Anxiety Dream

10.2K 110 31
                                    

Happy Birthday dear Aika happy birthday to you! :)

xoxo

--------------------------

Heartstrings: SUPERMAN vs. BATMAN

Daniel's POV:

"... Thank you sa paghatid sakin..." inihatid ko si Julia sa condo unit niya matapos yung naganap na 'party' kanina ng management para sakin. Biglaan nga e hindi man lang nasabi sakin na may ganong kasiyahan pa lang magaganap e di sana nakapaghanda man lang ako pero sa tingin ko wala talaga silang balak na ipaalam sa akin.

Kaya nga daw surprise party.

Hindi ko inaasahan ng sunduin ako ni Julia kanina don sa studio kung saan nagpromote ako ng album ko. Kinutuban na ako ng mga oras na yon e kasi hindi sakin sinasabi ni Julia kung saan ba kami pupunta nalaman ko na lang ng makita kong halos lahat ng staffs nasa iisang kwarto habang yung iba may hawak ng banner at kung anu-ano pang maisip niyo basta tungkol sa party meron sila.

Kompleto.

At ng tanungin ko kung "Anong kaguluhan to" doon sila sabay-sabay na sumigaw ng pagbati sa akin dahil halos isang Linggo pa lang ng marelease ang first album ko dahil nakakuha agad ng Gold record. 

Hindi ako makapaniwala syempre sa narinig kong magandang balita. Ako?Na baguhan sa field na to makakakuha ng ganon kataas na achievement aga? Ilang minuto pa akong halos tulala hanggang sa magsink-in na sa utak ko ang mga nangyayare sa paligid ko.

Lalo na akong naniwala ng tanungin ko mismo si Julia at sa kanya narinig ang salitang yon. Na totoo lahat ng ito at hindi ako nananaginip. Niyakap niya ako agad sabay sabi ng salitang. "... Congratulations!..."

Ginabi na din kami dahil napasarap ang kwentuhan ng mga staffs at kahit nga ako hindi na rin napansin ang pagtakbo ng oras hanggang sa si tita Belle na ang unang nagsabi na dapat na kming umuwi dahil gabi na.

Syempre yung mga mas matanda sa aming dalawa ni Julie may konting alak na ininom kanina syempre hindi yon maiiwasan lalo na sa party na tulad non bihira lang daw kasing makakuha ng ganon na sales kung baga napakalaking achievement don hindi lang ng artist kundi buong staff and crew ng recording studio na tumanggap sa akin.

Sinulyapan ko si Julia na ngayon e katabi ko sa passenger seat. Nagpresinta na ako kay tita Belle na ako na mismo maghahatid sa kanya sa condo unit niya tutal pagod na din ang lahat at yung iba nakainom na. Ngayon nasa loob pa din kaming dalawa ng kotse ko.

"... And Congrats ulit DJ..." lumapit siya sakin kaya napakapit ako sa manibela. Naramdaman ko na lang ang labi niya sa kanang pisngi ko ngayon na nagiwan ng init ng bigyan niya ako ng halik. 

Nakita ko siyang ngumiti.

"... Good Night DJ..." Binuksan na niya yung pintuan at abago pa siya tuluyang pumasok nilingon niya ako at kinawayan. Nanatili muna ako ng ilang minuto don at ng masiguro na nakapasok na nga siya sa loob doon ko na pinaandar ang kotse ko.

Heartstrings:SUPERMAN vs. BATMAN (BOOK II) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon