Plan 1: First Day

0 0 0
                                    

Ali's POV

"Know the hot news already?", tanong sakin ni Gab, my partner in crime.

"Ms. Maria Gabriella Atienza, sana naman maging aware ka kung sino ang kasama mo...", I pause and I stare at her eyes, yung nakakalokong tingin. "Sa mukhang to?", sabay duro ko sa mukha ko. "...sa tingin mo may alam ako?"

Hindi ko alam kung bakit ko naging kaibigan ang isang to dahil sa pagkakalam ko, hindi ako tsismosa because I'm G-E-N-I-U-S with feelings.

"Hahaha. Sana naman maging aware ka sa mga nangyayari sa paligid mo.", sabay bigay niya sakin ng isang copy ng newspaper na sa pagkakaalam ko ay isa na naman sa mga pakulo ng school namin. "Better read this para naman may idea ka sa mga pinag-uusapan ng iba."

Wow. Gab, Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong pakialam sa buhay nila? Hampasin kita ng encyclopedia eh.

And Why do I need to familiarize myself to those freaking others lives? Eh, wala naman silang pakialam sakin at wala din akong pakialam sa kanila. So, Boom! The feeling is mutual.

Mabuti sana kung ikatataas ng grades ko ang pagiging tsismosa.

Inabot ko yung newspaper na binibigay sakin ni Gab at tinignan ko siya with anger, irritation and feelings. Pakipaalala naman po sa akin kung kaibigan ko ang nilalang na nasa harapan ko ngayon.

"It states that your oh-so-called-boyfriend had introduced someone? A-ahm, yes. Oh yes... Someone... Someone who is very important to him, I guess? Arrgh! You should read every details of that newspaper! A-ahm, cover to cover! Nakalimutan ko na yung ibang nakalagay diyan eh.", she said. Ano pa bang bago dun sa lalaking yun? Laging nai-issue yun eh.

Hindi gaya ko.

Siya famous, sikat, at kilala ng lahat.

Ako?

Parang isdang nagco-contact lens. Di nag-eexist.

Pumayag ako na secret lang tong relasyon naman ni Brigs para iwas gulo. Kahit na gustong gusto ko ng ipangalandakan sa mga fangirls wannabe niya na kami na nung matagal na nilang pinapantasyang lalaki pero di pwede. Ano nalang sasabihin ng mga fangirls niya kung malalaman nilang may girlfriend si Brigs na,

Invisible.

Commoner

at

Boring?

Diba?

Ako din naman ang kawawa in the end. That's why I agreed to kept our relationship. Si Brigs na mismo ang nagsabi na pinoprotektahan niya lang ako. May tiwala ako sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I fell for the Bad Boy, accidentally.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon