The Prophecy

28 2 0
                                    

Greetings my dear readers ! This story of mine was writen for my Filipino projects as you can see by how the words was used.
And uhmm I thought to myself that it needs continuation and so I did, but it was continued using my preferred way of speaking I mean the usuall way. Sorry for human errors ! Hope you'd enjoy reading ! You are free to give comments and suggestions later on !

Forbidden
Part1: The Prophesy
By:ShaiiIsNotOnFire
Bagong lipat lamang si Maria sa isang liblib na lugar na hindi pamilyar sakanya at ngayon lamang siya nakarating rito. Hindi pa ito nababanggit ng kanyang lola sakanya sa loob ng mahigit na labing siyam na taon simula ng kanyang kapanganakan. Ang madalas lamang niyang sinasabi kay Maria na sa tamang panahon ay lilipat sila ng tirahan at sa tuwing magtatanong ang dalaga tungkol sa lugar ay hindi na ito kumikibo na para bang hindi naririnig ang dalaga. Kakaiba para kay Maria ang lahat ng kanyang nakikita sa lugar gawa ng siya ay nagmula sa siyudad. Napagpasyahan niya na libutin ang lumang mansion na nilipatan nila ng kanyang lola. Sa kanyang paglalakad sa mga lumang pasilyo nakakita siya ng magagarbong antique ngunit ang mas nakatawag ng kanyang pansin ay ang isang luma at napakalaking litrato na nakasabit sa gitna na siyang bumubungad sa magarbong hagdan, pero hindi ang makalumang dating nito ang tumawag ng kanyang pansin kundi sa kung sino ang nasa litrato. "Maria? Ikaw na ng aba iyan iha? Napakatagal na taon na naming hinihintay ang pagdating mo." Binalot ng pagtataka ang mukha ni Maria, agad na nilamon ng katanungan ang kanyang isip tulad ng kung sino ba ang matandang babaeng bigla nalang hinawakan ang kanyang kamay at kung ano ang ibig niyang sabihin, matagal na taong hinihintay? Bakit? Baka nagkakamali lamang siya? May kinalaman ba rito ang hindi pagpansin sakanya ng kanyang lola sa tuwing kanyang binabanggit ang tungkol sa lugar? Pero tinawag siya nitong Maria na para bang kilala siya nito kinilabutan ng husto si Maria at nanunuyo ang kanyang bibig na para bang wala na siyang boses na mailalabas pa. Ngunit naunahan na niya ito bago pa tuluyang manuyot "Teka? Maria nga po ang pangalan ko, pero ano pong ibig niyong sabi-" " CELIA! Anong ibig sabihin nito? Pumunta ka sa iyong silid Maria ngayon din!" "Pero ano pong ibig sabihin ni aling Cel-" "PASOK!" Nagulat si Maria sa ipinakita ng kanyang lola, kahit kailan ay hindi pa siya sinigawan nito at nanlilisik ang mga mata na para bang mayroong itinatagong hindi dapat malaman. Sa takot at pagkagulat ay pumasok na lamang siya sa kanyang silid. Naupo siya sa tapat ng bintana upang pagnilayan ang mga nangyari kanina. Nakagaan ng loob ni Maria ang malamig na simoy na hangin, binaybay niya ng tingin ang buong lugar, ang malaluntiang mga puno at amoy ng katahimikan at kapayapaan ang matipuno at gwapong lalake na nakaupo sa itaas ng isang napaka taas na puno dalawang bahay mula sa kanilang mansion. "Teka? Papaano siya nakaakyat sa isang pagkataas taas na puno? Aba'y kakailanganin niya ng hagdan dahil kasing taas ng aming apat na palapag na mansion ang punong iyon!" Buong pagtataka ni Maria, ang mansion nila ang pinaka mataas na gusaling nakatayo sa baryo ayon sa kanyang natatanawan, pumapangalawa ang talong palapag na lumang mansion kung saan naroon ang lalaking nakaupo sa mataas na puno, tinanaw ni Maria kung mayroong hagdan sa paligid ngunit wala siyang nakitang ni isang hagdan sa palibot nito. "Tok tok tok" May kumakatok sa pintuan agad niya itong binuksan. Umupo si Maria sa kanyang kinauupuan kanina at tumanaw muli sa bintana. "Patawarin mo ako sa aking inasal kanina iha." Huminga ng malalim. Napansin ni Maria na nawawala ang lalaking nakaupo sa puno agad niya itong hinanap sa paligid laking gulat niya na nasa ibaba na agad ito ng puno at naglalakad papasok sa tatlong palapag na mansion. "Naiintindihan kong masama ang iyong loob dahil kahit kailan ay hindi pa kita nasisigawan ni panlisikan ng mata, Nagulat lamang ako kaya't nagawa ko iyon. Sige babalik na lamang ako kapag gusto mo na akong kausapin, huwag kang magalala Naiintindihan kita." Hindi naman galit si Maria, sadyang nakatuon lamang ang kanyang pansin sa misteryosong lalaking iyon. "Huwag ka pong lumabas lola, hindi po ako galit." Niyakap patalikod ang kanyang lola. "Ganun ba? Ngunit ayos lang saakin kung gusto mong mapagisa." Ayos lang po iyon lola, hindi po masama ang loob ko, lola?" "Bakit?" "Kilala niyo po ba kung sinong nakatira sa tatlong palapag na mansion iyon?" Hindi na binanggit ni Maria ang nakita. "Malalaman mo rin iha, malalaman mo rin, o siya pumanaog kana't nakahanda na ang pananghalian." Iniwan nanaman siya na puno ng katanungan lalong naguluhan si Maria. Ano ba talagang nangyayari? Magdamag na nagkulong sa kanyang silid si Maria, sa kalagitnaan ng gabi nakarinig ng ingay ng diskusyon si Maria bumangon siya at sumilip sa kung saan nanggagaling ang ingay at laking gulat niya ang bumungad sa kanyang mga mata ang lalaking nakita niya kaninang tanghali na nakaupo sa itaas ng puno mayroon siyang kausap sa nadidinig niya ay may mga limang babae ang nakikipagtalo sa lalaki. Anong pinagtatalunan nila? Pinilit ni Maria na marinig at makita kung sino ang kausap ng lalaki. Laking gulat niya ng matanawan ang kanyang lola,si aling Celia,at tatlo pang babae na kaidaran rin ng kanyang lola. "Limampu't siyam na taon ko ng hinihintay ang pagdating niyo aling Martha mukhang patanda na nga kayo ng patanda at nakakalimutan na ang nakatakda?" Sabi ng lalaki hamabang nakangiti ng nakakatakot. Nagulat si Maria sa narinig, limampu't siyam na taon? Tinanaw niyang muli ang lalaki pero sa itsura nito ay kaidaran lamang niya ang binatilyo kaya't imposible ang sinasabi niyang bilang, inisip na lamang ni Maria na gumagamit lamang ang binata ng eksaherasyon sa pagsasalita. Napabuntong hininga si Maria, ipinagpatuloy niya ang pakikinig. "Lucas iho hindi kami nakalilimot sa ating usapan lalo na sa kung ano ang nakatakda pero." Huminga ng malalaim ang lola ni Maria na si aling Martha. "Alam kong ang nakatakda ay mangyayari ngunit nakatitiyak ba tayo na si Maria, ang aming Maria ang tamang babae? Mahal ko ang aking apo,maaari bang humanap na lamang ng iba? A-alam k-ong aalagaan mo siya pe--ro." Sabi ng kanyang lola na may halong takot at panginginig. "Ang babaeng Maria Isabel ang pangalan, anak ng anak ng pangalawang henerasyon, hindi ba't ikaw ang pangalawang henerasyon ng angkan ng mga Andres? Ang nakatakda ay hindi nagkakamali at hindi dapat baguhin ng mga mortal na mahihina! Alam mo naman siguro ang mangyayari kung pagpipilitan mo ang iyong gusto hindi ba aling Martha?" Sabi ng lalaki habang lumalapit kay aling Martha na may pananakot at bigla na lamang siyang lumingon kay Maria na para bang alam niyang kanina pa niya ito nakikita at ngumiti ng pagkatamis tamis. Labis na ikinagulat ni Maria ang pag ngiti ng binata sakanya at sa takot ay napa atras ito at di sinasadyang nasagi niya ang isang antique na plorera at nabasag ito na pumukaw sa atensyon ng iba. Dali daling tumakbo si Maria patungo sa kanyang silid at humiga at nagkunwaring tulog. "Sinong nariyan?" Nabiglang tanong ni aling martha. "Tingnan mo nga si Maria sa kanyang silid Celia" sabi ng isa sa mga matatanda. "Hayaan niyo na iyon, isa lamang iyong napakagandang pusa na walang malay. Bukas ng gabi, kabilugan ng bagong buwan ng Setyembre. Ang kaarawan ng itinakda sa eksaktong alas dose sa kalagitnaan ng gabi kung kailan magiging dalawampung taong gulang na si Maria ay dadalhin niyo siya sa aming mansion na nakasuot ng puting blusa. Kayong lahat ay magsusuot ng kapang pula upang tunghayan ang magaganap. Inaasahan kong alam niyo ang kapalit ng pagtraydor sa aking angkan mga mortal." Walang nagawa ang lahat at nagsiuwi na ang iba habang umiiyak si aling Martha. Kinaumagahan ay bumaba na si Maria mula sa kanyang silid. "Maligayang kaarawan apo!" Naiilang na ngumiti si Maria sapagkat naghahanap parin siya ng kaliwanagan sa lahat lalo na sa mga nangyari kagabi. "Salamat po" matipid na sagot ng dalaga. "20 taon kana apo, mayroon akong regalo sayo, sandali lamang at kukunin ko." May kinuhang asul na kahon si aling Martha at iniabot iyon kay Maria. "Ito na ang tamang panahon para ibigay ko ito sayo iha, mula iyan sa aking mama, espesyal iyan kaya't paka ingatan mo sana at siya nga pala pinrotektahan ako niyan kaya't isuot mo palagi at poprotektahan karin niyan tulad ko. Oo nga pala dito ka muna at ako'y may pupuntahan, tawagin mo nalang si Celia kung may kailangan ka, nasa hardin siya." "Salamat po, napakaganda" isang singsing na may batong ruby sa gitna ang ibinigay sakanya ng kanyang lola, nagtaka nanamang muli si Maria kung para saan ang gagawing pagprotekta ng singsing na iyon. Napaisip si Maria. "Nakita ko na itong singsing kung saan? Saan nga ba?" Sambit niya sa sarili. "Yun nga! Sa litrato! Yung malaking litrato sa may bungad mg hagdan, suot yun ng babaeng kamukhang kamukha ko? Sino kaya siya? Siya ba yung lola ni lola Martha?" Pumanhik sa kinaroroonan ng litrato si Maria at tinitigan itong muli. "Kamukha ko siya, mas maganda siya dahil sa kulot at mahaba niyang buhok,pareho kaming may pinong labi!" Napansin niya ang katabi nitong lalaki matipuno, maputi na parang espanyol ang dating ng kanyang ilong itim at bilugang mga mata. "Sino kaya siya?" Tanong sa sarili. "Siya ang asawa ni Ms. Katherine ang unang henerasyon." Napatalon sa gulat si Maria "Aling Celia! Ginulat niyo po ako!" "Kinakausap mo kasi ang sarili mo, ang bata bata mo pa ay magugulatin kana! Siya nga pala maligayang kaarawan sayo iha" "Salamat po, pwede niyo po bang ikwento ang tungkol kay lola Katherine at yang unang henerasyon nayan?" "Sige, isa sa pinaka mayamang angkan ang mga Andres at kasali ka don, isang maulang gabi habang papunta sa kabilang nayon si Katherine sakay ng isang karwahe ay may lalaking humarang sakanila, at siya nga iyang nasa litrato si Philip, hinihingal na humihingi ng tulong ito na pasakayin siya, dahil sa busilak na puso ni Katherine ay walang alinlangang pinasakay niya ito. Nabighani ang binatang si Philip ng mga oras na magtagpo ang kanilang mga mata ni Katherine. Ganon din ang naramdaman ng dalaga. Pinatuloy niya ito sa kanilang mansion, na kasalukuyang tinitirhan niyo ngayon." "Naging sila po ba? Nagka anak po ba sila?" Interesadong tanong ni Maria. "Oo, isang babae, sandali hindi pa ako tapos." "Pasensya na po na eexcite lang po ako" "Nagpatuloy ang mga araw at naging magaan ang loob nila sa isa't isa, nagpakasal sila at nagkaroon ng isang anak na Martha ang pangalan." "Martha? Si lola Martha po ang anak nila?" "Siya nga." "Paano niyo po nalaman ang lahat ng iyan?" "Yung tungkol sa pagiibigan nila Katherine at Philip ay ikinwento saakin ng aking inay na noon ay matalik na kaibigan ni Katherine na siya ring alipin nila noon, pero matalik silang magkaibigan ni Katherine, at tungkol naman sa anak nilang si Martha ayan at naging matalik ko ring kaibigan." "Ang galing naman po, naging magkaibigan din kayo, ang ganda naman ng kwento nila, yang singsing po na suot ni lola Katherine galing po ba kay lolo Philip yan?" "Oo, sandali hindi pa tapos ang kwento nila, labin dalawang taong gulang ako noon at si Martha naman ay labing tatlong taon. Isang gabi ng oktubre napakadilim noon tila ba nababalot ng kadiliman ang buong paligid at tanging ang ilaw na lamang na nagmumula sa mansion ang nagbibigay liwanag sa paligid. Tandang tanda ko pa noon, masaya kaming naglalaro ni Martha ng bago niyang manika sa tapat ng pintuan ng mansion, biglang may dumating na tatlong gwapong binatilyo ang isa ay mga 18 ang edad na siyang pinaka bata sa kanila, ang isa naman ay mukhang nasa 25 taong gulang na at ang isa'y 27 na. Ang akala namin ni Martha ay kaibigan lamang sila ni Ginoong Philip ngunit" "ngunit ano po?" nagkaroon ng takot sa mukha ni Aling Celia kitang kita ito sa kanyang mga mata. "Dumating si Elena! Isang napakaganda, napaka puti at siyang pinaka nakakatakot na nilalang na nakita ko, nang gabing iyon nanlilisik ang mga mata niya kay Martha. Bigla nalamang, biglang" napabuntong hininga sa takot. "Ayoko nang ituloy pa ang kwento" "Pero aling Celia! Ano ba iyon at takot na takot ka? Parang awa niyo na po aling Celia ituloy niyo po karapatan ko pong malaman ang lahat tungkol sa aking angkan! Sa tignin ko po ay dapat kong malaman ang tungkol dito." "Pagagalitan ako ni Martha kapag nakialam ako, tama na iyang nalalaman mo, o siya ipagpapauloy ko na ang aking gawain sa hardin. Siya nga pala, wala akong ikinwento sayo iha, wala." "Pero aling Celia. Sige salamat po" Naiintindihan ni Maria na hindi dapat nagkekwento si aling Celia nang tungkol doon lalo na't alam niyang magagalit ang kanyang lola Martha sakanya, gustuhin mang malaman ni Maria ang karugtong ay wala siyang magagawa, "bakit kaya ayaw ituloy ni Aling Celia ang kwento? At bakit takot na takot ito kay Elena at sa talong binatilyo? Sino ba sila?" sunod sunod na tanong ni Maria sa sarili. Sinulyapan muli ni Maria ang litrato at naglakad pababa ng hagdan. Hindi niya napapansin na nakalabas na pala siya ng mansion at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad at dahil sa lalim ng iniisip ay papasok na pala siya sa tatlong palapag na lumang mansion saka lamang niya napansin ng biglang may dalawang babaeng nagsalita. "Bago ka lamang dito iha? Wala pang ni isang taga nayon ang nangahas na pasukin ang mansion ng mga Salva-" "sshh wag kang maingay linda! Baka marinig ka ng bunso! Tara na! nakakatakot talaga dumaan dito! Kung meron lang ibang daan! O siya iha! Mauna na kami" "Sino bang naka tira dito? Ang gulo na talaga ng sip ko ngayon, puno ng misteryo ang lugar na ito." Nag lakas loob si Maria at pumasok siya sa mansion naka ramdam siya ng biglang paglamig at nakadagdag pa ang tunog ng lumang pintuan. Napakadilim ng buong lugar lahat ng butas na pwedeng daanan ng sinag ng araw ay may takip may nakarinig si Maria na kaluskos at nagsimulang bumaho ang lugar, napaka lansa ng amoy kinapa ni Maria ang kanyang telepono at binuksan ang flashlight nito. Napaatras si Maria sa nakita isang babae at dalawang lalake ang nakahiga sa tig iisang kabaong napakaputi ng kanilang kulay natutulog sila ng mahimbing at napaka payat ng itsura nila, para bang maraming taon ng hindi kumakain at mayroon silang matutulis na pangil. "Ba-bam-pira! Bampira!" bulalas ni Maria. Nasagi niya ang isa sa mga litratong nakapatong sa lamesa sa gilid na lumikha ng ingay. Ikinagulat niya ang nakita sa litrato. Si Philip at yung babaeng nakahiga sa kabaong pati narin yung dalawa pa, at yung lalaking nakita niya sa itaas ng puno kahapon. Naging malinaw ang lahat kay Maria yung babaeng kinatatakutan ni aling Celia at ng lahat ng nasa nayon ay si Elena na nakahiga ngayon sa kabaong at ang kanyang mga anak. Si Lucas na bunsong anak ni Elena ang nagbabanta sa kanyang lola anong ginagawa ni Philip sa litrato? Kaano ano niya ang mga halimaw na bampirang iyon? At bakit narinig niya ang kanyang pangalan sa pag uusap nina Lucas at nung limang babae? nagsimulang mamawis ng napakalamig si Maria. May mga yapak na papalapit sa kinaroroonan niya agad siyan nagtago sa loob ng malaking aparador. Nakasisiguro si Maria na si Lucas iyon, at tama nga ang kanyang hinala. Pumikit si Maria at tinakpan ang kanyang bibig. "Sinong nariyan? Ina? Gising na ba kayo?" pumasok sa silid si Lucas at natawang bigla "Ano ba naman yung iniisip ko? Syempre hindi pa kayo gising, mamayang gabi! Sa kalagitnaan ng gabi ang itinakdang oras na pinaka hihintay niyo. Kailangan ba talagang mangyari ang lahat ng iyon? Kahit ako ay natatakot sa maaari niyong gawin. Baka hangin lamang iyon." Pinulot ni Lucas ang litrato sa sahig. "Kung hindi ka lamang tumaliwas sa kagustuhan ni ina ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito ama. Sana ay hindi na dadanak ang dugo sa buong lugar na ito. Sana'y sinunod mo nalamang siya. Para namang hindi mo kilala ang angkan ni Ina. Wala akong magagawa kundi pakialaman ang lahat ng dapat na mangyari, mamayang hating gabi na iyon ama, darating ang angkan ng mga Salvatore ang pinaka brutal na angkan ni Ina matagal na nilang hinihintay ang pagbangon nila sa mga kabaong na ito ng dahil sayo. Pero eto ka ngayon at patay na at wala ka ng magagawa pa para sa pamilya ni Katherine at ng buong nayon. Bahala na." lumabas ng silid si Lucas. Agad na tumakbo si Maria palabas nang mawala na sa kanyang pandinig ang yapak ni Lucas. Takot na takot si Maria sa lahat ng narinig. Paglabas niya ay huli na ang lahat at palubog na ang araw. Umiiyak si Maria at nagtatakbo sa kagubatan hindi niya alam kung saan siya pupunta iniisip niya na sana ay panaginip nalang lahat ng ito. Sa kakatakbo ay may nabunggo si Maria at pareho silang natumba. Lalo pang humikbi si Maria "Alasais na ng gabi! Ayaw mo bang maghintay ng alas dose? Gutom na gutom ka na ba? Kainin mo na ako! Wag mo ng idamay ang mga taga nayon!" hinampas ng hinapas ni Maria si Lucas na siyang nakahiga dahil sa pagkakabangga "Ikaw nga si Maria Isabel Andres" nagpagpag at tumayo tinulungan din si Maria sa pagtayo "Bitiwan mo ako! Ano pang hinihintay mo? Masamang paglaruan ang pagkain!" nagmamatapang na sigaw ni Maria. Biglang natawa si Lucas. "Una sa lahat magandang binibini hindi namin kinakain ang tao, sinisipsip lamang namin ang inyong dugo hanggang sa maubos ito. Pangalawa alam kong ikaw ang nangahas na pumasok sa aming mansion kanina, kung hindi ako makapag hintay ay kanina pa sana ako pumasok sa aparador na pinagtataguan mo at nilantakan na kita." Dahan dahang lumapit kay Maria at hinawi ang buhok nito. "Pangatlo, matapang ka, gusting gusto ko ng matapang." "La-layuan mo ako!" sigaw ni Maria. "Paano ko sisipsipin ang dugo mo kung lalayuan kita? Di ba't sabi mo Kainin na kita? Nagbago ata bigla ang isip mo?" hinawi ni Maria ang kanyang buhok sapat para maipakagat niya ang kanyang leeg at ipinikit ang kanyang mga mata. "Ilayo mo sa akin yan" iminulat ni Maria ang kanyang mga mata at hinanap si Lucas. At nakitang nasa itaas ito ng puno. "limampu't siyam na taon na akong hindi umiinom ng dugo ng tao, nabubuhay ako sa pag inom ng dugo ng mga hayop sa gubat hmm." Tumingala sa kalangitan. "alas otso na ng gabi, apat na oras nalang at narito na sila. Siguradong pinaghahanap ka na ng mga taga nayon at iaalay saakin. Wala silang pakialam sa buhay mo, ang gusto lang nila ay iligtas ang buhay nila. Pasensya ka na pala, patay na ang lola Martha mo, inilibing ko siya kanina sa tabing ilog. Namatay siya dahil ayaw niyang ialay ka ng mga taga nayon, at dahil doon ay pinag hahampas nila siya, huli na ng maabutan ko siya dahil wala na siyang buhay. Pasensya ka na at hindi ko siya natulungan. Nung maamoy kita pag uwi ko sa mansion ay naaawa ako at wala akong magawa tungkol doon. At alam kong wala kang kaalam alam sa mga nangyayari kaya sinadya kong iparinig sayo ang lahat." "Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng ito? Diba papatayin mo rin naman kaming lahat? Ang sakit malaman na Namatay si lola na mawawala lang sa wala ang buhay niya dahil papatayin mo rin ako! Lahat kami!" bumaba sa puno si Lucas at kita sa kanyang mga mata ang galit. "Kalokohan! Matagal akong naghintay sayo! Gumawa ako ng kwento tungkol sa nakatakda para dalhin ka nila kaagad saakin! Tapos papatayin lang kita? Totoo ang lahat ng tugkol sa pagdating ng angkan ni Ina! Ang totoo ay ipinahahanap kita dahil sa nakasulat sa propesiya! Na ang apo ng pangalawang angkan ng mga Andres na nagngangalang Maria Isabel ay nakatakdang maging asawa ko! At ikaw ang makapagliligtas sa mga natitirang nayon! Ang magiging anak natin na siyang kalahating mortal at kalahating Bampira ay ang siyang papatay at magwawakas sa kasamaan ng mga Salvatore ang sarili kong angkan at pamilya! Tumulong ako kay ama para patulugin ng limampu't siyam na taon ang sarili kong ina at mga kapatid dahil minahal ko na ang mga mortal! Dahil sa pagiging mabait nila saamin kahit hindi nila alam na inuunti unti nila ina ang mga naninirahan dito! Hindi ko kaya ang mga ipinapagawang hindi makatao ni ina kaya't tumaliwas ako at sumama kay ama! Halika na alas onse na ng gabi paparating na sila. Kailangan na nating umalis! Mayroon akong mga mabubuting pinsan sa Ireland at doon tayo maninirahan. Wala na tayong magagawa ngunit dadanak talaga ang dugo sa buong lugar na ito. Hihintayin natin ang tamag panahon para iligtas ang matitira sa inyong bansa." Niyakap si Maria. "SINUNGALING! SA TINGIN MO PANINIWALAAN KO LAHAT NG SINASABI MO? Patay na si lola! Pabayaan mo nalang din akong mamatay!" tumakbo si Maria papalayo. "Maria! Sandali!" Agad na naabutan ni Lucas si Maria dahil sa mabilis na galaw nito. Laking gulat niya na makita ang kanyang lolo na si Damon Salvatore habang pinapainom kay Maria ang dugo nito sa braso. "Lolo wag!" "Lucas! Isa na rin akong halimaw! Tulungan mo ako! Ayokong maging Bampira!" Umiiyak na sigaw ni Maria habang duguan ang kanyang bibig. "Ssshh ayaw mong maging Bampira? Maya maya ay magiging isa kana saamin, oras na umabot na ang dugo sa iyong utak at" "Aaahh aray !! Lucas! Tulungan mo ako! Sobrang sakit!!! Ang sakit ng ulo ko!" Sigaw ng namimilipit na si Maria habang hawak hawak ang kanyang ulo at napa luhod sa sahig. "Nagsisimula nang kumalat at umakyat ang dugo ko sa utak mo, kakainin nito ang dugong mortal mo at ikaw na mismo ang uubos sa mga mahihinang mortal!!!" "Lucas!" Sigaw muli ni Maria. Walang magawa si Lucas sapagkat mahinang mahina siya, ang dugo ng tao ang nagpapalakas sakanilang mga bampira at napakatagal na niyang hindi umiinom ng dugo ng tao kaya't wala siyang laban sa kanyang lolo. "Oras na matapos na ang pagkalat nito hindi mo na mapipigilan pa ang iyong sarili na parang uhaw na hayop Hahaha!" Patawang sabi ni Damon Salvatore. "Tutulungan kita Maria! Tutulungan kita." Matagal na panahon ding hindi nagamit ni Lucas ang kakayahan niya kaya't hindi niya alam kung magagawa pa niyang muli ito. Nagconcentrate siya ng mabuti. Biglang tumayo si Maria at pulang pula ang mga mata nito at gaya nga ng sinabi ni Damon ay nag mistulang uhaw na hayop si Maria. Paalis na sana si Maria upang ubusin ang mga tao sa nayon ng biglang sumigaw ito ng napakalas at hindi magalaw ang buong katawan at bumulagta sa sahig. "Pain!" Sigaw ni Lucas "Patawad Mahal ko ngunit kailangan ko itong gawin. Sleep!" Sigaw niyang muli. "Hahaha magaling apo kong suwail! Kaya mo pa palang gamitin ang kapangyarihang iyan! Hangal ka para gamitin ang iyong kakayahan para tulungan ang mga walang kwentang katulad niya! Dapat ginagamit mo iyan para pumaslang at mabuhay! Ikinahihiya kita! Kung ganyan din lamang ay papatayin na kita! Aaaahhh! Paano mo nagawa ito sa akin?!" Nagulat si Lucas ng makitang nagaapoy at nasusunog si Damon. Paglingon niya kay Maria ay gising ito at kulay aso na ang mga mata nito labis niyang ikinagulat ang gising na si Maria dahil pinatulog niya ito. Kalmado na ang itsura ni Maria namangha si Lucas sa bilis matuto ni Maria sapagkat ang mga newborn na bampira ay takam na takam sa dugo at aabutin ng apat hanggang limang buwan para magkaroon ng kontrol sa sarili at si Maria ay inabot lamang ng ilang minuto at ang maganda ay mayroon din itong kakayanan yun ay ang pumatay ng bampira gamit ang pagtitig ang tinatawag na burn, dalawa lamang sa mga malalakas na angkan ng bampira ang may kakayanan na burn, at patay na sila kaya't siya ang pangatlo ang bagong henerasyon. "BURN!" sigaw ni Maria. "Maria!" Tumakbo papunta kay Maria at niyakap ito. "Isabel" yumakap din kay Lucas. "Ha? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Lucas. "Isabel ang itawag mo sa akin mahal kong asawa. Mamuhay tayo sa Ireland nabasa ko sa isip ng lolo mo kanina habang nag aapoy siya na magbabalik ang iba pang mga Salvatore para patayin tayo. Pero hindi nila tayo basta basta mapapatay." "Sasama ka sa akin?" Niyakap sa tuwa si Maria. "Oo, ayaw mo? Tayong dalawa kasama ang magiging anak natin, sa Ireland." Masayang naghintay ng bukang liwayway ang dalawa at walang ni isang taga nayon ang namatay ngunit nakapagtataka ang pagkawala ng mag iinang sina Elena at ang dalawang anak nitong sina Eren at Armin. "Ligtas na ang mga taga nayon" nakangiting sabi ni Maria "Ligtas sila sa ngayon mahal ko. Sa ngayon. Mapanganib ang pagbabalik nila kasama sina Ina, mas lalo silang maghihimagsik." At nanirahan nga sina Lucas at Isabel (Maria) sa Ireland nagkaroon nga sila ng anak na pinangalanan nilang Yosue. Kakaiba ang kakayanan ni Yosue kaya niyang gumamit ng burn, pain, sleep,read at control mind. Sa ika labin limang taong gulang ni Yosue ay babalik silang muli sa nayon kung saan nagsimula ang lahat. The end.

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon