Chap- 2 Roxanne Santillan

44 2 0
                                    


    Blue fitted shirt at at faded sky blue pants na lang ang sinuot ko at white and grey vans girl na sapatos. I have no choice para mag change outfit pa dahil 15 minutes lang ang natira sa akin para mag-ayos.

 Nasa motor na ako ng maalala kong di pa pala ako nag-totoothbrush . Aysttt!!! Wala na akong time para don di bale na, di naman ako bad breath tuwing umaga eh .

  Bago ko paandarin ang mini cruiser ko, nilagay ko muna sa tenga ko ang wireless headphones ko at kinabit ko  sa braso ko ang samsung galaxy ko para hindi na ko mahirapan at hindi ako maaksidente ng wala sa oras kapag  may biglang importanteng tumawag sa cp ko.

          First day of school ko ngayon pero hindi na ako nag-abalang mag uniform dahil new student pa naman ako sa pangalawang university kong pinapasukan. Dahil sa mga magulang ko kaya ako napalipat ng universty at nakakuha ng course na hindi ko naman talaga gusto. BS BA ang course ko ngayon kahit naman sa dati kong school ito pa din ang kinuha kong course . No choice ako eh its my parents decision but eventually nagustuhan ko na din sya . 

   Ako kasi ang eldest at hindi pa naman kayang imanage ng isang 2 years old kong kapatid na si baby Irish or baby I for short ang company namin. So thats the perfect course for me. 

" Magnanakaw!! "sigaw ng isang matandang babae sa gilid ng kalsada di kalayuan sa kalyeng dinadaanan ko . Marahan  kong inihinto  ang mini cruiser ko para hindi ito maglikha ng anumang ingay kung sakaliat ng mas malapit kong makita ang sitwasyon.

  " Ba't ba ang kulit mo tanda sinabi ng bitawan mo eh" sigaw ng mamang di medyo katangkaran sa ale saka itinulak ito at halos mapasubsub ang mukha sa sahig .

  ' Aba't loko tong mamang to ah! Sya na nga lang ang magnanakaw ng bag sya pa ang may ganang manakit at matanda pa! Teka nga..

  Pinaandar  ko ng may kabilisan ang mini cruiser ko palapit dun sa mayabang na magnanakaw na yun at  ng makalapit ako ay hinatak ko ang bag sa kamay nya. Nang mahablot ko ang bag ay obvious na nagulat si kuyang magnanakaw sa isang good stealer na katulad ko. Pero sa kamalas malasan ay sumabit pa ang kamay nya sa handle ng bag habang pinapatakbo ko ang motor ko kaya nagkaroon sya ng pagkakataon makapitan yun. 

" Potcha!! Hoy, ihinto mo ang motor " hingal na hingal na sigaw nya habang pinipilit nyang tumayo at humabol sa motor ko. Nakaladkad kasi sya eh saka napapaluhod dahil hindi nya kayang sabayan ng takbo ang nilis ng motor ko.

 " Get your hands off the bag " sigaw ko sa kanya . Hindi ko naman pinalayo ang patakbo ng motor ko. Andun pa din malapit sa kinatatayuan ng matandang babaeng nanakawan ng bag dahil sa mamang to . 

" Ihinto mo sabi !!" galit na sigaw nya.  

'Aba't demanding sya,  ha! ' 

At dahil sa mukhang wala naman syang balak na bitawan ang bag ay bigla kong inihinto ang  motor ko dahilan para mapasubsub ang mukha nya sa sahig. Dali- dali kong  inistand ang motor ko at kukunin ko sana ang bag dito habang hindi pa sya nakakatayo nang bigla syang naglabas ng maliit na balisong. Napansin kong nanginginig naman ang paghawak nya sa balisong kaya alam kong hindi pa sya sanay humawak nito.Kya alam ko na agad ang gagawin ko.

 " Sige lumapit ka kung gusto mong tumarak to sa lalamunan mo " pagbabanta nya sa akin habang nakatutok sa harap ko ang balisong at sya ay pilit na itinanatayo ang sarili. 

 " Ows! sa liit ng balisong na yan sa tingin mo magkakasya yan sa lalamunan ko " panguuyam ko sa kanya. Mukhang napikon naman sya sa narinig dahil bigla bigla na lang nya kong sinugod . 

THE LADY GANGSTAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon