George's Pov
"Miss ito bayad."
"Naku okay na, libre ko nalang yan mr. Pogi, basta dito ka nalang lagi bumili ha?" Sabay pa cute. Natapos palang ang klase at bumili ako ng street foods, paborito ko kasi yung fishball.
"Hindi na, tanggapin mo na tong bayad." Ayokong magkaroon ngnutang na loob kaninuman. Napasimangot naman ito.
"Akin na nga yan. Ang sungit mo naman ako na nga tong nagmamagandang loob." Pabulong niya pang sabi pero dinig ko pa din. Kinuha na naman niya yung pera.
"Ito na yung sukli. Hoy! Bat ka umalis, yung sukli mo!!!" Sigaw pa niya. Pagkatapos kong ibigay yung pera nainip ako maghintay sa sukli kaya naglakad nalang ako. Note, mabilis akong maglakad.
"KEEP THE CHANGE!!!"sigaw ko dun sa nagtitindang babae. Mukhang may gusto sa kin ang isang yun- kaso nagalit ata.
*****
"Oh insan, ayos na ba kayo?" Si Clinton, pinsan ko.
"Wala akong balak." Walang gana kong sabi. At bakit pa eh matigas din yun siguradong hindi kami magkakabati nun.
"Matapang ka din talaga. Kaya mong makipagsabayan sa tulad naming mga lala-----"
"Just shut up." Pinutol ko yung sasabihin niya. Naiinis ako pag ikinukumpara ako sa mga tulad nila. Mga tulad nilang lalaki, oo hindi naman ako lalaki. In short lesbian.
"Whoah! Ang bilis mo namang mapikon insan. Cool ka lang." Tapos nun tumingin siya sa likod ko. "At andiyan na pala siya." Sabay tayo." Iwan ko na kayo, mag usap kayo at magbati. Okay?" Ngayon seryoso na siya, may pagkabipolar yan.Mas matanda siya sakin pero madalas may pagkaisip bata, at minsan naman magseseryoso yan pag may gusto siyang maayos na bagay. Tulad ngayon.
"Spare it." Sabi ng nasa harap ko.
"Wala akong sasabihin." At ang kapal naman talaga niyang ako ang paunahin, guato lang naman niya na magpakababa ako sa harap niya. No way.
"Ano ka ba Zane, stop pretending like that. Babae ka pa rin kaya ginawa ko yun." Sa sinabi niya umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Dahil dun di ko napigilang suntukin siya sa mukha, totally nosebleed. Ang pinakaayaw ko yung tinatawag akong isang---- isangggg*** never mind.
"You don't have to care kung ano ang mga gusto kong gawin sa buhay ko. Anyway wala ka din namang paki kasi kahit kailan di naman tayo nagkaibigan ng totoo." Yun lang sinabi ko at umalis na. Ayokong makita pagmumukha niya.
They all say im a hansome girl amd a pretty boy. Hindi ko alam kong paano. Basta paggising ko nalang sa mundong ito, ganito na ako. Isang tomboy.
Isa akong rebeldeng anak, suwail daw ako. Di nila ako masisi kasi kung tinanggap lang nila ako --- na ganito talaga ako sana isa akong mabuting anak sa kanila. Pero hindi eh, ayaw nila at masakit yun sakin kaya naging mas ganito ako. Naglayas ako at lumayo dahil nga ipapa enggage daw nila ako sa isa sa anak ng business parter nila.
Napadpad ako dito sa Filpraudge academy sa tulong ng pinsan kong si Clinton. Nagbago din ang lahat sakin, dati kasi pinipigilan pa ng parents ko ang pagkaboyish ko pero ng wala na ako sa poder nila hinanap ko ang sarili ko. Yung totoong ako, nagpagupit ako ng buhok at nagbihis ng boy outfit.****
Gabi na. Lumabas muna ako ng dormitory ko at pumunta sa paboritong lugar ko dito sa Flipraudge academy. Malawak tong school, ang totoo isa itong boys school pero nakapasok pa din ako sa tulong ni Clinton kasi isa sa mga student council dito sa academy kaya medyo di na kami nahirapan. Tumatanggap lang din ako ng scholarship para naman mabawas bawasan ang gastos ko, di sa pagyayabang pero matataas mga grades ko , isang cause kaya napadali akong makapasok dito sa F-academy at nakakuha pa ng scholarship.
Umupo na ako sa red bench na paborito kong palipasan ng oras. Mayabong din ang kalapit na red leaf tree dito sa bench, sobrang magaan ang pakiramdam ko sa lugar na to kaya dito ako napapadalas lalo na pag gabi.
Tumingin ako sa langit. I closed my eyes.
"Alam mo bang delikado na pag gabi?" Napadilat ako. Anong ginagawa niya dito?
"Wala kang pakealam, pwede ba umalis ka nalang." Ķaibigan ko naman talaga siya kaso lagi siyang nakikialam sakin na yun yung pinaka aayawan ko sa lahat. Parang naaalala ko lang sa kanya ang mga magulang ko.
"Zane listen, hindi mo pa rin ba napapansin?" Parang nalilito siya.
"Tang** ano bang dapat kong pansinin Bryle?" Malakas kong tanong sa kanya. Wala naman talaga akong alam sa sinasabi niya. Hindi naman kami dating ganito. Simula ng mapunta ako dito sa academy siya yung unang nakaalam sa pagkatao ko sa kadahilanang bsstfriend sila ni Clinton. Hindi ko naman alam na mabilis niya akong mapupuna, kasi nga mukha na talaga akong lalaki. Ni hindi ko nga makilala ang sarili ko noong nagbago na ako, di ako makapaniwala sa nakikita ko sa salamin. Ang sabi ko noon sa sarili ko, ito talaga ako at walang makakapigil sa kin.
"Zane makinig ka sa sasabihin ko." Ewan ko pero sa tanang buhay ko ngayon palang ako kinabahan ng ganito. Tumingin lang siya ng deretso sa akin, parang di siya mapalagay.
"Stop calling ne Zane, George is my name." Tinago ko pa rin ang kaba ko at akmang aalis na nang hawakan noya ang braso ko.
Napaharap ako sa kanya."What?"
"Sa simula palang Zane hindi ko na talaga maalis ang mga mata ko sayo. I know this is gay but ..... I-I really l-like you." Di ko siya maintindihan, noong una palang talaga ramdam kong palagi siyang tumitingin sakin. "First time i saw you i know you're a girl kahit di pa sinasabi ni Clinton sakin. I knew it because i saw it on your face, your lovely face and a lovely girl behind those boys outfit and boy hair cut."
I did'nt know but i just stunned there. Wala akong masabi. Di ko alam pero napabilis ang tibok ng puso ko. No way. Naramdaman ko na to DATI, pero sa isang babae.
BINABASA MO ANG
Nothing...But a Girl
Teen Fictiona GIRL, that likes toy guns not barbie doll likes basketball not volleyball likes t-shirts not short skirts and like girls instead of boys... is she a lesbian? wala na bang magbabago dun? Who is she??? a lesbian?