Chapter 1

333 14 7
                                    

"JIAHNA!!!"

Nagmamadaling lumapit sa kinauupuan ko si Jiahna...naalala niyo pa siya? Ang tibo kong pinsan? No no no...hindi yan tibo kasi may boylet na yan! Naalala niyo pa si superman ko? Sila na po ni Jiah... kung kelan? Nyahahah mahabang kwento. :D

"Ano? May nakita ka na?"

Tumango ako. Pinipigilan ko lang naman po sumigaw. Kasi kinikilig ako lol :D

"Oh? Titingnan mo lang i add mo na!"

"Pano kung di niya ako iaccept? Kita mo nga inunfriend ako ng haneps."

Nag pout ako. ^o^

"Akin na nga!" inagaw sa kin ni Jiah ang laptop at sabay click sa add friend button.

"Ayan na, na add ko na...medyo torpe ka rin nuh?"

"Hindi ako torpe! Nahihiya lang ako! Akin na nga!" sabay agaw ng laptop.

"Nahiya ka pa niyan sa lagay mo! Heler Abeth, whatdaya think sa ginawa mo last year ha? Di ba mas nakakahiya yun?"

"Hmmp..."

Last year... parang kelan lang.

Ang bilis talaga ng panahon. Napapangiti ako sa mga nangyari last year ,kasi may nakilala akong bagong kaibigan...sina Demi, Mikaila, Miles at Chad ^___^ At siyempre yung nanalo kami ni Jao sa couple echuz na yun. :D

Lahat yun feeling ko nangyari lang kahapon, last month. Kasi hindi pa rin yun mabura sa isip ko...lalo na nung gabing umamin ako sa kaniya. Ang gabi na nireject at iniwan ako.

Masakit...

Tinapik ako sa balikat ni Jiah.

"Sorry man Abeth..."

Ngumiti ako. "Wahaha okay lang Jiahna, ikaw umi echuz ka na naman."

Pinitik niya ako sa noo.

"Umeechuz?? Ikaw ang umiechuz abeth nyahahaha kunwari ka pang masaya diyan eh!!!"

"Ewan ko sayo."

Last year...

Ano ba ang nagyari last year...

...nung iniwan ako ni Jao??

***

FLASHBACK...

"Jao..."

"Abeth..."

"Jao, aalis ka na pala, bat di mo sinabi? Diba friends naman tayo?"

"Im sorry..."

"Jao, bakit???"

"---"

"Babalik ka pa ba?"

"Hindi ko alam."

Bigla akong humagulgol ng iyak...

Bat ganun? Bakit parati na lang akong iniiwan?? Bakit? Bakit siya pa???

"Jao...may sasabihin ako sayo."

"..."

"Jao...matagal ko na tong gustong sabihin sayo...pero hindi ko kaya."

"..."

"...pero ngayon, sobrang kaya ko na para sabihin sayo...habang may oras pa."

"Abeth..."

"JAO...MAHAL KITA!!!"

Parang biglang tumigil ang ikot ng mundo ko...ang tibok ng puso ko biglang bumagal.

Ngumiti siya sa akin...

"Abeth...naalala mo yung sinabi ko sayo dati???"

"Ha? An-ano ba yun?"

Diary ni Abeth (Part2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon