Chapter 6: One Rainy Day

1K 14 7
                                    

"Hubby ang lakas ng ulan naku baka hindi na makauwi sina Red at Ami"

SANA NGA!!! >___<

"Saan ba sila pumunta?"

"Sa bayan Hubby"

"Kapag ganyan ang panahon dito hindi na masyadong nakakabyahe ang mga sasakyan"

"Kung ganon stranded sila?" 0___0?

"Oo bukas pa siguro sila makaka-uwi"

"YES!!! Walang Ami na epal ngayon!!! Mwahahaha!!" \(^0^)/

"Ano yon Wifey?" =______=

"Uhh ehh... Hahaha!! Tara Hubby sa kusina gusto mo ba ng kape?" ^-^"

"Sige" -____-

***Red's POV

"Sir hindi na po makakabyahe pabalik sa may beach ang mga sasakyan dito eh, isinara na po nila ang tulay" sabi nung tricycle driver

"Ano?!"

Bakit isinara ang tulay? Huh?

"Ganon po ba manong? Sige po sa pinakamalapit na hotel nalang po manong" Ami

Ampupu naman. -___-

Ayoko matulog sa mumurahing hotel nila dito.

Allergic ako sa mumurahin.

Napahawak ako sa mukha ko.

Paano kung mamula at mamantal ang balat ko?

Balita ko pa naman hindi sila nagpapalit ng bedsheet. TSK!

"Hoy babae bakit isinara ang tulay?" tanong ko

"Para walang maaksidente, madulas don kapag umuulan"

TSK!

Nasa tricycle kami, nagsisiksikan kaming dalawa.

BAKIT BA ANG LIIT NG TRICYCLE?!?!!

Talaga namang sinusubukan ang pasensya ko! TOKWA!

***Ami's POV

Ang sikip naman.

Napatingin ako sa salamin sa itaas.

Nakita ko na hindi maipinta ang mukha ng lalaking katabi ko sa tricycle.

Anak mayaman kasi kaya ganyan.

Hindi sanay sa masikip.

Ang laki nya masyado para sumakay sa tricycle.

Ang laking mama.

Para syang poste sa tangkad at ang lapad pa ng katawan nya.

Ano kaya ang kinakain ng lalaking to para lumaki nang ganito?

Malamang yung mga pagkain na pang mayaman.

Ayoko talaga sa mga mayayaman na tao.

Mapag-maliit sila at hindi nila alam ang importansya ng pera sa buhay ng isang tao.

Puro sila gastos.

Puro luho.

Marami akong nakikitang pasyente na hindi makabayad sa hospital.

Marami sa kanila ang may malubhang sakit pero hindi makapagpagamot dahil walang pera.

Kaya naman kapag nakakakita ako ng mayaman na puro gastos lang ang inaatupag imbes na tumulong sa mga nangangailangan, nagagalit ako sa kanila.

Isa na don ang girlfriend ni Sir Timothy.

Halata naman kasi sa hitsura nung Samantha na mayaman sya at puro gastos lang din ang alam sa buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Talk Back To A Gangster (1st Half)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon