Last Goodbye (Thomara One-Shot)

4.1K 66 11
                                    

-EDITED-

Hindi ba, pag nag goodbye ka na, may kapalit na masaya? Kase masakit makarinig nun eh. May aalis sa buhay mo. May maiiwan ka... Worse, iiwanan ka.

Eto ako.. Nakahandusay sa ospital.

Iniwan ako. Sinaktan ako... Ulit. Hindi sa paraang inaasahan nyo.

*Flashback*

"Thomas! Sabihin mo! Bakit kahalikan mo yung si Marissa? Tapos nung isang araw, iba. Kanina, iba! Ano ba? Ang sakit-sakit na. Last time, sabi mo, hindi na mauulit!"

"Ara... Sorry... Hindi ko na kaya. Hindi na kita kayang saktan pa. Mas mabuti pa sigurong maghiwalay na lang tayo."

Yun yung mga huling sinabi nya bago sya umalis.

Pero bago pa sya makalayo, he turned around and smiled genuinely.

"At Sorry.. Sorry na playboy ako. Ikaw lang naman eh. But... I'll be back. Sa tamang panahon. Sa panahong matino na ako... Baka sakaling mangyari. Sana makabalik ako. Goodbye, Ara. I love you. Always have, always will."

Mahal ko eh.

Lumipas ang mga araw... Napakasakit parin. Yung feeling na ang sarap tapusin nalang to. Ang sarap takasan yung mga problem sa buhay ko. Pero may pamilya akong umaasa sakin. May mga kaibigan akong mahal na mahal ako. May buhay akong kailangan ko'ng ipagpatuloy. At sigurado akong hindi matutuwa si Thomas pagnakita n'yang gan'to ako.

Hay... Ano ba naman yan, Ara. Sa saya at sa lungkot, kapakanan parin ni Thomas iniisip mo? Ano ba?!

*beep*

From: Kuya Axel Torres

Ara... Si Thomas... Naaksidente. 50-50 na sya. Gusto ka nyang makausap. Andito kami sa St. Lukes Hospital. Please, pumunta ka.

I froze. Hndi ko alam ang gagawin ko. Bakit sya pa?

I shook the nervousness away and hurriedly went to where they were.

Pag pasok ko sa ER, nakita ko si Thomas... punung-puno ng sugat at lamog na lamog ang katawan nito. Halos hindi na siya makilala sa lagay niya. Hindi ko ata kaya to...

I sat down beside him.

"Nung araw na nakipag-break sya sayo, nabundol sya ng sasakyan. Nabali ang ribcage nya. Wala na silang magawa." Sabi ni kuya Axel na magang maga ang mga mata sa kaiiyak. Lumabas muna ito para mapagisa daw muna kami ni Thomas.

Tinignan ko si Thomas...

"Thomas naman! Lumaban ka naman! Akala ko babalik ka? Akala ko gusto mo? Thomas! Sana hindi nalang ako nagalit. Sana hindi nalang tayo naghiwalay. Kasalanan ko 'to eh! Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Thomas, please." Napaiyak na ako at hindi ko man lang mayakap si Thomas dahil sa ribs nya.

"Ara... W-wag mong sisihin ang sarili mo. Kasalanan kong nasaktan ka." He stuttered. Ang sakit pakinggan na nahihirapan s'ya.

"Thomas.. Please.. Wag mo ulit akong iwan!" I wiped away the tears that started falling down my cheeks. "Hindi ko kakayanin. Thom, nagmamakaawa ako..."

"Ara.. Wala na akong nagagawa pa. God's will na mawala ako sa mundong ito. Siguro.. Hindi nga tayo para sa isa't isa. Siguro.. Nabuhay lang ako para maging lesson sayo. Siguro ganon yun." A tear escaped his eyes.

"Shh.. No. Kaya mo to. Lumaban ka. You can do this. Mahal kita, Thomas! Please... Don't say goodbye again." I tried to hug him. Pero masakit daw.

"Sorry, Ara.. But I'm saying this again.. And I'm so sure na this is also the last time you'll hear me say this. Ara. I love you. Only you... And please, be happy. Even without me in your life. Marry.. Have kids.."

"Yes, I will..." I nodded. "I promise, magiging masaya ako... Para sa'yo."

He shook his head as he heaved out a heavy sigh. "Be happy for yourself. Not for me."

I kissed his cheek one last time. "I love you, Thomas. I'll be happy. I hope you are too... I want you to leave this world with a smile. Are you happy?" I was trying not to sob. I tried smiling. At kakayanin ko para kay Thomas.

"Oo, Ara. Masayang-masaya ako dahil masaya ka. Dahil nakita kita na nakangiti. Remember that I will always be here for you. Kapag nalulungkot ka, isipin mo lang na nalulungkot din ako. Pero nandito lang ako sa tabi mo. Always and forever." He kissed the back of my hand... Closing his eyes and whispered, "Salamat sa lahat, Ara. Salamat."

Hinawakan ko ang mga kamay nya. Hinigpitan nya ito at ngumiti habang may mga luha na pumapatak mula sa kanyang mga mata.

"Goodbye." He closed his eyes as his heartbeat stopped. His hands that were gripping mine, let go.

That was the last time I ever heard his voice. The last time he said I love you. The last time he said goodbye.

The last time I saw him alive.

Hindi ko na sinisisi ang sarili ko. Dahil alam kong yun ang gusto ni Thomas. I'm living my life, the way Thomas would want me to. He's still in my heart. No one can ever replace him in my life. In my heart.

--------------------------

end.

Last Goodbye (Thomara One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon