Chapter 2- The word "Malas"

25 0 2
                                    


Tiffany's POV

"If i got locked away, and we lost it all today..tell me honestly, would you still love me the same? If i show you my flaws..if i couldn't be strong, tell me honestly would you still love me the same?"

Hayyy ansarap sarap maligo sa isang mainit na hapon na kumakanta ka pa habang bumubuhos yung tubig .. hahahaha mamayang 4 daw ang arrival ni kuya dito sa Pinas kaya ako nagpeprepare na dahil 2:45 na... 50 mins ang pagpunta dun sa airport at kung may traffic pa baka higit isang oras ang byahe

Sila mommy daw pumunta muna ngayon sa office kasi may meeting daw sila with their new business partner..pero still, may time pa rin sila samin, sa pamilya nila..di pa din alam nila mommy na uuwi si kuya kasi nga surprise daw... yung plano niya actually, sobrang simple lang...

Flashback...
"Simple lang... after tomorrow ng gabi tutal sunday naman sa susunod na araw, yayain mo sila mommy na manuod ng movie.. and since spoiled ka sa kanila pagbibigyan ka nun." Sabi ni kuya sakin

"Duhhh! Di ako spoiled noh! Konti lang hehe..anyway, tapos?" Sabi ko

"Sus..kunwari ka pa.. yun nga manood kayo pero habang nanonood kayo, ako pineprepare ko na yung lulutuin ko..mga favorite ni daddy at ni mommy.. then text me kung malapit nang matapos yung movie para maayos ko na yung table.. then yayain mo sila para kumain na ng dinner..yun na" -kuya

"Sus..madali lang pala eh.. sige sige... anong oras ka pala uuwi bukas?" Tanong ko kay kuya

"4 arrival ko diyan so mga more or less uhmm 4:15 ako makakalabas ng airport" sabi niya sakin

"Ok sige.. hihintayin kita ah..bye" sabi ko sa kanya at inend ko na yung call..

End of flashback..

Miss ko na si kuya!!! Huhuhuhuhu bilhan ko kaya siya ng regalo tutal yung airport naman sobrang lapit lang sa mall namin

2:50 na at tapos na akong magbihis, mag ayos lahat lahat na hahahaha..kaya bumaba na ako at tinawag ko na si Kuya Marlon

"Kuya, punta tayo sa mall namin then deretso tayo sa ***** airport" sabi ko sabay sakay sa kotse

"Sige po maam, pero bakit po tayo pupunta sa airport?" Napangisi ako sa tanong ni kuya Marlon

"Makikita mo din kuya hahaha..sige na po punta na tayo" sabi ko at napachuckle na lang siya.. lets go!!

---'-''-'--

After ng ilang minuto nakarating na kami sa mall namin.. 3:30 na at bibilisan ko nang bumili ng regalo..

"Hmmmmm..ano kayang pwede kong iregalo kay kuya?" Tanong ko sa sarili ko

Naglibot ako sa isang floor na puro panglalaki lang ang mga binibili dito.. sa isang floor ang para sa babae

Naglibot libot ako at naisip kong bilhin na lang siya ng apple watch.. alam kong may sobrang pera siya pambili ng watch na apple pero the money doesnt counts right? Ang mahalaga galing sa puso! Oha! Hahahaha

Nakabili na ako syempre binayaran ko pa rin kahit sa amin ang mall.. pinabalot ko na ito sa wrap my gift stall sa ground floor.. then pumnta na ako sa kotse namin na naghihintay sakin si kuya marlon

"Kuya halika na po... less than 15 mins na lang bago mag 4..deretso na tayo kuya sa airport" sabi ko then sumakay na ako

"Yes maam" sabi sakin ni kuya Marlon

Hayyy excited na akong makita si kuya!! Kelan ko kaya ito ibibigay kay kuya?

Ayyy bahala na nga! Basta excited akong makita siya!!

Campus Life With TiffanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon