Minsan, takot tayo lumuha, masaktan at maiwan. Lahat ng meron ang tao, mawawala rin balang araw. Hindi pwedeng habambuhay nating hawak ang lahat ng gusto natin. Kahit anong higpit ng pagkakahawak natin dito, mabibigo lang tayo sa huli. Pero yung ibang iniwan, binabalikan para 'saktan' ulit. Sasayangin ang 'Second Chance' na binigay mo. Ang iba naman, swerte dahil narating nila ang 'Finish Line'.Lahat tayo iba't iba ang istorya ng buhay, may mapait at minsan ay matamis.
Sa mga nababasa kong libro. May bida at kontrabida. Hindi naman nawawala sa istorya ang mapangapi at inaapi.
May pangunahing problema. Aksidente, Patayan, barilan, Kabit.
May "Ending". Hindi lahat ng ending ng story ay masaya yung iba malungkot.
"Pero ang storya ng buhay ko ay magiging maganda...masaya" Hindi ko hahayaang maging katulad ng mga nababasa ko sa libro.
Kaya ngayon "Hinding hindi ko sasayangin ang 'opportunity' na meron ako ngayon"
Bago ang lahat ...
Ako si Laiza Delavega na mahaba ang palda, joke. Ano ako baduy?
Senior College sa next year. Pero hindi halata, kasi kinulang ako sa height.
Hindi naman ako kagandahan at hindi rin kapangitan, sakto lang.
Isa na akong ulila. H'wag mo ng alamin.
Kung pangarap niyo magaral sa mamahaling paaralan, ako din naman. Ateneo, DLSU, UST etc. kaya araw gabi akong nagsusunog ng kilay para makapasa sa entrance exam at maging scholarship. Ngunit sa kasamaang palad lagi akong bumabagsak.
Ngunit nagbago ang lahat ng makilala ko si Lance Medina. Hindi ko inasahang maiinlove ako kay lance. Akala ko nung una 'Infatuation' lang ito.
Pero lumipas ang araw, ang lingo at buwan, wala paring pagbabago. Mas palalim ng palalim ang nararamdaman ko.
Tapos malalaman mo na may mahal na siyang iba. Lahat ng feelings naramdaman ko. Hanggang umabot sa point na magpapakamatay na ako, joke. Pag nakikita ko siya na may kasamang iba, bigla akong nagta-transform sa Monster, Alien basta lahat ng panget sa mundo, kabilang kana dun---joke.
Aaminin ko na may pagkasayad ako. Paano ba naman kasi, yung tropa niya na lalaki pinagselosan ko. Hanggang hindi ko natiis, pinatay ko yung tropa niya.
.
.
.
.
.
.
joke. Ano ako killer?
"Pero pag akin,akin. H'wag ka ng makikiepal."
Dahil mahal na mahal ko si Lance, Sinundan ko siya sa kung saang Unibersidad siya nag enroll.
St. King University.
Ang isang paaralan na may malangintong tuition fee, kahit nga pagkain sa canteen mala-ginto rin. Isama narin natin yung mga estudyante HAHAHA XD.Kaya naman in the name of love,
araw-gabi akong nagsunog ng kilay na halos wala ng matira. Para lang makapasa sa entrance exam at makakuha ng scholarship. Dahil sa 'The Power of Love' nakapasa ako kahit nag rank number three lang. Sorry, hindi nakayanan ng katalinuhan ko ang mga question na pang miss world.Ayos na ang lahat. Buo na ang buhay ko.
Hindi nagtagal naging kami ni Lance.
"Akala ko, panaginip lang ito, pero hindi."
"Akala ko hindi magiging totoo"
"Ngunit, hindi ko inaasahang darating ang sisira sa pangarap ko"
"Akala ko, panghabang buhay na ito, hindi rin pala."
"The Last Day"
Written by: AnthonyCenon