"Winter! Ano bilisan mo uulan na!". Agad akong nagmadaling likpitin ang mga gamit sa aking bag. Maya-maya ay narinig ko ang malakas na pagbuhos ng ulan.
"Sabi kasing bilisan eh!", natatawang sabi ni Mars. Natawa na lang din ako at lumusong sa ulan. Malalagot na naman ako kay Inay. Siguradong matinding sermon na naman ang madadatnan ko.
Mabilis ang ginawang kong pagtakbo dahil lumalakas na ang ulan. Sa bawat pagliko ko sa makikitid na kanto ay mabigat ang naging hininga ko dahil sa pagkapagod.
Agad akong nagbuntong hiniga nang aking natanaw ang aming maliit na bahay. Maya-maya ay lumabas na mga taong naka-corporate attire kasunod ang aking ina.
"Alam ba niya ang lahat ng ito?", rinig kong sabi ng isang matanda na pinalilibutan ng mga lalaki.
"Hindi, kahit kailan ay hindi ko ipapaalam sa kanya ang bagay na ito!", malakas na tugon ng aking ina.
Hindi ko maintindihan ang kanilang sinasabi subalit hindi pa rin ako umaalis sa aking kinakatayuan.
"Binigyan ka namin ng mahabang panahon upang ayusin ito. Ngunit binigo mo kami", dismayadong sabi ng matanda.
"Kahit kailan man ay hindi ako pumayag sa kasunduan na iyan!", pasigaw na sinabi ng aking ina subalit makikita mo ang takot at pagod sa kanyang mukha.
Hindi ko na natiis at dumiretso na ako sa bahay at sumingit sa usapan ng dalawa.
"Sino 'ho kayo?", magalang kong tanong.
"Leigh? Ikaw na ba si Leigh?", nagniningning na tanong ng matanda
"Ha? Winter po ang aking pangalan.", nagtataka kong tanong.
"Aba! Pati pangalan niya binago mo rin! Iba ka talaga!", pasigaw na sabi ng matanda sa aking ina.
"Wag niyo pong masigaw-sigawan ang aking ina!", medyo malakas kong sabi.
Agad naman akong lumapit sa aking ina at tila bumalik sa pagkakakalma ang matanda.
"I'll give you 5 days to clean this mess, Fer", mahinahon subalit may diin na salita ng matanda.
Agad umalis ang matanda kasama ang mga bodyguards nito. Agad kong hinarap ang aking ina para magtanong kung sino ang mga lalaki.
"Pasok muna tayo, basang basa ka", pagod na salita niya.
"Nay, sino ho ba ang mga taong iyon?", tanong ko.
"Kailangan na ba kitang pakawalan?", bulong niya.
BINABASA MO ANG
Evanesce
Romance"Hey", narinig ko ang isang tinig. Agad kong minulat ang aking mata, naaninag ko ang isang lalaki. Sa pamumutla at nanghihinang katawan ay nagawa niyang ngumiti sa akin. Heto na naman ako, nasa puting silid. Sawang sawa na ako, lalo na't heto na na...