Maaga akong nadisgrasya...
Wala eh nagpaloko ako, na akala ko hindi ako iiwan..
Pero nag kamali pala ako ng hula haha iniwan nyako na naghihirap...
Wala manlang syang paalam sakin na aalis sya edi sana nag handa ako para hindi
malala ang sakit na nararamdaman ko haynaku..
Kinuha nya lang ang aking perlas ng silangan pagkatapos iniwan na parang basura sa tabi tabi..
Kaya ang moral lesson doon ay, wag ibigay ang perlas ng silangan kahit na sobrang mahal mo sya dahil hindi mo hawak ang isip ng tao baka iwan ka din katulad ko.
So balik tayo sa kwento.
Labing-siyam na taong gulang ako ng makuha ng gag*ng hinayupak na si ethan ang perlas ng silangan ko hayup diba? tanga ko...
Pero kahit iniwan nya ko noo'n nag papasalamat ako sa kanya dahil kahit ganun meron paring nag papasaya at nagbibigay lakas saakin.
At iyon ay ang anak ko anak namin ni ethan...
Hindi nya alam na nabuntis nya'ko dahil iniwan nya ko pag katapos ng may mangyari samin...
Wasak na wasak ako noo'n wala ako sa sarili pero nag papakatatag ako dahil sa anak ko...
Apat na taong gulang na ang anak ko at ang pangalan nya ay e'thaine..
Masaya ako, sobra.
Pero minsan hindi nya maiwasan ang pagtatanong kung nasaan ang ama nya.
Sinasabi ko naman na nasa malayong lugar nag ta-trabaho siguro kapag maiintindihan nya na lahat dun ko nalang sasabihin..
Minsan nahihirapan ako dahil nag aaral pako huminto kasi ako ng limang taon dahil inalagaan ko sya..
Pero ngayon nag aaral nako ang hirap na kasi pag pasok sa school pagod pag uwi pagod pero nandyan naman ang anak ko jusko di ko kaya pag nawala sya saakin..
Hindi alam ng mga estudyante dito sa school ko na may anak nako ang alam lang nila huminto ako dahil may sakit akong malala pero 'di totoo yun gawa gawa lang.
Hindi sa nag yayabang ako, kilala kasi ako dito sa school nato miski mga fresh men kilalang kilala ako wala eh sikat ako..
Opps di ko pa pala nasasabi na sikat akong modelo dito sa bansa hindi ka na inform?charot.
So balik sa kwento...
Makalipas ang tatlong taon.
Nakapagtapos nako ng pagaaral.
Malaki na ang anak ko pitong taong gulang na sya.
Pero hindi ko parin nasasabi sakanya.
Ayoko muna ayokong masaktan sya tulad ko.
Meron nadin akong trabaho.
May kaya lang kami sa buhay si mama at si papa may magandang trabaho naman sila ang tumulong saakin na bumangon muli.
At eto ako bumabawi sa kanila ako ang nagtatrabaho para meron kaming makain sa pang araw araw.
Sobrang saya ko ng malaman ko na pwede akong makapag trabaho sa amerika dahil sabi ng boss ko doon nya ako i-aassign at pumayag sya na isama ko ang anak ko doon.
Hindi nako nag pakeme pa um-oo nako dahil maganda ang buhay doon,nag tataka ba kayo dahil isa akong sikat na modelo tas mag tatrabaho padin? kasi nga huminto nako ayoko na dahil punong puno na ang sched ko para sa ganyan ganyan at may anak nako kaya wag na lang.