Third Person POV
Pagkatapos ng Grand Magic Games, nagsimulang magcelebrate ang buong Guild sa tagumpay na nakamit. Hindi inaasahan ng mga kasapi ng Fairy Tail na may malaking pasabog si Master Makarov na ikakagulat nilang lahat.
"Okay everybody! Dahil ang Fairytail ang pinakamalaking points sa Grand Magic Games, tayo ang nanalo. Nakapagbayad na rin tayo ng utang. Malaki ang napanalunan ng guild natin kaya naman may natira pa para tayo ay makapagcelebrate!" itinaas ni Master ang alak na nasa kaliwang kamay niya at itinaas din ng mga taga-fairytail ang sa kanila. Sabay-sabay silang naghiyawan na hudyat ng pagsisimula ng pagsasaya.
"Whooaa! Master! M-magpalakasan t-tayo *hik* sa pag-inom *hik* !" Sigaw ni Cana. Isang kasapi ng fairytail at tinagurian siyang pinamalakas uminom ng alak sa guild nila. Kahit ilang drum pa ito ng alak ay tila di ito nalalasing kahit isang babae lamang.
Hindi naman tinanggihan ni Tanda este ni master ang hamon ni Cana. Pumuwesto sila sa may mini bar ng guild, binigyan sila ni Mirajane--(isa sa pinaka maganda at sexy na waitress ng fairytail. May kakaiba siyang kapangyarihan na nagiging demonyo. Mayroon rin siyang dalawang kapatid, si Elfman at si Lisanna)--- ng pinaka matapang na alak.
Nagsimula na ang dalawa sa paglagok ng alak. Tila ang walang balak ang dalawa na magpatalo. Maraming nanonood sa kanila ngunit ito'y naantala ng dalawang binatang ayaw magpaawat.
"Tandaan mo Gray! Balang araw mapapasaakin din si Lucy tandaan mo!" Sigaw ng isang binata na may kulay pink na buhok. Tila nag-iipon ito ng lakas para bumuga ng apoy sa binatang nakahubad este topless. Ngunit nailagan niya ito at napangisi.
"Yan lang ba ang kaya mo Natsu? Mas sigurado naman akong mapapasakin si Lucy at hindi ko hahayaang mapunta siya sayo!" nagpaulan naman ito ng matutulis na yelo papunta kay Natsu pero nailagan niya ito. Maraming bahagi ng guild nila ang nawasak. Nasira rin ang ilang kagamitan ngunit walang pakialam ang dalawa dahil wala ring gustong magpatalo.
Nagkagulo sa loob ng guild. Ang isang dalagitang may dilaw na buhok at may tsokolateng mga mata ay wala man lang magawa upang mapigilan ang kaguluhan. Alam niyang sa sarili na siya ang topic ng dalawang binatang naglalaban. Di niya alam kung trip lang ba ito ng dalawa o gusto lang magpapansin. Napabuntong hininga na lang siya sa kawalan.
"Lucy! Alam mo ba kinikilig ako sa inyong dalawa ni Natsu? Para kasing may chemistry sa inyong dalawa. Magpapatayo ako ng Fanclub ng NaLu at ako ang number one fan niyo!" Magiliw na sabi ni Mirajane habang nagde-daydream na naghahalikan si Lucy at Natsu like there's no tomorrow. Haha.
Namula naman ang mukha ni Lucy. Alam niya sa sarili na wala siyang gusto kay Natsu dahil kaibigan lamang ang turing niya rito. Ngunit may parte sa puso niya na gustong palaging makita at makasama si Natsu. Naiinis rin siya kapag may kasama itong ibang babae. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya at naguguluhan pa. Geh. Idenay mo pa yan 'te. Push!
Sumulpot naman agad-agad ang isang libro sa harapan nila ni Mirajane. Nagulat sila ng makita ang nakasulat dito. GraLu Fanclub. Si Levy ang number 1 fan samatalang sina Jet at Droy ay number two lamang.
Napatingin silang dalawa sa nag-aaway. Tila pinag-aawayan ng dalawa kung sino ang karapat-dapat na maging number 2. "Ako ang number 2!" Sigaw ni Droy "Hindi ako ang number 2!" Sigaw naman ni Jet. Walang tigil sa pag-aaway ang dalawa hanggang natigilan sila sa pagdating ni Levy--isa rin sa pinakamatalik na kaibigan ni Lucy sa Fairytail-- nakangisi ito sa kanila.
"NaLu? Bulok 'yon noh! GraLu ako for the win!" Nag-spark pa ang mga mata niya habang palipat-lipat ang tingin kay Lucy at Gray. Hindi na lang umimik si Lucy dahil alam niyang may number 1 hater ang loveteam nila ni Gray kung nagkataon.
Dahil sa sigawan ni Jet at Droy. Narinig agad ito ni Juvia at agad-agad lumapit sa pwesto nila Lucy. Galit niyang tiningnan sila Levy at isang malaking ngiti naman kay Mirajane.
"Ano bang loveteam na yan ang narinig ni Juvia? Alam niyo bang kay Juvia lang si Gray-sama? Hinding-hindi makakapayag si Juvia sa GraLu Fanclub dahil nagtayo na si Juvia ng Gruvia Fanclub at si Juvia ang number 1 fan!" Pagmamalaki ni Juvia sa kanila. Lumaki naman ang ngiti ni Mirajane at tila may binabalak ito.
"May naisip ako! Kung may NaLu, GraLu at GruVia fanclub dapat meron ding LuJeel fanclub!" Masayang sabi ni Mirajane at nag-imagine nanaman katulad ni Juvia na halatang inlove kay Gray. Hindi na umimik si Levy.
"Aye! Ang pangit naman ng pangalan ng loveteam nila Gajeel at Levy. Ano kayang magandang tandem Lily?" Tanong naman nung chismosong kulay blue na pusa na may pakpak. Hehe.
"Wala akong ideya tungkol dyan. Mabuting itanong na lamang natin kay Gajeel" lumapit naman ang kulay itim na pusa sa amo niyang nakain ng bakal. Tinanong nito kung ano ang magandang tandem. Lumaki ang ngisi nito at agad lumapit kay Mirajane.
"GaLe" nagtaka naman sila kung ano ang sinabi ni Gajeel.
"GaLe. Ang magandang tandem sa amin ni Levy" nakangisi nitong sabi tsaka inakbayan si Levy. Namula naman ang mukha nito. Wala namang nagawa sina Jet at Droy dahil patuloy pa rin sila sa pag-aaway kung sino ba ang number 2.
May naisip namang ideya si Lucy. Ngumiti rin ito ng nakakaloko atsaka kinalabit si Mirajane. "Miraxus" tawag niya kay Mirajane.
"Huh?" Nagtatakang tanong ni Mira.
"Miraxus for Laxus and Mirajane" nakangiting sagot nito. Naramdaman naman ni Mira na namula ang kanyang mukha sa narinig. Alam niya sa sarili na may kaunti siyang pagtingin kay Laxus.
"AHHHHHHHHH!" napatingin ang lahat sa sumigaw. Ito pala ay sigaw ni master at inataki sa puso. JOKE. Sigaw ni Natsu, dahil hindi ito makapaniwala sa nakita.
Agad namang hinimatay si Juvia na pulang-pula ang mukha at may mga puso pa sa nga mata nito. Agad napatakbo si Natsu habang sumisigaw. "MY INNOCENT VIRGIN EYES!" sigaw nito.
Tumalon si Gray papunta kay Lucy para magpapansin. Tumabi ito sa kanya at kinindatan. Namula ang buong mukha ni Lucy sa nakita. Nagulat naman si Mirajane at nagtransform sa Satan Soul. Agad namang tinakpan ni Gajeel ang kanyang nga mata at ang mga mata ni Levy.
Ngumisi si Gray kay Lucy at inakbayan ito. Nanlaki ang mata ni Lucy sa nakita at agad hinablot ang buntot ni Happy at hinampas kay Gray. Agad nahimatay ang dalawa. Nagulat rin ang ibang wizard sa nakahambalang na Gray. Ang kaninang abalang-abalang master ay agad ring napasigaw at naihagis ang hawak na bote ng alak.
Nagkagulo sa loob ng guild. Hindi malaman ang gagawin sa pagkabigla sa nakita. Nasa isang gilid naman si Romeo at Wendy habang takip ang mga mata. Kasama rin nila si Carla.
Tumama naman ang bote na naihagis ni tanda este master sa isang kulay pink na cake na kinakain ng isang babaeng may scarlet na buhok.
Tumilapon ang kinakain nitong strawberry cake. Natigilan ang lahat sa kaguluhan. Tumayo ito sa pagkakaupo, nanlilisik ang mga mata niya. Natatakot ang lahat sa susunod na mangyayari.
"Ang strawberry cake ko. Ang pinaka masarap kong strawberry cake..." pagbanggit nito sa kawalan.
"Ahhhhhh!!!" Agad nagrequip si Erza. Lumapit ito sa kanila na nanlilisik pa din ang mga mata.
"Sino ang may gawa nito sa pinakamasarap at pinakamamahal kong strawberry cake?" Maluha-luhang tanong ni Erza. Tumingin naman ang lahat sa walang malay na Gray.
Tumambad kay Erza ang walang malay na Gray katabi ang walang malay na Happy. Nabigla siya sa nakita niya at agad napasigaw.
"GRAAAAYYYY!!! ISUOT MO ANG PANTALON MO!" Sigaw ni Erza na halos nabingi ang lahat. Agad na nagkamalay ang kaninang walang malay na Gray. Nagulat siya sa nakita niya at agad nagtatakbo.
-------------------
hahahahhah! Geh laughtrip yon xD Masyado daw maseng naiinitan si gray. Hahaahahah! XD salamat sa mga nagbasa!
Loveuall! :*-kp
BINABASA MO ANG
Fairy Tail ONE-SHOT stories [On Going]
FanfictionHello! Ang story na 'to ay pawang mga kalokohan lamang! XD