So Many Fucking Lies

21 2 5
                                    

"Tsk. Useless pathetic whore." Sabay dura ko sa pagmumukha nitong babaeng walang kwenta na nilampaso ko lang naman kanina.

"Syet pare! Ang hot ni Hera!" I rolled my eyes and raised my middle finger right at the front of the face of the man who has the guts to spoke my name. 'Moment ko to. Leche ka.' Sa isip-isip ko.

Tumalikod na ko at akmang aalis nang may kamay na humawak sa shoulders ko. Nilingon ko kung sino ang matapang na humawak sakin para masipa ko sa mukha. Si Jeff lang pala. Best buddy ko at masugid kong manliligaw.

"Nakipag-away ka na naman Hera?" Sabay akbay sa akin habang nakapamulsa. Lakas talaga ng appeal nitong lalaking to at biglang nagsitilian ang mga babaeng nanunuod kanina sa show ko.

"Hindi ba obvious?" At inirapan ko siya. Naglakad ako kaya instant na nagkaroon ng way para sakin dahil biglang humawi yung tumpok ng nga tao. Yeah, that's right bitches. Know your queen.

"Teka! Hera!"

Narinig kong humabol siya at inakbayan na naman ako. "Tara dun sa coffee shop? My treat." Tiningnan ko lang siya. At si gago, hinila agad ako kung saan mang impyerno kami pupunta. Nyeta naman. Bakit ba ko unti-unting nahuhulog sa lalaking to? Lahat ng hinahanap kong qualities ng isang lalaki, nasa kanya na. Tatlong buwan niya na rin akong nililigawan. At sa tatlong buwan na yun, wala siyang naging pagkukulang. Ewan ko ba. Siya lang ang nagkaroon ng lakas na loob na lapitan ako. Wala akong kaibigan. Siguro kasi ayaw nila makipagkaibigan sa isang gangster.

Siguro time na para sagutin ko siya. Worth it naman siya siguro maging first boyfriend ko diba?

"We're here." Tiningnan niya ko at nginitian. Ngumiti rin ako sa kanya na siyang kinagulat niya. Once in a blue moon lang ako ngumiti. At yung blue moon na yun, kapag kasama ko lang siya.

Pumasok na kami ng coffee shop. Hinawakan niya ko sa bewang at humila siya ng upuan para sa akin. Ang gentleman talaga nito. Kaya ako lalong nahuhulog dito eh.

Dumating yung waiter at kinuha yung order namin. Siya na yung umorder saming dalawa since alam niya naman ang gusto ko.

Puta kinakabahan ako. Bat ba ganito? Dapat siya yung kinakabahan! Sasagutin ko lang naman siya eh! Pano ba kasi sumagot ng lalaki?! Bakit ba kasi wala akong experience sa boyfriend boyfriend na yan?! Nakakafrustrate naman to!! Bahala na nga!

"Jeff, look. Tatlong buwan muna akong nililigawan and maybe this is the time na--"

"Oh at last! Look nandito na siya!" Tuwang tuwa niyang sabi habang nakaturo sa entrance. Lumingon ako at nakita ko ang isang babaeng sobrang ganda. Nakadress siya, nakacurl ang buhok at halatang mayaman. Disente. Di tulad ko.

Tumayo si Jeff at saka pinaghila rin ng upuan yung babae. Sino ba to?!

"Uhh Joan, this is Hera, bestfriend ko. Hera, this is Joan, girlfriend ko."

'W-What?! Tangina! Diba ako nililigawan mo? E sino yan?! Bat may girlfriend ka na?! Sasagutin pa naman sana kitang hayop ka! Tangina mo! Sinungaling ka!' Gustong gusto ko yan ngayon isigaw sa pagmumukha niya at banatan siya. Pwedeng pwede ko siya patayin ngayon.

"Ah sige alis na ko." Paalam ko dahil bumibigat na ang mata ko at baka may tumulo. Ayoko magpakita ng kahinaan sa kanila.

"Ha? E kakaupo lang natin dito ah? Aalis ka na agad?" Pigil niya sa pagtayo ko.

Di ko na napigilan ang sarili ko. Sinampal ko siya. Kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Tangina mo! Akala ko ba ako ang nililigawan mo?!" Nagulat siya pati na rin ang babaeng tinatawag niyang Joan. Buti na lang at walang tao dito sa coffee shop ngayon.

"H-Huh? Hera kaibigan lang kita. At di ko alam na totohanin mo pala yung ligaw ligaw natin noon." Nayuko niyang sabi. Tangina! Tangina lang talaga!!

First time ko mainlove tapos ganito?! Hahahaha syet! Ang swerte ko!

"Tangina mo! Paksyet ka! Kung kelan ako nahulog sayo tsaka ganito?! Walangya ka!" Tsaka ko siya binigwasan sa mukha. Pumutok ang labi niya. Dapat lang sayo yan hayop ka!

"Jefferson!" Sigaw nung Joan

"Diba sabi mo mahal mo ko? Na nainlove ka sa bestfriend mo?!"

"Lambing ko lang sayo yun Hera. Di yun totoo.."

"Tangina ka!" Sabay suntok ko ulit sa mukha niya. This time, ilong nya naman ang dumugo.

Inaawat na kami ng staffs ng coffee shop at nagmamakaawa na si Joan na tigilan ko na tong hinayupak na to.

"Sinungaling ka! Punyeta ka! Naniwala ako sayong hayop ka! Lahat lang pala yun ay kasinungalingan! Bwiset ka! Magbabayad ka!" Lumabas na ko ng coffee shop na saksi sa panloloko sakin ng lalaking yun.

Tangina! Ang sakit! Ang sakit mapaasa! Akala ko siya na eh! Pagdating sa kanya humihina ako. Yung gangster na malakas na kinatatakutan ng lahat, nanlalambot kapag siya na ang kaharap. Puta bat ganun?! Bakit niya ko niloko?! Nasa akin naman na lahat ah?! Pinakita ko naman sa kanya na may pag asa siya! Bakit ganun?! Lambing? Lokohan? Ano kala niya sakin? Babaeng boba na pwedeng alipustahin kahit kailan?

Dinala ako ng paa ko sa apartment ko. Kumuha ako ng mga gamit tsaka nagpalit ng damit. Gusto ko ng away.

Pumunta ako sa base ng mga taong gustong gusto akong patayin. Tangina! Oo nababaliw na ko! Magpapakamatay ako para sa isang walang kwentang lalaki! Wala naman na rin eh. Wala akong kaibigan, kinamumuhian ako ng magulang ko, wala ring nandyan para damayan ako. Ano pang silbi ko diba?!

Nakarating na ko sa destinasyon nila at sinipa ko ang gate nila. Maraming bantay. Napangisi ako.

Maraming sumugod sa akin. Nilabas ko ang Caliber 45 ko tsaka ko sila pinaputukan lahat. Tumalon ako tsaka pumatong sa yero para maubos ko silang lahat. Nang konti na lang sila, bumaba ako tsaka kinuha ko sa bag ang baseball bat. Nilagay ko yun sa balikat ko tsaka hinamon sila isa isa. Tss. Mga duwag. Lahat sila sumugod. Binwelo ko ang baseball bat tsaka hinampas sila isa isa. Tangina! Ang bobo kaaway nitong mga to! Naglabas yung isa ng kutsilyo tsaka binato sa akin. Nagduck ako tsaka sinipa siya sa paa. Napahiga siya. I kicked his balls. Napasigaw siya sa sobrang sakit. Diniinan ko pa. Sinasapian na naman ako ng demonyo ngayon. I lust for blood.

Nagulat ako nang mamanhid ang kanang balikat ko. Pagtingin ko dito, umaagos na pala ang dugo. Shit. Tumingin ako sa taas at nakita ko ang leader nila na may hawak na baril. Nakarinig ako ng putok at naramdaman kong namanhid naman ang tiyan ko. Tangina. Kailangan ko nang umalis dito.

Kinuha ko ang rifle ko at saka sunod-sunod silang pinaputukan habang humahakbang paalis. Narinig ko ang malakas na pagmura ng leader nila kaya napangisi ako kahit damang dama ko na ang hapdi at kirot. Hindi lang ang mga kirot ko kundi pati ang puso ko. Tangina ang lupet mo Alyanna Hera Marasigan! Nagawa mo pang humugot sa kalagayan mo ngayon!

Nang makalabas na ko ng gate nila, tumakbo ako at nagtago sa bakanteng lote. Putcha. Di ko na kaya. Mamatay na ko siguro ngayon. Hahaha! Ang swerte ko no? Sabagay, dapat lang naman sakin to. Wala namang iiyak kapag nawala na ako eh. Yung parents ko, walang pakelam yun sakin. Sus, siguro nga magpapaparty pa sila kapag nalaman nilang patay na ako. Wala na silang anak na tanga, boba, rebelde, walang galang, walang utak, walang patutunguhan at wala na silang anak na pabigat at walang kwenta. Sa kanilang labi mismo galing yan. Kulang na lang sila na ang pumatay sa akin para mawalan na sila ng sakit sa ulo. Alam ko namang una pa lang, pagkakamali na ako. Ayaw nila sa akin. Hahahaha grabe! Ang saya ng buhay ko. Kaibigan? Meron ba ko nyan? Haha oo meron! Kakaloko niya nga lang sakin kanina eh. Lahat pala ng pinapakita niya kasinungalingan lang. Tangina lang! Ang sakit!

"Jade!! Tingnan mo! May dugo!" Nakapikit na ako kaya di ko makita yung mga nag uusap. Puta. Kala ko nasa tagong lugar ako. May makakakita pa rin pala sakin.

"Tara Glai! Tulungan natin siya!" Mukhang madadagdagan na naman tong walang kwenta kong buhay. Salamat sa dalawang to. Bwiset.

Nakarinig na ako ng busina ng ambulansya at ingay ng mga tao. Di ko na sila maintindihan. Di na ako makahinga. Pinipilit kong dumilat. Hanggang sa naramdaman kong binubuhat na ko at di ko na alam ang sumunod na mga pangyayari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So Many Fucking Lies (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon