TSOK 1- Padu An Isde

4 1 1
                                    

10:34 am, Class 2-D Classroom...

Code:1034AC2DCL

Hiro's Point of View

"Anong pangalan mo?" Tanong ni Ken sa babaeng katabi nya na may berdeng mata....Ara daw pangalan nya....Nakakakilabot siya...Parang....parang...papata---

"Kura" Tipid nitong sagot at tumingin ulit sa sketch pad nya...Ang misteryoso ng drino-drawing nya...Kulay itim kasi ang background....Tapos babaeng nakahandusay....sa..sa....sa dilim....

"Huh? Akala ko ba Ara pangalan mo?" Tanong ko naman dito. Ang sabi nya kasi sa akin sa gate kanina, Ara daw ang pangalan nya......Pero, anong sinasabi nyang Kura?

Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin, "Ano bang pinagsasabi mo? At saan mo naman nakuha ang pangalang yan?" Tanong nya at isinara ang sketch pad nya tsaka tinignan ulit ako ng mariin.

"Nakita kita kanina sa gate na nadapa, tinulungan kita at sinabi mong Ara ang pangalan mo?" Sabi ko sakanya st sinamaan sya ng tingin.....Sinungaling...Ang ayaw ko sa lahat sinungaling...

"Ano bang sinasabi mo dyan Hiro?! Eh kanina pa sya nandito sa classroom....Mahigit dalawang oras na siya dito" singit naman ni Ken kaya bumaling ako ng tingin sakanya.

"Pero alam ko sya yun........Alam ko sya yun....Nakita mismo ng dalawang mata ko na sya un!" Napataas ako ng boses. Paanong kanina pa siya dito kung nakita ko siya kanina sa gate?

"Baka naman lumabas sya?" Tanong ko at tumingin ng pabalik-balik kay Ken at Kura daw....

"Di pa ako lumalabas simula pa kanina. Dito rin ako kumain" napakalambot talaga ng boses nya.....Parang anghel na bumaba sa langit....Naalala ko tuloy yung sinabi ng matandang manghuhula sa Quiapo....

"Wag kang masyadong magtiwala sa mga taong nasa paligid mo. Tandaan mo nakakabihag ang mga mukha nila"

"Wag kang masyadong magtiwala sa mga taong nasa paligid mo. Tandaan mo nakakabihag ang mga mukha nila"

"Wag kang masyadong magtiwala sa mga taong nasa paligid mo. Tandaan mo nakakabihag ang mga mukha nila"

"Wag kang masyadong magtiwala sa mga taong nasa paligid mo. Tandaan mo nakakabihag ang mga mukha nila"

Aish! Di naman siguro totoo yung sinabi ng manghuhula ano? Tama Hiro!......Di totoo yun!.......

"Totoo ba yan?" Naninigurado lang. Baka gino-good time lang ako nito.

Tumango sya at kumurba sa mukha nya ang ngiti.....Isang napakatamis na ngiti.....
"Oo naman. Di naman ako nagsisinungaling" sabi nya at bumaling ng tingin sa sketch pad nya at binuksan ito...Nakita ko pa ang ngisi na pumorma sa mga labi nya....

Isang nakakatakot na ngisi....

Di ko alam, pero bigla nalang tumaas ang balahibo ko....

Lumamig din ang simoy ng hangin kahit mainit at maaraw ....

Nakita ko din na natigilan ang mga kaklase ko sa kanya-kanya nilang ginagawa at tumahimik.....

Naghari ang katahimikan......

1 minuto.....

5 minuto......

15 minuto......

30 minuto......

"Parang dumaan ang isang demonyo" bulong ni Kudo....pero sapat para marinig ng lahat....Isa rin sya sa mahirap basahin dito....

Napalaki ang mata ko at nanigas....

"Parang dumaan ang isang demonyo"

"Parang dumaan ang isang demonyo"

"Parang dumaan ang isang demonyo"

"Parang dumaan ang isang demonyo"

Nanlaki ulit ang mata ko at napatingin sakanya...Nakangisi sya....

Padu An Isde....

S-sino kaya ang isusunod nya?

--------------------

Oh dibuzzzz? Nag-effort ako diyan wag kayo! :3....Pasalamat kayo at mahal ko kayo kahit wala namang nagbabasa Lol.....So ayun....Mas mahirap pala magre-rewrite kesa gumawa ng story....waahhhhhhh mahirap! Okay iyon nga. Dineretso ko para mabasa nyo na. Mabait ako noh? Kaya maging mabait rin kayo sa akin. Ay lasing na ako! Nonsense na po itong sinasabi ko. So bye!

The Secrets Of KurayamiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon