Wattpad Love (one-shot)

3 1 0
                                    

"Hoy Abigael tumayo ka na nga dyan! Lagi ka na lang babad sa computer! Dapat ata ipaputol na natin ang wifi ng makatulong ka naman sa gawaing bahay nakuuuu!" Kita mo tong si mama, parang kiniskisan ng sili ang pwet, sobrang hot eh.

"Ma naman eh, weekend naman ngayon ah!" Maktol ko

"Naku! ikaw bata ka talaga, bantayan mo muna itong bahay mamamalengke lang ako!" Sabi ni mama sabay alis ng bahay

Nagtitipa naman ako sa keyboard ko dahil gumagawa ako ng storya sa paborito kong website... ang wattpad, nang biglang may nakaagaw ng pansin ko.

black_poet commented on your story "My hopeless romantic love"

"Ang korni naman ng story na ito. Dapat dito sinasarili na lang."

Tila naman naginit ang dugo niya sa kanyang nabasa, parang walang puso ang black_poet na ito, tao lang din siya, nasasaktan... may nararamdaman

"Kung hindi mo gusto ay pwede namang wag mo na basahin, pasensya na at hindi nagustuhan ng panlasa mo ang sinusulat ko. :)" Pilit pa niyang kinakalma ang kanyang sarili, pero hindi niya na matiis ng mabasa ang sagot ng lalaki

"Hindi ko naman talaga gusto basahin, binasa ko lang naman 'to para laitin."

"Ang sama mo." Tipa niya sa kanyang keyboard, naguulap na ang kanyang paningin dahil sa pagsusulat niya na nga lang nilalabas ang kanyang saloobin pero may nanghusga pa

"Alam ko... at ang korni mo. Masyado kang cheesy, nakakasuka." Hindi na napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Kung sino man ang nasa likod ng black_poet na ito ay siguradong wala itong pandama.

"Ang manhid mo, hindi mo ba alam na nasasaktan mo ang damdamin ko? Tumigil ka na please." Sagot niya, nahihirapan na siya sa pagtype dahil sa kanyang mga luha

"Ayokong tigilan ka." Sagot sa kanya ni black_poet.

Kung ayaw mong tumigil ako na lang ang titigil... saad niya sa kanyang sarili

Kinabukasan...

Andito na ako sa school... grabe, namamaga ang mata ko, kasalanan ito lahat ng black_poet na iyon.

Naupo na ako agad sa aking silya, dumukdok ako, wala ako sa mood para makipag-usap ngayon

"Anong problema?" Hindi na ako nangahas na tignan pa kung sino ang nagsalita..

"Ah. wala, masama lang ang pakiramdam ko." Kasinungalingan...

Naramdaman ko na lang na itinaas ng katabi ko ang aking balikat dahilan para mapa-ayos ako ng upo

"C-Cloud?!" Kandautal kong sabi... hindi ko inaasahan ito

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" Nakita ko naman ang mukha ni Cloud na halatang nagpipigil ng tawa

"Kasi ano eh..." ayos, ang ganda ng sagot mo Abi! Lakas maka bad shot ng sagot mo sa crush mo eno!

Si cloud na halos limang taon na niyang gusto, na hindi niya ba alam kung bakla ba ito dahil para itong walang nararamdaman sa kanyang mga da moves

"Oy abi! May wattpad account ka ba?" Ang ganda ng singit nito ah!

Ah, yung kumag lang pala na bestfriend ni cloud, si Justine...

"Meron." Tipid kong sagot, nakakailang naman dahil wagas siya kung makatingin sa akin...

Hindi niya din naman maiwasan na mapatingin kay Justine, may itsura din ito... parang ngang mas pogi ito kumpara kay cloud ngunit hindi niya talaga maintindihan ang kanyang puso na si cloud lang ata ang sinisigaw

Itutuon niya na dapat ang kanyang atensyon kay cloud ng sumingit na naman ito

"Ano username?" Absgakshsvwua pigilan niyo ko, kikitilan ko ng buhay to!

"shortcake_strawberry"

"Ah okay, may nagmemessage ba sa iyo ng masasakit na salita?" hindi ko alam kung ngisi ba iyong nakita ko sa kanyang mukha.

"Hindi naman siguro maiiwasan yon." sagot ko.


Lumipas ang araw na para akong lantang gulay, nakausap ko naman si cloud... dapat ngayon ay nagpa-party party ako, pero kainis kasi yung black_poet na iyon hindi maalis sa isip ko.

Andito ako ngayon sa bus, salamat at makakauwi na rin

biglang naagaw ng pansin ko ang isang lakaking hawak ang kanyang iphone

nasa website ito ng wattpad...

black_poet

pagtingin ko sa lalaki

Laking gulat ko...

"Justine..." Bulong ko pero alam kong narinig niya ako dahil nataranta siya sa paglagay ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa

"Abi?" Nawalan ng kulay ang mukha nito... halatang kabado

"Ikaw si black_poet?" Naguguluhan na ako...

"Oo ako si black_poet abi... pasensya na sa mga masasakit na salita na nabitawan ko..."

"Ha?" takang tanong ko

"Pasensya na... gusto ko lang naman na mapansin mo ako..."

"Ang manhid mo, hindi mo ba alam na nasasaktan mo ang damdamin ko? Tumigil ka na please." Sagot niya, nahihirapan na siya sa pagtype dahil sa kanyang mga luha

"Ayokong tigilan ka." Sagot sa kanya ni black_poet.

Si justine at si black_poet ay iisa?

"Palagi na lang kasi si cloud ang napapansin mo, hindi mo lang ramdam pero andito din naman ako..."

"Oy abi! May wattpad account ka ba?" Ang ganda ng singit nito ah!

Ah, yung kumag lang pala na bestfriend ni cloud, si Justine...

"Pwede bang ako naman? sa ilang taon na pagsunod mo kay Cloud... hindi mo alam nandito din naman ako... nakasunod sayo"

Itutuon niya na dapat ang kanyang atensyon kay cloud ng sumingit na naman ito

"Ano username?" Absgakshsvwua pigilan niyo ko, kikitilan ko ng buhay to!

"shortcake_strawberry"

"Ah okay, may nagmemessage ba sa iyo ng masasakit na salita?" hindi ko alam kung ngisi ba iyong nakita ko sa kanyang mukha.

Kaya pala... ilang taon na nga siya nitong kinukulit... bakit hindi niya nahalata

"Ako si black_poet abi, kahit na ipagtulakan mo ako, pasensya na pero mahal kita at...



Ayokong tigilan ka."

---
Kauna-unahang one shot ko, pasensya sa mga nagexpect hahahahahaha labyu sa nakaabot hanggang dulo, napahaba eh, mwa!

Wag maging plagiarist... bad yon

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wattpad Love (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon