I'm in love with my Best friend's Boyfriend.

25 4 0
                                    

Hi, I'm Vfhamiah but my friends use to call me Miah. Mahirap daw kase bigkasin ang pangalan ko kahit hindi naman talaga, medyo lang. Medyo din sa Spelling.

I'm with my best friend, andito kami sa park habang hinihintay namin yung boyfriend nya. Habang hinihintay ang boyfriend nya nag ikot-ikot kami sa park para malibang. Habang nag-iikot di ko maiwasang isip yung boyfriend ng best friend ko. Yes, crush ko ang boyfriend ng best friend ko pero crush lang naman. Yan lagi sinasabi ko lagi sa sarili ko, "Crush lang dapat" ayoko ko kaseng mag-away kami ng best friend ko dahil sa kanya.

"Miah, malapit na daw si Quevin (Kevin)" kinabahan agad ako ng marinig ko ang pangalan nya. Ewan ko ba, marinig ko palang pangalan nya para na akong naiihi. Haay, pero kailangan kong pigilan yung nararamdaman ko kase baka mag away kami ng best friend ko pag nalaman nyang may gusto ako sa boyfriend nya.

"Ah, sige Kesley. Hintayin mo nalang sya dito, pupunta lang ako ng CR" sabi saka tumalikod at agad hinanap ang CR.

Pumunta ako sa CR para hindi ko Makita si Quevin or should I say ayoko silang makitang magkasama. Ewan ko ba, basta tuwing mag kasama sila naiinis ako, nag seselos ako, lalo na pag ang sweet nila dalawa, gusto ko ako yung kasama ni Quevin pero bawal naman kase hindi naman ako yung girl friend nya. Nakakaloka talaga.

"Haaay, kailangan ko na talagang mag move-on. Wala ng pag-asa e. Masaya na sila ni Kesley at ayokong masira ang friendship naming dalawa." sabi ko sa sarili habang nag aayos ng buhok.

--------

Matapos mag cr, bumalik ako sa kinaroroonan namin ni Kesley kanina. Pero hindi ko nagustuhan ang naabutan ko. Si Kesley at Quevin, they're kissing each other. Hindi ko kinaya ang mga nakita ko, umalis ako dun, tumakbo ako ng tumakbo habang umiiyak. Ganito pala yung feeling, yung feeling na nakita mong may kahalikang iba ang taong mahal mo, feel ko pasan ko lahat ng problema sa mundo. Ang bigat sa pakiramdam, hindi ako makahinga para bang gusto ko ng mawala bigla sa mundo.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko takbo lang ako ng takbo. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tinext si Kesley na mauuna na akong uuwi para hindi na nya ako hanapin.

Habang nag t-text bigla nalang ako nakaramdam ng panghihina at pang lalabo ng mga mata. Hindi ko namalayang naka salampak na pala ako sa kalsada, duguan, hinang-hina, lumpo.  Marami akong naririnig pero hindi ko alam kung ano -ano ang sinasabi nila, hindi ko maintindihan ang pinag sasasabi nila.  Hanggang sa may naaninag akong tao,hindi lang basta tao. Sya ang taong mahal na mahal ko una pa lang. Si Quevin.

"Quevin" biglang lumabas sa bibig ko.

Ngayon ko lang na-realize na hindi ko lang pala crush si Quevin. I've fallen for Quevin, I've fallen for you, Quevin. I've fallen in love with my bestfriebd's boyfriend, and Then Everything went black.

End.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I've Fallen For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon