Sinalubong ako ni Yaya Pacing pagkadating ko ng mansiyon.
"Clandes, diyos kong bata ka kanina ka pa hinihintay ng Mama mo!"
Alalang-alala ang mukha ni Yaya at kinabahan ako agad. Ramdam ko'ng may malaking problema. Dumiretso ako sa office ni Mama at nasa labas pa lang ako dinig ko na ang pagtatalo ng mga magulang ko.
"Ano nang gagawin natin ngayon?! Sunod-sunod na ito Fernando at natatakot na ako para sa kaligtasan ng anak natin!" dinig ko'ng sigaw ni Mama.
Hindi muna ako kumatok at patuloy na nakikinig sa usapan nilang ako ang laman.
"Just give me time at hahanapan ko ng solusyon ito." Kalmadong sabi ni Papa.
"Wala ng oras! Hindi natin alam kung kailan sila kikilos! Kailangan mailayo natin agad ang anak natin ditto!"
Napasinghap ako. Mailayo? Bakit?
"Hindi natin siya ilalayo baka lalo siyang mapahamak!" sigaw ng Papa ko.
"Kung ganoon, kailangan natin siyang kumbinsihin sa naiisip kong plano."
Pumasok ako at pareho silang gulat na napatingin sa akin. Tiningnan ko sila ng naguguluhan.
"ma? Pa? Ano bang problema? Ba't kailangan niyo ako'ng ilayo?"
Pinaupo ako ni Mama at sinabing sunod-sunod na death threats ang natatanggap nila galing sa mga kalaban ni Papa sa negosyo. At ako ang pinupuntirya. Matagal na din pala nila ako'ng pinapasundan ng bodyguards para sa safety ko. Hindi ko man lang nahalata.
Kinabahan ako para sa sarili ko at para sa pamilya ko.
"A-ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ko sa kanila.
"Gustuhin ka man naming ilayo, pero delikado pa rin. Hindi natin alam kung ano ang kayang gawin ng mga taong gustong magpabagsak sa atin." Sabi ni Papa na nakalapit na rin sa akin.
"Isa lang ang naiisip ko'ng solusyon."
Pareho kami ni Papa na nakaabang sa susunod na sasabihin ni Mama.
"Magpapanggap ka'ng ibang tao."
**
"What?!!"
Yan lang ang nasabi ni Aya matapos ko'ng sabihin na pagiging NERD ang solusyon ni Mama sa kinakaharap naming problema ngayon. Yes, nerd. Hindi ko alam ko'ng matatawa ako o ano ng sinabi ni Mama sa akin yan. Seriously? Clandestine Villaroel isang nerd?! Oh please. I hate that character in movies and books! And I never thought I'd be one.
Hindi pa nakakarecover si Aya sa narinig ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Si Mama. May mga bitbit na kung anu-ano.
"I know that my idea is a little bit insane pero Clandes, this will be effective. Hindi ka makilala ng mga tao'ng yun. Matatago ka namin. You'll be safe anak."
"Eh.. tita paano po yan, makikialala pa rin siya sooner or later kung ditto pa rin sya titira diba?" tanong ni Aya. Then it hit me. Tumingin ako kay mama. Nakatingin siya sa akin na parang maiiyak.
"In order t-to make this effective... you need to get a new life Clandes..."
"Lilipat ka ng school at magdidisguise. Lilipat ka din ng bahay. We've decided na sa bahay ka ng kapatid ni Yaya Pacing titira. Kailangan mo'ng magpanggap na mahirap para wala nang mga mukhang pera na pupuntirya sa'yo"
Hindi ko halos ma proseso ang lahat ng mga sinabi ng ina ko. Tina-try ko'ng ipicture ang sarili ko bilang isang nerd, mahirap, at nakatira sa bahay na hindi malaki pero hindi ko mapicture out ! Grabe naman feeling ko biglaan ang lahat ng nangyayari'ng ito.
Biglaan naman talaga Clandes eh. Ah, ewan na nga.
Pagkatapos ng mahabang katahimikan na namutahi sa kwarto, ibinigay ni Mama sa akin ang mga bitbit niya.
Curly wig, as in kulot na kulot! Braces, at makapal na eyeglasses!
"Ma? Ito talaga ang buhok ko?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Kailangan nak! Para hindi ka talaga makilala ng mga tao. Naku, sikat ka pa naman tsaka kailangan nating tabunan ang ganda mo para hindi ka mapansin, okay?" paliwanag ni Mama.
Grabe talaga, magpapanggap na nga akong mahirap, magiging panget na panget pa ako! Paano ko ba haharapin ito?! Makakaya ko ba?

BINABASA MO ANG
Clandestine
HumorClandestine Villaroel. Her name shouts secret. Mayaman. Maganda. Kilala ng lahat. Pero dahil sa death threats na natatanggap ng pamilya niya, mapipilitan siya’ng magpanggap na ibang tao. Lahat sa buhay niya magbabago once she became…… A nerd.