This is not your typical wattpad love story na ang lalaki ay isang sikat na personalidad sa school na pinapasukan nya, while ang babae ay isang nerd o di kaya ay nobody para sa mga tao. Hindi din school ang majority ng setting. Hindi mayayaman ang characters. At lalo na hindi sa Manila ang most na scenes. Higit sa lahat hindi ako magaling na author.
---
Ako si Sheen. Proud pa ako sa pangalan ko because it means beautiful. Hanapin nyo pa sa dictionary. 17 years old at nag-aaral sa isang sikat na University dito sa Bacolod. I've been always a good girl to everybody. Clumsy, immature, shy type kapag sa stranger pero maingay kapag naging kaibigan mo. Minsan moody, madalas funny. Hindi matalino, pero matinong nag-aaral. Hindi din kagandahan pero may nakakaappreciate naman. Hindi matangkad at hindi din maputi. Ako yung palaging huling nakakaintindi sa kung ano mang joke ang sasabihin ng mga kaibigan ko. NBSB.
Sya si Pete. Nag-aaral sa University of Makati na kasulukuyang nasa Grade 11. Matangkad at maputi ata. Mabait daw laging maaasahan. Pero lasenggo daw, walang patutunguhan ang buhay. 23 years old, too old for me.
Hindi sya gusto ng mga kaibigan ko para sa akin kasi nga ganun. Bad boy sya at good girl ako, cliche right? But nandito na to eh.
Minahal ko na sya. Ata? Ewan. Hindi ko alam.
(A/N: sa votes and comments ko po i-ba-base kung itutuloy ko ang kwentong ito. At sya nga pala, hindi ako magaling gumawa ng cover ng story, kung may suggestion po kayo ipaalam lang sa akin. Sana magustuhan nyo po, kahit na prologue pa lang. Thanks in advance.)
BINABASA MO ANG
My fairy tale
RandomMakakalimutin ako sa maraming bagay pero hindi ko alam kung bakit naaalala ko ang halos lahat ng detalye kung paano kami nagsimula. Ay mali. Wala palang kami. Assuming lang talaga ako. Assuming na may fairy tale kaming dalawa.