SHE

19 1 0
                                    

Alam kong di mo pansin...


Narito lang ako...


Naghihintay kahit kailan..


Umaasa kahit di pa ngayon...


"Hoy! Nangangarap ka nanaman." sabay batok bigla sakin ni MJ.


"Ano ba!" sabi ko sabay himas kung san niya ko binatukan.


"Teh, wag mo na kasi mahalin yan! Di ka naman mahal oh! Tsaka, tadhana na ang naglalayo sa inyo! Kita mo ba? Tuwing lalapit ka sa kanya para mag confess, eh bigla kang napapatid o nadadapa? Pwedeng katangahan, oo, pero tanga ka talaga eh!" pagsesermon niya sakin. Kaibigan ko ba talaga tong taong to? "Tsaka, diba nakikita mo naman?!" dagdag niya pa. Aray! Ang sakit na ha.


Gabi-gabi ako humihiling sa bituin na sana balang araw mapansin niya yung pagmamahal ko. Yung pupunta ako sa bubong ng 5:45 ng hapon at hihintayin kong lumitaw yung bituin na yon at magwwish. Sabi ng mama ko, para na daw akong baliw. Baliw na nga ba ako? Lagi kong sagot sa kanila na nagmamahal lang ako. Kapag nagkkwento ako kay kuya at mama, eh ang sagot lagi sakin ni kuya "Di ka mamahalin n'on." Dati akala ko asar lang yon sakin ng kuya ko. Hindi ko kasi sineseryoso ang pagkagusto ko. Crush ko lang siya dati...


Pero iba na ang nararamdaman ko ngayon..


~flashback~


Kakapasok ko palang ng gym para manood ng basketball niya ng biglang may tumama sa aking bola.


*poink*


"Aray ko." bulong ko. Nakakainis naman! Wala naman akong ginagawa tas--


"Miss, okay ka lang ba?" sabi sakin nung lumapit na lalake. Sa sobrang gulat ko, tumango lang ako habang nakangiti. Napansin niya ako! Pinansin niya ako! First time niya din akong kinausap ng ganitong malapitan. Grabe. Ang gwapo niya talaga...


Pero nalungkot ako ng bigla na siyang tumalikod.


"Huy, bro! Nagdudugo ilong!" sabi nung ka teammate niya na nakaturo sa akin kaya bigla siya napalingon sa akin. Nakangiti pa din ako. Parang tanga man tignan pero natutuwa talaga ako kasi nakatingin siya sa akin. Pero, nagdudugo daw ang ilong ko? Napahawak tuloy ako sa ilong ko at.. May dugo nga!!


"Miss--" di ko na narinig ang sinabi niya dahil nawalan ako ng malay.


~end of flashback~


Dun ko naramdamang iba na ang nararamdaman ko. Hindi na siya simpleng paghanga. Mahal ko na siya. Oo, tama.


Siya daw ang nagbuhat sa akin papuntang clinic. At siya rin yung nandun nung gumising ako. At paulit ulit siyang nagsorry. Sabi ko nga okay lang talaga eh. Babayaran niya pa nga sana niya ako. Pero humindi ako. Masaya naman ako sa kinalabasan nung pangyayaring yun eh.

Why Can't It Be? [One-Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon