"no update"-author

12 1 0
                                    

"no-update"-author


"No update."

"Wala munang update."

'Yan ang kadalasang sinasabi o pinopost ng mga author kapag wala naman talagang update. Isa din itong paraan para malaman ng mga readers niya kung may update ba o wala, hindi yung aasa nalang sa wala. Umaasa na nga sa pag-ibig, pati ba naman sa update papaasahin?

No update. Maraming nakakaintindi pero hindi maiiwasan na umasa ka parin talaga lalo na kung yung istoryang 'yun ay inaabangan mo talagang mag-update. Parang pagmamahal lang, sinabihan at sinampal na sa iyo ang katotohanan na hindi ka mahal, umaasa ka parin.

Pero kahit ganon, yung umaasa sa pag-hihintay ng update, magandang paraan 'yon ng word na umaasa. Alam mo kasi na yung pag-asa mo ay hindi mauuwi sa wala dahil alam mo namang mag-u-update talaga yung author, hindi yung feelings mo na kahit ang tagal mo nang umasa, hindi parin masuklian ang pagmamahal mo.


So ano yung punto ko dito? Hahahahaha.

Yung paghihintay ng update, para din yang pagmamahal,

Ikaw ang mag-d-desisyon kung aasa ka pa ba o hindi. Ang paggawa din naman kasi ng update ay hindi madali. Kagaya ng isang relasyon, ang pag-gawa ng update ay kailangan ng effort. Kaya bilang sukli sa update, dapat mag-thank you ka sa author or kung ayaw mo eh vote nalang o comment na may sense. Tapos huwag kang mag-c-comment ng "bitin! update kaagad author!" kasi parang pang-b-busted na rin yung ginawa mo sa nanliligaw sa'yo. Gets? ayun, mabuti na-gets mo. :)


****

So ano? Anong pinaglalaban ko sa update na ito? Hahahahaha.

#VoteAndComment

#RandomStuffs





Random StuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon