second bite: How to get rid of vampires

1.2K 32 4
                                    

naka upo ng pabilog ang mag pipinsan na sina Cayden,keon,Kurk at Isaac sa kwarto ni Cayden. Nakasara ang mga kurtina ng kwarto at naka lock ang pintuan ng kwarto.

" Tanga ka ba Cayden! sa ginawa mo'ng yun para na rin tayo kumaha ng bato'ng ipupokpok natin sa mga ulo natin! tska, di ba kayo na we-weirdo-han sakanya? "  sambit ng pinsan ni Cayden na si Keon. Huminga muna ito ng malalim tska nag salita.

" Brad, dilikado ang ginawa mo! alam mo ba na pwede nya tayong patayin ng anu mang oras?"  Napa hilamos na lamang ito ng muka at iritableng kinamot ang ulo.

" Chong, relax ka lang, masyado kang hot ei! " sabi naman ng kapatid nitong si Isaac.

"Anung Hot ka dyan! "

" epps! imbis nag aaway away tayo dito, bakit di na lang tayo mag isip ng paraan para mapaalis sya sa mga buhay natin? " suggestion naman ni Cayden at ngumiti.

"TAMA! I like how you think man! " sabi naman ni Kurk at nakipag high five dito. "So....anung plano mo?"

"Unang una sa lahat anu ba ang kinakatakutan ng mga bampira?" tanong nito.

" Bawang! " sabi ni Keon.

"wood stake!" suggest din ni Isaac.

"Hmm Holy water!! " singit naman ni Kurk.

Tumingin ang tatlo kay Cayden na tila ba nag hihintay sila sa iisagot nito, napalagay naman ang kamay ng binata sa ibaba ng baba nya na animoy si Dectective Conan. 

"araw!" sigaw nito, dahilan para konyatan sya ni Kurk. "Ssh! wag kang maingay baka mabisto tayo! " sabi nito at inilagay ang index finger sa may labi sinyales ng katahimikan.

"sorry, sorry" 

"Oh edi ano pa ang hinihintay natin? tara na! kailangan pag balik ni Lola wala na yang aswang na yan sa bahay natin!" sabi ni Keon. Tumayo na ito sa pag kaka upo at hinanap ang bampirang babae.

Pumunta sila sa Kusina, sa dinning room, at sa garden pero wala parin. Ng sinilip nila ang sala ay nakita na nila ang hinahanap nila! 

Naka upo pa ang impakta sa sofa habang na nunuod ng movie! kumakain pa nga ito ng chips at may panulak pa na soft drinks!. Ng maramdaman nya ang presensya ng mga lalaki ay tiningnan nya lang ito.

"A..a..ano yang pinapanuod mo?" kabadong tanong ni Cayden sa dalaga.

" Hmm" sumubo muna to ng pop corn bago mag salita " Katangahan ng tao" 

"Huh? anung movie yan? sinauna yun nho!" sabat naman ni Keon.

sinilip nila ang pinapanuod ng dalaga. "ah! yan! Fright Night yan!" sabi naman ni Isaac, tiningnan lang sya ng dalaga na animoy bagot na bagot sa buhay, napalunok naman si Isaac dahil sa kaba.

"grabe ka naman makapang lait! parang wala kang taong kaharap ah!" sabi naman ni Keon at ngumuso. "Tska panu mo naman na sabing ka-tangahan yang movie mong pinapanuod!?"

Tiningnan muna sya ng dalaga at napa taas naman ang kilay nito. Biglang na nahimik ang mag pipinsan, halos hindi na nga sila humihinga sa kaba, baka kasi napikon ni Keon ang babaeng aswang at paslangin sila ng walang kahirap hirap.

Pinutol din ng dalaga ang matinding tingin nya sa mga taong nasa harapan nya at inirapan ang mga to.

"Ah....ah... ang DILIM naman dito sa sala! " pag paparinig ni Cayden. At binuksan ang makakapal na bintana.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's a VAMPIREWhere stories live. Discover now