Stuck.

41 6 0
                                    

"Sorry. Ayoko na! Break na tayo." Sabi ko kahit patuloy na umaagos ang luha ko.

"Iyan ba talaga yung gusto mo?" Sabi nya at umiiyak na din sya.

"Oo. Dahil alam kong ito ang tama. Dahil alam kong dito matutuwa ang parents ko. Masyado pa tayong bata Francis. Mas maganda kung magfocus muna tayo sa pag aaral natin." Sabi ko at tumalikod na.

Naramdaman kong niyakap nya ko mula sa likod.

"Alam mo kung gaano kita kamahal. Masakit man tong gusto mo , gagawin ko pa rin kasi eto yung gusto mo eh. Eto yung gusto nang mahal ko. Tandaan mo lang lagi na nandito pa rin ako para sayo, kapag handa ka na ulet magmahal nasa likod mo lang ako. Mahal na mahal kita Daphnie." Sabi nya at tuluyan ng lumuwag ang pagkakayakap nya sa akin hanggang makita kong nakaalis na sya.

Bigla na lang akong napaupo habang umiiyak sa sobrang sakit ng nararamadaman ko.

Alam ko na ang tanga tanga ko dahil pinakawalan kita pero ayokong ma-dissapoint ang parents ko at higit sa lahat , ayokong ikaw pa yung mang iwan sakin. Hindi ko kakayanin kung ganon dahil sobrang mahal na mahal kita Francis.

***

"Class dismiss." sabi nung AP teacher namin.

Nagsilabasan na yung mga kaklase ko. Maya maya'y lumapit sakin yung friend ko.

"Daphnie nakatext mo si Francis kagabe? Nakatext ko sya tapos ang sabi nya break na daw kayo? Pano ba yan may pag asa na ko sa kanya." Sabi ni Jane sabay tawa. Nga pala crush nya pala si Francis.

Okay lang sakin kasi madami namang crush yang babaeng yan e.

"Sinabi niya yun?" Tanong ko.

"Ahm ou. Mukhang malungkot nga kagabi e , ang iikli ng text. Ah sige. Una na kami ni Katie." Sabi nya at umalis na.

Siguro kailangan ko ng simulan yung pag mo-move on.

***

After 3 months...

"Ikaw Jane ah? MU na pala kayo ni Francis." Rinig kong sabi ni Katie sa kaibigan nya.

"Wag ka ngang maingay! Baka marinig ka ni Daphnie , nakakahiya!" Sabi naman ni Jane.

Lumapit ako sa kanila at nagpanggap na hindi apektado.

"Uyy Jane MU na pala kayo? Kaya pala nakita ko kayo kagabi na magkasabay umuwe." Sabi ko sa kanya na parang wala lang.

"Ah eh , okay lang ba sayo?" Naiilang nyang tanong.

"Oo naman. Wala na kami at naka move on na ko no!" Sabi ko sabay pilit na tawa. Mukhang hindi nya naman ito napansin. "Tsaka diba , ikaw yung unang nagkagusto sa kanya? Parang ang dating tuloy nun ako pa yung nang agaw kay Francis sayo. Haha!"

Nagtawanan at nagkwentuhan lang kami. Kwinento nya sakin yung mga text nilang dalawa.

Masaya ko para sa kanya , para sa kanila...

***

2 years had passed , naging okay yung pag aaral ko. Last year na namin ngayon sa highschool. Nakasurvive  ako sa dalawang taon na madalas kong nakakasalubong si Francis at madalas ko din silang nakikita na magkasama ni Jane. Sila na kaya? Teka , bat ko ba iniisip yun? Wala naman akong pake diba? At mas lalong wala na kong karapatan pang isipin yun. Wala na kami , at ako yung nakipaghiwalay sa kanya. Leshe! Ako yung nakipaghiwalay pero ramdam na ramdam ko na sa loob ng 2 years na dumaan Hindi pa ko nakakamove on. Tuwing gabi na lang akong umiiyak dahil sising sisi ako sa ginawa ko pero kahit umiyak pa ko ng dugo hindi na nya ko babalikan pa. Hindi na babalik pa ang taong alam mong masaya at may mahal ng iba. Ang sakit lang! :( :'(

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STUCK </3Where stories live. Discover now