Chapter 1 : Unexpected Feelings

19 0 0
                                    

Ako si Harold Philip N. Verano, Grade 9 student, at nasa top section ng school na GFMNHS. Isa akong masayahing tao na nag-aasam na magkaroon ng mataas na grado at maayos na buhay sa highschool.Laging bigo sa pag-ibig simula elementary dahil busted ng crush. Hindi ako pogi at sobrang perpekto pero maipagmamalaki ko ang mga magulang at talinong meron ako.


Pero 'di ko inakalang magkakagusto ako sa pinakatahimik at pinakamahinhin na babae ng klase. Siya ay si Alyssa Jade Escalona, mabait,magaling sa spelling, hindi kagandahan pero cute(sobra).

"KLASE "

"Hoy! Harold di ka pa nakakagawa sa math ng assignment mo", sabi ng kaklase kong si Nico(ang mataba at cute na tropa ko).

"Hindi na 'ko gagawa tutal naman di chinicheck ni Ma'am 'yun", sagot ko sa kanya.

"Hay nako! Porket may gusto ka kay Jade ehh ganyan kana hahaha!", sabi nya.

"Kupal ka talaga Nico papatayin talaga kita. ", naaasar na sagot ko sa kanya. =_=

"Diba bestfriend mo si Marielle(ang maliit at maganda kong bestfriend na di ko naman kaclose pero naging bestfriend ko?) Bakit di ka mangopya sa kanya baka sakaling pakopyahin kanya! ", suggest ni Nico.

"Ayoko hindi ko nga kaclose yun tapos sa kanya pako kokopya. ", sabi ko. :3

"Ehh pano kayo naging magbestfriend kung ganun? Hayss hayaan mona nga, gagawa muna ako ng assignment. Sige dyan ka muna", huling sagot ni Nico.

"Sige Nico gumawa kana tutal naman masipag ka", sagot ko.

"Uwian"

Hayss salamat nakauwi na rin ako.
Siguro naman makakapag-FB ako ngayon tutal naman walang gagawin.

*opens fb account*

Hindi ko alam kung bakit pero nacucurious din talaga ako kung bakit ako ginawang bestfriend ni Marielle.
Siguro kapag kinilala ko siya at tanungin kung bakit malalamanko ang sagot.

"Chat"

"Hi Marielle. ", unang chat ko.

"Hi din. ",  sagot niya.

"Gusto ko lang malaman kung bakit mo ko ginawang bestfriend. I mean 'di naman tayo close pero bakit sa dinami-dami ng lalaki ako pa? ", tanong ko sa kanya.

"Ewan ko, di ko rin alam ehh. Feel ko lang na maging bestfriend ka kasi... basta hahaha. ", sagot niya.

"Ahh sige (kahit na deep inside walang kwenta yung sagot niya mas lalo ako na-curious). ", sagot ko.

"Kamusta naman kayo ni Jade? Sabi nila crush mo siya. Hahaha yieee Jade ka pala ha." , asar niya.

"Ayyy nako pati ba naman ikaw mang-aasar.(punyeta! pati ba naman to mang-aasar panira ng araw ehh). ", sagot ko.

"Sige na aminin mo na sakin. Bestfriend moko diba? Kaya dapat nagsasabi ka sa'kin.hahaha. ", sabi niya.

"Oo na crush ko na siya. ", sagot ko.

"Hahahaha yieee sabi kona ehh. ", sagot niya.

"Hay nako hayaan mona nga. Epal lang naman ako sa kanilang dalawa ni Alex(clown ng klase). Ewan ko ba kung bakit ako nagkagusto sa kanya. Ang cute niya at matalino pero wala siyang interes sa mga bagay na ganito. ", sabi ko.

"Okay lang yun di mo rin naman mapipigilan ehh. ", sagot niya.

"Sige bye na matutulog nako. Goodnight na. ", paalam ko.

"Sige goodnight na rin. ", huling sagot niya.

*end of conversation*

At habang tumatagal mas lalo kong naging ka-close si Marielle.

Hindi ko alam kung kelan pero...nagbabago na rin ang pagtingin ko sa kanya.

A Second To Live And A Moment To Die (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon