Hell's pov
"Renzo! Help me!" Sigaw ko sakanya nguniy hindi na sya mkatayo pa. Lord. Ikaw na po ang bahala saakin.
Nagulat na lamang ako ng biglang lumuwang ang pagkakahawak saakin ng mga lalaking yun at bigla bigla, isa isa na silang tumumba. Napatingin ako sa lalaking tumulong saakin.
Kahit matagal ng panahon na hindi kami nag kikita, hindi pa din sya nag babago. Sya parin yung dating nakilala ko. Mas gumwapo sya ngayon at mas tumangkad. Maya maya pa ay natalo na nya lahat ng kalaban.
"Hey miss? Uhm? Are you okay?" Naiyak na lamang ako at saka napatakbo papunta sakanya. Oh God. I missed him.
"Clifford." Mahina kong sabi. Ramdam ko ang gulat nya sa ginawa kong pagyakap sakanya. Iniharap nya ako at tingnan. Sinuri nya ang mukha ko. Siguro tinitignan nya kung kilala nya ako.
"What the fuck! Yoona?! Yoona is that you?!" I smiled at him. Niyakap nya ako ng sobrang higpit. Mga ilang minuto din yun. Dinala na namin sa hospital si Renzo. Tinawagan ko kagad si Cavs kung nasaan ako dahil siguradong alalang alala na yun saakin. Para na kasi ako nung little sister.
Sa ngayon natutulog si Renzo. Wala naman daw fractures na nakita. Kaylangan lang daw nyang magpahinga lalo pa at may lagnat sya.
"May sayad talaga tong si Encarnation. Siguro pinag tripan nya yung mga lalaki at nagpahabol. Hay nako." Napatingin naman ako kay Renzo. Nagpapasalamat din ako sakanya slight okay?
"Kamusta kana? Antagal mong nawala Yoona! Lahat kami nag aalala sayo. Ang akala namin pa-patay kana. Kung san ka na nag punta. Anong nangyari sayo at bakit bigla ka nalamang hindi nagpakita saamin?" Sunod sunod na tanong nya saakin. Tipid na sagot lamang ang sinukli ko sakanya.
"May nangyari kasi saka biglaan kaya hindi na din ako nakapag paalam. Haha. Matagal na yun. Mag move on na tayo." Saka ako ngumiti sakanya. Hindi pa panahon para malaman mo ito. Kung alam mo lang ang dinanas kong hirap Cliff.
"Alam mo bang araw araw la--" Hindi na natapos pa ni Cliff ang sasabihin nya dahil biglang bumukas ang pintuan.
"Oh my gosh! Renzo!" Napairap nalang ako. So nandito na yung girlfriend. Tinitigan ko sya.
Mag hintay kalang Ezzyline. Iisa isahin ko kayo. Come back is real. Hahahaha! Tumayo nako sa kinauupuan ko.
"Hey. I better go. Hinihintay pako ni Cavs eh. Kita nalang tayo some other time! Bye Cliff." Hinalikan ko sya sa pisngi. Nasanay na din kasi ako sa states.
Himarap ako kay Ezzy at nagkatinginan kami. I smirk. Napakunot ang noo nya. Lumabas na ako ng room ni Renzo at narinig ko pa ang sinabi nya kay Cliff.
"Who's that girl?" Napangiti naman ako. Me? The great Helleria Curran. Your worst nightmare.
"It's Yoon--" Hindi ko alam bat naputol ang sinasabi ni Cliff. Naglalakad ako ng biglang may tumawag saakin.
"Hell!" Nagulat ako sa biglang pagyakap ni Cavs saakin. Okay. Hindi ako makahinga.
"Ca-cavs! I can't breathe." Saka lamang lumuwag ang yakap nya saakin. Pero kita pa din sa mukha nya ang pag aalala.
"Alam mo bang alalang alala ko sayo Hell! My God! Diko alam gagawin ko kung mapapahamak ka!" Yumuko ako. Alam kong nag aalala lang sya saakin sakanya din kasi ako ibinilin ni Luther.
"Im okay. I wanna go home na Cavs." Sabi ko sakanya. Napa buntong hininga nalang sya. Saka kami umalis ng hospital.
"San ba ang bahay na tinutuluyan mo? Sabi ko sayo dun ka nalang sa condo ko eh." Tinext ko naman sina Gluriang at nagpahatid ako kay Cavs.
"Kayo na ang bahala kay Hell ha? Ingatan nyo sya. Babalik ako tomorrow morning okay? Sige." Sabi ni Cavs kay Gluriang saka Lex. Mad pinili kong hindi nalang sabihin sakanila ang nangyari dahil tapos na naman at baka mag alala pa sila.
"Take care Cavs. Okay bye." Kiniss ko sya sa pisngi. Nag wave na ako at sumakay na sya sa kotse nya. Napatingin naman ako kina Gluriang at Lex.
"Sino yun? Boyfriend mo?" Tanong nila saakin. Napa kunot naman ang noo ko. Ew. Kuya lang tingin ko dyan ano!
"Hell no. Haha. Mag kapatid lang ang turingan namin sa isa't isa. Tulog na ako ha? Pagod sa photoshoot eh." Tumango naman sila kaya hinatid nila ako sa kwarto.
"Goodnight. Namiss ko kayo." Sabi ko sakanila at saka niyakap sila pareho. Nag goodnight na kami sa isat isa. Nag palit na kagad ako ng damit at humiga sa kama. Maya maya pa ay nakatulog na ako.
Hindi ko alam pero bigla nalang dumilat ang mata ko. Nauuhaw ako kaya bumaba muna ako sa baba at uminom ng tubig. Maya maya rin ay umakyat na ako. Nagulat ako ng mapansin ang isang papel na kulay pula sa kama. San to galing? Binuksan ko nalang yun papel.
Babalik ako para sayo honey.
Akala mo makakatakas ka sakin? Haha no.
I swear. Kahit anong mangyari babalikan kita.
You'll be mine honey. Goodnight. Dream of me.
Ang ganda mo habang natutulog. I love you.-A
Itutuloy..
Bitch's: Hi readers. Sorry kung sabaw. Happy halloooweeen! Awhoooooo! Hinahabol ko kasi yung oras kasi antok na antok nako. Hihi bukas uupdate ako. I badly need your feedbacks. Mag comment kayo please kung ano yung gusto nyong sabihin about dun sa story. Wag yung puro update na po please. Alam ko naman po yun. Yun lang. Mas maganda po sana kung comment kesa vote. Pero syempre kahit ano naman dyan sobrang thankful ako sainyo dahil sa efforts. :) Salamat sa lahat lahat readers. Haha. Kaway kaway mga silent readers! Goodnight! Zzzzzz.
COMMENT. VOTE. BE A FAN.