Ngiti

4 0 0
                                    

NGITI
by: Cold Coffee

Hindi ba't kay sarap masdan ng isang taong nakangiti lang?
Nakabanat ang malarosas na labi't mga ngiping ang puputi na akala mo walang problemang itinatago sa likod ng mga ngiti...

HINDI!!…

gaano ba katotoo ang mga ngiti na ang tanaw lamang ay ang labi?
Hindi ba't ang bibig ay lagusan papuntang sikmura at hindi tulad ng mga mata na mensahero ng ating puso.
maaari lamang matapos mabighani sa ngiti ng labi'y isunod ang mata na tanungin kung ano nga ba ang nasa damdamin.
Sapagkat oo, kaysarap pakinggan mula sa isang tao na magwikang sya ay ayos lang,
nagbreak kami, ayos lang.
may problema ako, ayos lang.
sinaktan nya ako, ayos lang.
pinagpalit nya ako, ayos lang.
niloko nya ako, ayos lang.
tinampal nya ako, ayos lang.
sinuntok nya ako, ayos lang.
sinaksak nya ako, ayos lang.
binaril nya ako, ayos lang.

diba parang tanga lang..

kasi ilan mang ngiti ang ipakita mo dyan, ilan mang ulit ng ayos lang.
mananatili ang katotohanang panalo sya, lugi ka't naisahan ka nanaman.
at patuloy kang masasaktan
kung patuloy mong iaayos lang at ingingiti nalang

sana naman,
matutunan mong tanggalin yang maskara mong ang sabi mo kasiyahan at matutong lumaban,
harapin ang problema ng buhay na palagi ka nalang pinahihirapan at sana naman,
balang araw ito'y iyong pagtagumpayan at balang araw  ito'y iyong pagtagumpayan at yung totoo lang ika'y maging ayos lang.
ayos lang.

NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon