I got up from my bed. Bago ko gawin ang ritwal ko tuwing umaga, I prayed first to thank God for keeping me alive. And then I checked my phone.
Una sa inbox ko ang message ng bestfriend ko.
"Bench photoshoot today brat! Don't be late." I smiled and replied to her.
"Im awake. And get rid of brat thing please."
My bestfriend Aya Aparece is an actress. Sikat na sikat at hayop naman talaga ang kagandahan. Mataray siya, maarte at hindi masyadong friendly. And me, Clandestine Villaroel is a model. We're both famous pero iba ang level ng kasikatan ni Aya.
"Siiis!!!" gigil akong niyakap at bineso ni Aya ng makarating ako sa venue.
Nag usap kami saglit pero di rin nagtagal pinagbihis na kami ng mga staff para simulan na ang photoshoot.
Black fitted jeans and cropped top ang ipinasuot sa akin and fierce make-up. Nagmukha akong maldita!
"Ang ganda mo sis" puri ni Aya sa akin.
Napangiti ako.
Feeling flattered. Ramdam ko rin ang tingin ng mga tao sa amin na nandoon sa photoshoot.
"And you're gorg." Balik ko sa kanya.
"I know!" sagot naman niya sabay tawa na parang witch.
Sanay na ako sa pagiging ganyan niya kasi hindi niya talaga kayang magpaka humble pagdating sa ganda niya.
Halos dalawang oras din ang tinagal ng photoshoot at nagpasya kaming kumain sa isang resto.
"Mag mall nalang din kaya tayo sis tapos doon nalang tayo magdinner." Suggestion niya . Mabilis akong umiling.
"No. Aya dudumugin ka ng fans mo doon."
"Fans ko lang? pa humble ka na naman! Eh mas marami ka pang fans kesa sa akin."
"Tsss." Umiling-iling ako.
"Hindi pwede, masyadong maraming tao doon."
Sa huli napagkasunduan namin na sa isang fancy resto kami kumain still wearing our fierce make-up. Halos pinagtinginan kami ng lahat ng tao pagpasok namin sa resto at mukhang nakilala kami agad.
**
"OMG! Si Clandestine at Aya!" bulong ng isang teenager sa mga kaibigan niyang kasama.
"Papicture tayo!" tumayo silang dalawa at lumapit sa table namin. Nahihiya pa silang lumapit sa amin kaya nginitian ko nalang sila para hindi masyadong ma intimidate. Si Aya naman poker face lang.
"Uhm... pwedeng papicture? Grabe fan niyo po kami! Ang ganda niyo!" halos natataranta na yung isa sa kanila pagkasabi niya niyan.
"Sure!" tumabi silang tatlo sa amin ng marinig ang pag sang-ayon namin and took photos.
"Thank you po Ms Aya at Ms. Clandestine!"
"Yeah sure." Walang ganang sagot ni Aya sa kanila. Nagkatinginan silang tatlo at akala ko magagalit sila o mao-offend sa inasta ni Aya pero ngumiti lang sila at sinabing...
"Ang cute mo talaga Ms. Aya pag naiinis!" nagulat si Aya sa sinabi ng babae.
"One of the reasons why we like you because you're true. " dagdag ng isa sa kanila. Ngumiti si Aya sa kanila. Totoong ngiti. Hindi siya nagpapanggap in public na mabait at yan ang dahilan kung bakit gustong-gusto siya ng mga fans niya. Hindi plastic.
"Thank you girls." Sincere niyang sinabi.
After that, wala ng nang istorbo sa amin ni Aya. Hindi din naman kasi marami ang tao ditto ngayon kaya tahimik kaming nakakain.
BINABASA MO ANG
Clandestine
HumorClandestine Villaroel. Her name shouts secret. Mayaman. Maganda. Kilala ng lahat. Pero dahil sa death threats na natatanggap ng pamilya niya, mapipilitan siya’ng magpanggap na ibang tao. Lahat sa buhay niya magbabago once she became…… A nerd.