Crey

27 2 0
                                    

Wala akong tinuring na Ina. All I know is, kapapanganak palang sakin sa isang bubong ng bahay ay umalis panandalian ang nanay ko. I don't know kung saan ito pumunta pero sa tingin ko naman ay maghahanap ito ng pagkain niya para may mainom kaming gatas

May tatlo pa akong kapatid. Habang mahimbing kaming natutulog ay may narinig kaming malakas na ingay kaya nagising kami.

Naramdaman ko nalang na may bumuhat sakin, sa amin.

Dahil hindi pa ako nakakakita ay iyak lamang ng mga kapatid ko ang tangi kong naririnig. Kahit lalake ako at bata pa ay umiyak na rin ako. Tinatawag ko pa nga si Inay kaso wala siya.

Naramdaman ko nalang na binagsak ako sa isang mabahong lugar. Wala na ang mga kapatid ko. Sinusubukan kong tawagin sila ngunit hindi ko na sila naririnig. Iyak lang ako ng iyak. Akala ko masayang mamuhay sa mundo pero napakalupit pala.

Nakakaramdam na ako ng antok nang biglang may bumuhat sakin. Hawak ako sa leeg. Shit! Halos hindi ako makahinga nun. Kasisilang palang sakin mamamatay na ako! Pero sinubukan kong lakasan ang loob ko. Hindi ko panga nakikita ang mundo ay mamamatay na ako? Aba! Hindi pupwede iyon.

Narinig ko ang tawanan ng mga bata katulad ko. Pinaglalaruan nila ako kahit sobrang sakit na sa katawan.

Binagsak nila ako, buti nalang sa damuhan. Wala akong magawa kundi umiyak lang at tawagin si Nanay, nang makarinig ako ng isang matinis at batang babaeng boses.

"Huy! Kawawa naman siya!" Para itong nakikipag away sa iba pang bata. Kinabahan ako ng may bumuhat na naman sakin pero this time ay maingat yun

naramdaman kong naglakad ito buhat ako. Siyempre kinakabahan ako. Baka mas worst pa ang mapupuntahan ko.

"Ma! Pusa oh! Kawawa naman. Pinaglalaruan lang ng mga bata dun!"

"Hala! Ibalik mo yan sa pinagkuhanan mo! Pusa yan!"

Eh ano naman kung pusa ako?

"Hala Mama! Kawawa siya dun!"

Nagdebate pa sila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Feeling ko ay mawawalan na ako ng pag asa. Nagugutom na rin ako. Handa na ata akong mamatay.

Natulog na lamang ako at hinihintay ang kamatayan ko.

Nagising ako ng may bumuhat sakin.

"Hala! Kawawa naman!" Teka? Bagong boses ito ah. Mukhang kagigising lang.

"Oo eh. Pero mamamatay din yan. Baby pa yan oh! Di natin mabubuhay yan, itong si Yuri kasi! Kung ano-ano ang inuuwi!"

"Ako nalang mag aalaga, susubukan kong buhayin siya. Kawawa naman"

naoverwhelmed ako sa narinig ko. Nabuhayan ulit ako ng loob.

Kahit sobrang hirap para sakanya dahil bata lang ako. Narinig ko pang humingi ito sa ate niya ng bote ni Baby Andrea na anak ng ate nito para gamitin ko sa paginom ko ng gatas.

Dalawang araw na laging malalagyan ng gatas ang ilong ko dahil malaki ang butas ng tsupon na pinapagamit niya sakin. Pangatlong araw ko sa mundo ay himalang hindi ako nabubulunan.

Narinig kong pinalitan ni Yassy and tsupon ko. Si Yassy ang mabait at may mala anghel na boses na nag alaga sakin. Sobrang naappreciate ko ang mga ginagawa niya para sakin.

Pang apat na araw ay medyo nabubuksan ko na ang kaliwang mata ko ngunit di parin ako makakita, may naaaninagan lang akong konti.

Unang unang nakita ko ay ang ngiti ni Yassy kahit malabo pa ang paningin ko. Grabe. Wala akong masabi. Napakaganda niya.

The Cat's Love (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon