The Beginning of the past

22 1 0
                                    


*Author's POV

"Hilda! Pakiusap! Sa iyo muna ang anak ko! maawa ka!" Pagmamaka-awa ng Lalaking mukhang mayaman na ngayon ay nakaluhod sa isang Babae na siguro ay nasa 40 na.

"Malaki ang utang na loob ko sa pamilya nyo Harold, kaya kahit gustuhin ko hindi ko magagawa kilala mo naman yung asawa ko at tsaka 5 na ang anak ko baka hindi ko na kayanin" Pagtanggi ng babae na naka-upo sa sofa na si Hilda

"Akong bahala!" Sabi ni Harold sabay pawi ng luha nito sa kanyang mukha.

"Akong bahala sa pinansyal na pangangailangan nyo ng pamilya mo. Buwan-buwan ko kayong papadalhan ng pera" Pagmamaka-awa ni Harold.

Nasa isip ni Hilda. Malaking bagay na iyon para hindi na magalit sa kanya ang kanyang asawa.

"Sige, pumapayag na ko." Sabi ni Hilda at inalalayan tumayo si Harold.

Tuwang-tuwang naman si Harold at inayos ang sarili para hindi mahalata na umiyak ito. Nagtungo sila sa  Sala nila Hilda para tawagin ang isa sa tatlo nyang magagandang anak  na babae na halos magkakamukha at siguro ay nasa 3 taong gulang

"Come here Laurasia" sabi ni Harold sa kanyang anak na naka-cap na may letrang L.

"Dito ka muna kay Tita Hilda ha?"

" Why Daddy?" takang tanong ng Bata

"She just want you to be here! isn't nice?" masayang sagot nito sa anak na para bang walang problema.

"Until when po?" Nanigas si Harold sa pagkakaluhod. Hindi nya alam ang isasagot sa anak. Dahil siya mismo hindi rin alam ang sagot.

Hanggang kelan nga ba?  tanong ni Harold sa sarili

"Until I came back! Susunduin kita dito pag-ayos na ang lahat ok?" Tumango naman ang bata.

"Halika ka dito Laurasia! dito ka muna sakin ha?" Mabait at maamong sabi ni Hilda.

Tumayo si Harold at hawak pa ang dalawa niyang anak sa magkabilang kamay at tumapat kay Hilda na ngayon ay hawak na ang kanyang isang anak.

"Ingatan mo siya Hilda. At hanggat maaari wag mong sasabihin sa kanya ang tunay nyang pagkatao. Babalik ako. Babalikan ko siya" Sabi ni Harold at may luhang tumulo sa kanyang mga mata. Inabot naman nito ang isang Brown Envelope na naglalaman ng mga papeles ng bata.

"Siya na ngayon si Isha Lopez" Dagdag nito

"Tara na mga anak, pupuntahan pa natin yung iba nyong tita" Sabi nito sa dalawa pa nyang anak.

Walang kaalam-alam ang magkakapatid sa ginagawa sa kanila ng kanilang Ama.

Nagpunta si Harold sa isa na namang kakilala.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Talaga!? sigurado ka ba dyan?" Gulat na tanong ng kausap ni Harold

"Oo, kung maaari dito muna si Brittany hanggang sa matapos ang gulo sa Palasyo. Pangako ako bahala sa pinansyal na gastos nyo basta alagaan mo ang anak ko" Paliwanag ni Harold

"Kung pag-aalaga ng anak walang problema sakin yan kasi gusto din naman ni Carl na magkaroon ng kapatid at gusto ko na din ng anak na babae" Sabay tingin sa mga batang naglalaro sa kanilang sala.

"Pero teka, alam ba ni Narnia itong ginagawa mo?" tanong ng babae kay Harold.

Napatigil naman ito at nagsalita.

"Hindi. Wala syang alam dito" Sabi nito sabay hagod ng mga palad nya sa kanyang mukha.

"Sabihin mo! Magagalit yun kapag hindi nya nalaman yung totoo!" Sigaw ng babae

The EmpressesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon