First story ko po to. Hope you will like it! ENJOY READING
**************************************************************************************************
"Oh lala! here comes Mr. Crushie," kilig na wika ko sa aking isipan habang nakatunganga sa pinakafafable na lalaking nakita ko ever.
PAUSE.
Mamaya niyo na i-continue after I introduce myself.
Ako si Cielo Marie Abellana, estudyante sa isang university at may part time job sa photocopy center dito rin sa school ko. Hindi ako ganoon kaganda compared to my idol Julia Barretto, mga pang- second lang ang peg ng beauty ko sa kanya.Hahaha (humble effect ang peg:), I have a morena beauty, may pagka- slight tangos din ang nose ko (hindi masyadong pango), I have pouty lips na sabi nga nila ay match na match sa one and only cutie dimple ko sa right side.
PLAY.
" Miss... 41 copies nga nito," sabi ni crushie sabay abot nung testpaper.
PAUSE. May i-shi-share muna ako sa inyo.
Siya ang super, duper ,major major crush, like and love ko si Vance Jared Navarro. I don't have to describe him kasi the words gwapo, cute, handsome and pogi are not enough to describe him. Naks.
Kung magtatanong kayo bakit palagi siyang nandito ang sagot diyan ay dahil ang pretty ate niya ay isa sa mga professors dito. Kaya palagi niyang inuutusan si Jared ay para daw may gawin daw itong matino.
uy hindi si bad boy ha. Mahilig lang talaga siyang maglaro ng basketball kahit class hours niya at hang-out with his friends during a prof's class.
PLAY.
" Miss," iritable niyang sabi.
"S-sorry," nakayuko kong sabi at inabot yung testpaper na kanina pa hawak ni crushie.
Habang nakasalang sa xerox machine ang testpaper ay panaka-naka kong sinusulyapan si crushie. Nkangiti siyang nakikipag-usap sa isang guy. Kinikilig tuloy ako.
Naramdaman siguro ni crushie na may nakatitig sa kanya kaya siya lumingon. Mabuti na lang at mabilis akong nag-iwas ng tingin.
" Ahmm P30.75 lahat sir," sabay abot nung mga testpapers.
"Meron ka bang ballpen?" tanong niya.
Iniabot ko sa kanya ang Hello Kitty ballpen ko.Gosh! gagamitin ba niya ballpen ko?
Kumuha siya nung isang scratch paper sa sulok at doon nagsulat. Mayamaya ay iniabot na ni crushie yung paper with the ballpen and of course his P31.00 payment tapos walang sabi-sabing umalis.Kilig na kilig na sana ako kung hindi ko lang nabasa yung nakasulat...
You know what miss if you want to stare at me you are free to tell me and I'll do it for you because it is my pleasure to stare you with all my heart. Anyway, just keep the change.
Minus pogi points:( Nakakainis naman si crushie . May law na ba today na nagsasaad na bawal titigan ang crush, like and love? Kainis. May keep-the-change-keep-the-change pa siyang nalalaman eh 25 cents lang naman . Hmmmp.
Kinabukasan ay hindi pa rin humuhupa ang inis ko kay crushie kay naman hinihiling ko na sana wag siyang sumulpot dito today.
"Excuse me miss. Isang clear copy nga nito," sabi nung super cute na chinoy guy.
BINABASA MO ANG
PHOTOCOPY (one shot)
Teen FictionSi Cielo ay isang working student sa isang university pero paano kaya kung doon mismo sa photocopy center magsisimula ang kanyang love story?