Chapter 11

91 3 0
                                    

This chapter is inspired by Now You See Me, Now You Don't episode of Pretty Little Liars and Chainsaw episode of Scream Queens.

-

Beta's POV

Andy Quinn has been missing since October 26.
Please contact us if you find him.

Kinuha ko yung poster na nakadikit sa poste. Sa bawat balita, hinahanap ang katawan ni Andy.

"Andy. What the hell, is this the one that we found in our guest---"

Hindi ko pinatapos ang pagsasalita ni Gamma at lumakad papasok ng bahay.

"What are we gonna do, Ate?"

"Nothing. Let the police find it out. Anyway, you better dress up. May pupuntahan pa tayong magic show, right?" sagot ko sa kapatid ko.

Every 29th of October, may ipinapalabas na magic show sa plaza. We're always going there every year. Bonding na naming magkakapatid.

"Yes, Ate. Did you text Ate Alpha and Kuya Charlie already?"

"Yup. On the way na sila rito. Mukhang madami tayo mamaya." I told her.

Nag-thumbs up si Gamma at umakyat na patungo sa kwarto niya. Ako naman ay nagbihis na din. Nakarinig na ako ng ingay mula sa may sala. Mukhang nandito na sila.


"Beta? Gamma? Andito na kami."

"Sige, kuya. Nagbibihis lang!" sigaw ko galing sa taas.

And then, I'm ready. Bumaba na ako at nakita ko na din si Gamma sa may sala. Nakabihis na din pala sina Alpha at Omega. Siguro dumaan na 'to sa bahay nina Omega at dun na nagbihis.

Andito din pala sina Zalene, Malcolm at Chandler. Malamang, kaya nga madami kami ngayong lalabas e.

"6 pm na. Tara na, baka nagsisimula na iyon." pag-aaya ni Kuya.

Kinuha ko na ang bag ko, lumabas ng bahay at nilock ang pinto.

Omega's POV

Pagdating namin sa plaza ay saktong nagsisimula na ang show. Ang magician ay isang mime kaya throught expressions mo lang makikita kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sayo. He looks like a clown but he doesn't have a wig, only a magician's hat and he wears a mask.

Like all of the ordinary magicians, he pulled so many stunts that deceive your eyes. I'm so amazed. First time ko kasing panoorin to. Every time kasi na pumupunta sina Alpha dito, it's either I'm too lazy to come or family dinner since minsan lang umuuwi sina Mommy at Daddy.

Habang nanonood ako ay ay may parang humawak sa likod ko. Napatingin ako sa likod at tinignan ko yung lalaki.

"Hey! You perv!" pagkatapos ay nag-sign ako na parang susuntukin ko siya at bumalik na sa pagnood.

Ugh. Nakakainis yun ah.

Napa-crossed arms ako. Napatingin ako sa magician.

Naglabas siya ng tatlong boxes. Siguro eto na yung sa may saw something. Nakita ko na to. Ang galing nga. Yung may tao sa loob tapos lalagariin yun tapos tapos maghihiwalay ang body.

So ayun na nga, kumuha siya ng isa sa mga audience. Noong may nakita siya ay naglabas siya ng ekspresyon sa mukha na parang nagpapaawa.

"What? Me? No. I'm afraid of boxes. Siya na lang." pagkatapos ay itinuro niya ang katabi niya.

Ayaw magpapigil nung magician dahil gusto niya yung pinili niya kanina. Nag-pplead ito ng nag-pplead hanggang sa umoo ito.

Pumunta ang magician at yung babae sa stage. Pinagsama-sama niya ang tatlong box. Binuksan ng magician ang box at humiga ang babae.

Kinuha ng magician ang lagari at ang babae ay sigaw ng sigaw. Binaba muna ng magician ang babae at pinatahan. Nalaman ko na lang na nakasarado ang mata niya at sinimula nang lagariin ng magician body nito.

Nakita kong nahihirapan ito sa pag-lagari ng box. Pero diba, madali lang yun?

"Oh my gosh, is that true?" bulong ni Ate Chandler na katabi ko.

Di ako sumagot. Kinakabahan na naman ako.

Pagkatapos ay nilagari niya yung sa may gitna ng pangalawa at pangatlong box. Nahirapan din siya doon.



"Oh my god!"


May biglang sumigaw. May bahid na dugo ang box at ang lagari niya. May mga assistants siyang nakamaskara din at tinakpan ng tela ang babaeng nasa box at ang magician.


"Siguro, part lang yun ng act." bulong naman ni Harper.

Nang matanggal ang tela ay bigla na lang nawala ang magician pati ang mga assistants nito.

"Omg. Bakit hindi bumubukas ang mata ng babae?" sabi ng isa sa mga audience.


Lumapit ang ibang tao sa may stage at tinignan ito. Pumunta naman sina Ate Beta at Kuya Charlie doon. Hindi na ako sumama, baka kilabutan lang ako.




"Call the police! She's dead!" sabi ni Ate Beta. At ipinakita ang niya na ayun, the lady was cut into three pieces.


I rushed to get my phone.


"Alpha, look----" napatingin ako sa katabi ko. Nasaan na si Alpha?

Hinanap ng mga mata ko kung nasaan si Alpha. I looked down and saw Alpha's phone.

Your body will also be cut like that, bitch.
xo -DG

Wait, DG? Who's DG?

Is it Delta?

PEEKABOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon