya pa ang chin niya sa shoulder ko. Ayaw talaga ako paalisin.

"Of course, I have to. Di ko naman kayo iiwanan kung wala lang diba?"

He kissed my right cheek at nag-pout. "What about my birthday? You won't be around?"

"I'll make it up to you. Promise." Sinabi ko yun at bigla namang tumawa si Mara.

"Paano natin gagawin yung birthday..." Sabi ni Thomas at agad ko namang tinakpan bibig niya.

"Ako Thomas wag mo kong iniinis ah! Hanggang kiss ka na lang ngayon ayokong sundan si Mara!" Tumawa naman siya ng malakas.

Alam ko naman na nagjojoke lang siya. We've been together for what? 6 years now? Before kami nagcollege ni Thomas, dun nabuo si Mara. Di naman sinasadya, of course. Pero alam niyo yung feeling na if something feels so right, it can't be wrong.

And I guess Mara is the greatest blessing in our life.

"Sweet naman ng mga Torres!" Biglang pasok ni Mika ng kwarto. Andito kasi kami ngayon sa condo ko sa Taft.

"At Galang diba?" Sabi ko agad agad. Simula nung dumating si Mara, palagi nang pinupush ni Thomas na magpakasal na daw kami. Ang bata pa kaya namin!

"Sus, Torres din ang kababagsakan mo Ara! Kahit madami pang magkagusto sa'yo o magtry na kunin ka kay Thomas, Torres pa din ang babagsakan mo!" Ay? Bakit ang double meaning naman nito ni Mika.

"Tama naman siya babe. Sakin pa din ang bagsak mo." Sabi ni Thomas sabay wink. "Akin na nga muna si Mara. Ayusin mo muna yan."

"Dadddyyy, spongebob!!" Biglang sabi ni Mara nung nasa may doorway na sila.

"Sige baby. Open ko lang yung TV ah? Cute cute mooo!" Tapos kiniss ni Thomas ng may gigil yung cheeks ni Mara.

I couldn't ask for more.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon