My oh my...

41 4 1
                                    

(try lang, wala po sang maoffened. Full fiction po ito, kathang isip na may inspirasyon. :)) I love mama Marry)

May isang batang tumatakbo sa gilid ng kalsada going to the north kasabay ng mga sasakyan sa highway. Umiiyak yung bata at sumisigaw ng "mama Marry." Napatitig lang ako dun sa batang yun habang tumatakbo siya tapos bigla siyang lumingon sa other side ng kalye na parang may tumawag sa kanya. Napalingon din ako dun sa dereksyon kung san siya tumingin tas bigla akong nagtaka kasi huminto yung bata sa gilid ng highway na parang my kausap tas di nagtagal biglang tumawid yung bata. As in bigla-bigla nalang siyang tumakbo papuntang kabilang kalye and take note may mga sasakyan na dumadaan. I was amazed by that kasi nung time na tumawid siya parang nagslow down yung mga sasakyan na dumadaan. Pagkalagpas niya sa unang lane saka bumilis yung car and nung sa second lane naman siya nakalagpas saka rin bumilis yung tryc. Napatulala nalang ako bigla dahil dun sa nakita after how many minutes biglang nagkaroon ng aksidente.

Isang truck at kotse nagsalpukan .

And then I thought that miracle just happened. Kung saan mismo huminto yung bata bago siya tumawid ay doon nangyari yung salpukan. Think of it, kung hindi umalis yung batang yun doon masasama siya sa aksidente. Hindi lang pala yun dahil dun sa daan na tinatakbuhan niya kanina nanggaling yung truck, kung nagpatuloy siyang tumakbo sa daan na yun maaabot din siya nung truck. Pagtingin ko dun sa bata nakaupo lang siya sa isang bato. May hawak na toy car. Luma at medyo sira pero makikita mo sa kanya yung saya na nagkaroon siya ng ganun. May isang tao na nagtanong "bata bakit ka tumawid?" guess what if what he answered?

"kasi po huminto na rin si mama Marry atsaka may ibibigay raw po siyang car saken kaya lumapit ako sa kanya"

"siya rin ba yung tinatawag mo kaninang mama Marry habang tumatakbo at umiiyak ka?"

"opo, akala ko po kasi iiwan na niya ako kaya hinabol ko po siya pero ang sabi niya po sa akin hangga't buhay pa daw po ako hinding-hindi niya ako iiwan"

My oh my...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon