Currently life

13 1 0
                                    


*Isha Lopez POV

"Hoy Isha! gago ka talaga! Pati ba naman bata?" Sabi ng kaibigan ko si Kaloy habang hinahabol ako sa hallway ng school namin.

"Hahaha! Tangina kasi pahara-hara ayan tuloy nabatukan ng isang Isha Lopez" Pagmamayabang ko sa kanya.

Sinong hindi maiinis? Nakaharang sa daan ko. Nagmamadali na nga kaming papunta sa next subject ko eh tss tas nanghihingi pa ng autograph. Alam ko medyo rude ang naging kilos ko pero wala ako sa mood~~~

oh? nagtataka ba kayo kung bakit nanghihingi yung bata ng autograph?

Ay oo nga pala hindi nyo pa ko kilala.

*Ahem *Ahem!

Ako si Isha Lopez. 17 years old. Only girl at Vocalist sa bandang "Ingrid". Well only girl pa rin naman ako sa bahay dahil meron akong 5 gwapong-gwapong kapatid na lalaki at sila din yung mga kabanda ko. Galing no? kaya wag na kayo magtaka kung ganito ako kumilos o magsalita.

Simpleng buhay lang meron kami kahit papaano naman eh nakakaraos hanuuu daw?

Pero hindi ko talaga makakaila na sikat ang Banda namin dito sa school. Lagi kaming may performance every events dito sa school. And dahil nga medyo sikat kami sa school may mga tao din na gusto kaming mag perform sa ibang events outside this campus. Well nagbabalak na din naman sila kuya kasi December na maraming mga events ang ginaganap diba?

"Hoy tanga! dito room natin!" Sigaw sakin ni kaloy.

Lumagpas na pala ako.

"Che" sabi ko sabay tulak sa kanya at pumasok na kami sa room.

Si kaloy sa dulo nakaupo ako sa unahan. Yeah sa unahan. Ayoko sa dulo dahil wala akong naiintindihan sa mga tinuturo ng teacher namin, another Yeah dahil kahit ganto ako mas pina-prioritize ko parin ang pag-aaral ko. And para sa kaalaman niyong lahat I'm one of the top students here.

"Okay class! malapit na ang Christmas vacation natin"

Panimula ng teacher ko.

Yung mga kaklase ko naman hiyawan at palakpakan dahil sa tuwa well sino bang hindi matutuwa party party na ituuuuuuu!

"Quiet!! So dahil magbabakasyon na, gusto ko sanang ma-take natin yung last lesson natin sa History" Sabi ni Sir Dy

Pagkasabi ni Sir  nun ang daming nadismaya. Syempre naman dapat halos wala na kaming gagawin dahil magbabakasyon na tapos eto kami may ite-take pang lesson. Wala naman saking kaso yun pero sa iba ginagawang Big Deal -.-

"Wag kayong mag-alala mga 2 days lang natin pag-aaralan to." Dagdag ni Sir

2 days lang? History yun te! hindi basta-basta.

Tinaas ko yung kamay ko kasi curious talaga ako kung bakit 2 days lang.

"Yes, Miss Lopez?"

"Sir, bakit 2 days lang?" tanong ko

"Ano ba yan Isha! ayos nga yun eh!" Sigaw ni kaloy mula sa likod.

"Kasi isang bansa lang ang pag-aaralan natin. Yung history lang ng bansang iyon." Ohhh okay.

" Ang bansang Schuck"

Schuck? may ganon ba? halos lahat ng classmate ko nagbulungan kasi naman bago lang sa pandinig namin yun.

"Oh? hindi nyo alam? Talaga palang dapat nating pag-aralan ang bansang yun mas...."

*tok tok tok

Naputol yung pagsasalita ni Sir dahil sa kumatok haaay panira. Binuksan ni Sir yung pinto at nakita namin yung isa sa mga faculty teacher at may sinabi siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The EmpressesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon